Kinaumagahan pinuntahan ni Aleeza ang mama niya para makausap ito.
Ma pwede ba tayong mag-usap? Tanong niya sa kanyang ina na abala sa pagdidilig ng halaman. Kahit may mga kasambahay sila. Hindi na niya pinagbabawalan ang ina niya na mag-alaga ng halaman. Ayon dito kasi ay nagiging ehersisyo na nito ang paghahalaman at nakakapagbigay kasiyahan sa kanya kapag nakikita na nitong namumulaklak na ang mga tanim nito.
Oo naman anak. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko at pupuntahan na lang kita. Kumain ka na muna ng almusal at mukhang lalo kang pumapayat anak. Nababahala na ako sa kalagayan mo.
Sige ma. Kakain po muna ako. Sa garden na lang din po tayo mamaya mag-uusap. Paalam niya sa ina at pumunta na sa loob ng bahay para asikasuhin naman ang anak na kumakain na.
Mom let's eat breakfast. Yaya na ni Sabrina sa kanya.
Sige anak. Kakain na din naman ako. Sagot niya dito.
Mom are you OK? Tanong ni Andrei sa kanya.
Yes son. Why? Am I looking ugly?
Nope mam. But you are somewhat thin, but you still look great for me.
Thank you anak. Marunong ka na mambola. Nakangiting saad niya sa anak.
Hindi po ako marunong mambola. I am just saying the truth. You are so beautiful mom. If I will be a big boy, I will be looking for a girl like you. Dagdag na sambit pa nito sa kanya.
Anak huwag ka muna magmadali sa paglaki. Hindi pa ako sawa sa inyong dalawa. Naluluhang sambit nito sa anak.
Mom, are you crying? Stop mom. We love you, kami ni Sabrina. Mahal ka namin. Hindi ka namin iiwanan kaya you have to do the same. Huwag mo din kami iiwanan. Promise us that you wouldn't leave us.
Oo naman anak. Walang iwanan. Naluluha pa niyang sambit na halos wala na siyang masabi dahil naalala niya ang sakit na maaaring maging dahilan ng pag-iwan niya sa mga anak.
Anong drama ito mga mahal ko. Siya namang dating ng mama niya.
Wala naman ma. Ito kasing apo mo ay kung anu-ano na ang pinagsasabi. Parang gusto na ata maging binata. Saad na lang niya na pasimpleng pinunasan ang tumulong luha.
Naku apo ko. Huwag ka muna manligaw ha. Bata ka pa. Pabiro namang saad ni Martha sa apo.
Of course lola, hindi pa po ako manliligaw. I am still my mom's boy. She will always be my first love.
Oh baby. You are making me cry. Saad na lang ni Aleeza na hindi na napigilang lumuha.
Kain na nga tayo. Ang aga nag MMK na tayo mag-iina.
Oo nga mam pero daig niyo pa nga ang artista sa drama eh. Damang-dama mo ang bawat binibitawan mong salita. Saad ni Aling Edna na isa sa mga kasambahay nila na nakikinig pala sa usapan nilang mag-iina.
Isa ka pa Manang Edna, alam mo namang mababaw talaga ang luha ko, lalo na't mga anak ko ang kausap ko. Saad naman ni Aleeza sa kasambahay.
Totoo naman talaga mam eh. Mag-artista ka na kaya mam. Ako na ang president ng fans club mo. Pakwelang sambit naman nito sa amo.
Puro ka talaga kalokohan diyan Manang. Kuhanan mo na lang po ako ng prutas. Utos na lang niya dito.
Nagbabakasakali lang mam at talaga namang papasa kang artista. Maganda na mabait pa. Naku mam, pag-isipan mo at ng makapagpagawa na ako ng t-shirt at tarpaulin. Dagdag pa nito.
Lukaret ka talaga manang. Yung prutas ko po manang pakikuha na lang. Nakangiting utos niya dito.
Coming right up mam. Sagot naman nito na nakapagpatawa sa kanya.
Anong oras po pala umalis si Apollo ma. Tanong niya sa ina.
Di ko din napansin anak at pagbaba ko eh nakaalis sabi nila Edna.
Mam mga quarter to six po siya umalis at may meeting daw po. Nag kape lang din po siya at nagmamadali na po sa pag-alis. Sagot naman ni Edna.
Ganun ba. Tawagan ko na lang mamaya. Sambit naman ni Aleeza.
Baka po natagal sa paghugot kaya late ka po nagising mam. Usisa pa ni Edna sa kanya.
Naku mam. Pakunyari pa kayo eh sa gandang lalaki ni sir. Kung ako asawa niyan. Hindi na yan makagulapay kinabukasan.
What's makagulapay mam? Takang tanong naman ni Andrei sa kanya.
Wala yun anak. Pagod lang ibig sabihin nun. Huwag nyo ng pansinin si Manang Edna, kwela lang talaga siya. Madaming alam na kalokohan. Dagdag pa ni Aleeza.
Ok mam. We believe in you. Sagot naman ni Andrei sa kanya.
That's good anak. Kain na tayo at may pag-uusapan pa kami ng lola niyo.
Ok mam. Let's eat Sab. Yaya naman nito sa kapatid.
Ok kuya. I will eat now. Sambit naman ni Sabrina.
Parang kinukurot ang puso ni Aleeza habang nakikita ang mga anak na alam niyang maiiwanan niya. She was fighting so hard na huwag tumulo ang luha.
Anak mukhang kailangan mo talaga ng pahinga at payat na ka. Nalulungkot na saad nito sa anak.
Yes ma. Magpapahinga talaga ako. Malapit na. Saad naman nito sa ina kahit alam niyang wala ng kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya ng matagal o malapit na siyang mawala sa mundong ibabaw.
Mga apo, huwag ninyong bibigyan ng sama ng loob ang mommy ninyo at dapat good boy and good girl kayo.
Yes lola. We will always remember na andito lang tayo para kay mam.
Mabuti naman kung ganun. O siya kumain na kayo at mag-aral ng mga lessons nila.
Ikaw ma. Sumabay ka na sa amin. Yaya ni Aleeza sa Nanay niya.
Kumakain na ako kanina anak. Saad naman nito sa anak.
Ok ma. Tawagin na lang kita ma kapag mag-uusap na po tayo.
Sige anak. Balikan ko na ang mga halaman ko at hindi ko pa tapos diligan silang lahat. Paalam naman nito kay Aleeza na ipinagpatuloy naman ang pagkain.
Mom we are finish na. Can we go swimming later. Paalam naman ni Sabrina sa kanya.
Oo naman anak. Basta magpasama kayo kina yaya Marie ha. Isa pa nilang kasambahay ang kanyang tinutukoy.
Yeheeeyyy. Sigaw naman ng dalawang bata.
You are the best mom in the whole world. Sabay ding sigaw ng mga anak niya at niyakap pa siya ng mga ito bago pumunta sa kani-kaniyang silid at maghanap ng isusuot para sa swimming ng mga ito.