Tinawagan ni Aleeza ang kanyang mama para makibalita kung ano na ang progress ng paghahanap nito sa kanyang kakambal sa Cebu.
Hello anak. Kamusta ka na diyan? Bungad nito sa kanya pagkasagot ng telepono nito.
Mabuti naman ako ma. Ikaw ma? Kamusta ang paghahanap kay Ada? Tanong naman nito sa kanyang mama.
Nakausap ko na si Mercy. Bukas ay pupunta na ako sa kanila. Mabuti na lang at madali naman kausap si Mercy. Ang inaalala lang kasi niya ay ang magiging reaksyon ni Ada kaya ang sabi niya mga after lunch na ako pupunta para wala si Ada sa bahay. Para makapag-usap muna kami ni Mercy tungkol sa kanya. Tamang-tama at may lakad siya bukas ng tanghali pero babalik naman ng hapon kaya yun pa lang kami magkikita ng kapatid mo.
Ganun ba ma. Ang importante ma, nakausap mo na si Aling Mercy para hindi ka na mahirapan na kumbinsihin ang anak-anakan njya.
Oo anak. Sana nga makasama na agad ang kaibigan mo.
Mag-iingat ka diyan ma. Balitaan mo na lang ako ng mga kaganapan diyan at sana magandang balita ang sasabihin mo sa akin.
Salamat anak. Mag-iingat ako lagi. Saad naman ni Aling Martha.
Ibinaba na din ni Aleeza ang tawag at pinuntahan ang mga anak sa pool.
Nagpapaligsahan sa pool ang dalawang anak ng puntahan ito ni Aleeza sa pool.
Mga anak tama na muna yan. Kain muna kayo ng merienda ninyo. Paalala nito sa mga anak na tumalima naman sa kanya.
Gumawa ng sandwich si Alezza para sa mga anak pagkatapos nito makausap ang kanyang mama.
Yehey, we have sandwich, saad naman ni Sabrina at lumapit sa kanyang mama para humingi nito.
Here baby. Call your kuya Andrei para makakain na din siya. Utos nito sa anak na dali-dali namang pinuntahan ang kuya na nawili sa kakalangoy.
Ang maswimming ang bonding ng dalawang anak ni Aleeza kapag weekend. Nag-aral ng swimming lessons ang dalawa kaya bihasa na ito sa paglalangoy.
Umahon na din si Andrei sa pool at kumuha ng sandwich para kumain.
Mukhang nagutom ang dalawang kong mahal ah. Saad ni Aleeza na kinangiti naman ng dalawa.
Yes mom. I have several laps that I do so I was so hungry. Sagot naman ni Andrei at pinagpatuloy na pagkain ng sandwich nito.
Mabuti na lang talaga at nakapagswimming lessons kayo anak. Alam mo namang langoy - aso lang ang alam ko.
Si mommy talaga. Nakangiting sambit pa uli ni Sabrina.
Pagpatuloy niyo ang paliligo mga anak at aakyat na muna ako sa taas. Paalam nito sa mga anak.
Ok mom. Kaya na po namin ito. Sagot naman ni Andrei na.
Nagpalit muna ng damit Aleeza bago humiga at may nararamdaman na naman siya bandang puson niya. Naisipan niyang tawagan ang kanyang doktor para magtanong sa nga nararamdaman niya lately.
Hello dok. Kamusta po? May isasangguni lang po ako.
Mabuti naman ako iha. Ano bang maipaglikingkod ko sayo? Tanong ng kanyang doktor.
Lately po kasi dok. Napapadalas po ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi po ito ordinary at hindi ko na siya nakakayan. Maluha-luhang saad ko.
Ayoko namang ora-orada lang na pumunta diyan para magpatingin kaya pinapadala ko naman na muna sa pwedeng pumunta diyan sa opisina niyo po. Nakakahiya naman ding istorbohin kayo lagi kaya ang tahimik na ng bahay.
Umahon na din ang dalawang kiddos bago ito pa sila puntahan ng mommy nila. Malaki ang ipinayat niya kaya hindi na madalas makipag bonding si Aleeza..
Hindi na ito katulad ng dati na nakikipagharutan sa kanilang magkapatid. Siya na ngayon ang palagi na lang siya gumagawa ng mga assignment nila ni Sabrina samantalang dati, bonding nila iyong mag-ina. Sa murang edad ni Andrei, iniisip na lang niya na malaki na siya at siya na dapat ang gumagawa ng mga iyon.
Nakapagpahinga naman kahit papaano si Aleeza kaya bumaba na siya at maya-maya ay dadating na si Apollo. Naghilamos na muna siya para tuluyang magising ang kanyang diwa. Bumaba na din siya pagkatapos tiyaking maganda na siya sa kanyang paningin.
Pagdating ni Aleeza sa baba pumunta na muna siya sa kusina para tingnan kung ano ang niluluto ng mga kasambahay.
Manang ano po ang ulam natin? Tanong niya dito.
Sinigang po ma'am, maroon din pong steam vegerables, pritong isda, inihaw na baboy po. Sagot naman ni Aling Ditas sa kanya.
Wow ang sarap po pala ng ulam. Sagot naman niya dito at iniwan na muna ito para tignan ang mga anak sa sala. Natitiyak niyang inaantay na din ng mga ito ang pagdating ni Apollo.