Nagtatampo si Aleeza sa asawa dahil hindi man lang nito naalala ang espesyal na araw nilang mag-asawa. Anniversary nila ngayon at hindi man lang siya binati nito. Tuwing anniversary pa naman nila may sorpresa ito sa kanya kaya naiinis na siya ngayon dahil hindi man lnag siya talaga binati nito at may trabaho pa ito hanggang mamaya na lalong ikinasama ng loob niya. Hindi tuloy maipinta ang mukha niya na pumanhik na lang sa kwarto at naligo. Nagprepare pa naman siya para sa anniversary nila. Hindi nga lang naalala ng asawa niya ang mahalagang araw nila.
Parating na sa bahay si Apollo kaya tumawag na siya sa kasabwat sa kasambahay nila para itanong kung ano ang ginagawa ng asawa niya. Ayon dito, hindi maipinta ang mukha ng asawa niya ng pumanhik sa bahay dahil na rin siguro sa hindi niya pagbati man lang dito. Nakangiti siyang binaba ang telepono. Sinabihan niya ang kasambahay na kapag nasa bahay na siya dederetso na siya sa library para doon na isorpresa ang asawa. Ipapatawag na lang niya ito kapag ready na siya na mag-aabang sa asawa.
Pagdating sa bahay, dumeretso na si Apollo sa library para tingnan ang inihandang sorpresa sa asawa. Nagustuhan niya ang decoration na ginawa ng kasambahay sa anibersaryo nila ng asawa niya.
Nagpasalamat siya sa mga gumawa ng decoration at pinatawag na nito ang asawa para pumunta sa library.
Ma'am may ipapakita po sana ako sa library ma'am. Naglilinis kasi po ako doon kaso hindi ko po alam kung ano po ang pwede ng itapon doon o itatabi. Kunyaring saad ng kasambahay nila Aleeza sa kanya.
Ganun ba. Sige antayin mo lang ako. Sambit naman ni Aleeza at sinara na ang pinto ng master's bedroom para pumunta naman sa library.
Dahan-dahan na binuksan ni Aleeza ang pinto at nagulat sa sorpresang nakaabang sa kanya. Nandun ang asawa niya na ang lapad ng ngiti habang may hawak na bulaklak at lumapit sa kanya.
Happy anniversary love. I love you. Sambit nito sa kanya na nagpatulo na na sa luha niya.
Marahan niyang hinampas ang asawa dahil sa inis dito. Nakakainis ka talaga. Hindi ko alam na may ganito ka pa lang inihanda. Akala ko naman nakalimutan mo ang espesyal na araw natin love. Kanina pa ako naiinis sayo kasi parang wala lang sayo na anniversary natin. Hindi mo talaga ako binati kahit sa telepono kaya ang sama na ng loob ko sayo. Meron ka palang sorpresa sa akin love.
Lumapit na si Aleeza sa asawa at yumakap ng mahigpit dito.
Happy anniversary my love. I love you. Saad niya dito at hinalikan ang asawa ng marubdob.
Happy anniversary to mahal kong asawa. Mahal na mahal kita. Saad ni Apollo dito.
I am so happy about your surprise love. Madamdaming saad ni Aleeza na naluluha pa.
Of course love, ganun kita kamahal. Saad naman ni Apollo na kinintalan siya ng mabilis na halik.
So kain na tayo? Nag-aantay na mga anak natin sa mesa to celebrate our anniversary love. Masayang sambit ni Apollo sa asawa.
Tara na love. Sagot naman ni Aleeza at ikinawit ang isang kamay sa braso ng asawa habang hawak naman sa isang kamay ang bulaklak na bigay sa kanya na sinasamyo naman niya.
Happy anniversary mom and dad. Saad ni Andrei at Sabrina na niyakap at hinalikan naman ng mag-asawa.
Ang sweet naman ng mga anak ko talaga. I am so happy that I get to celebrate this with you my kids.
We love you mom and of course dad. Chorus pa ng dalawa.
So kain na tayo at gutom na talaga ako. Nakangiting sambit naman ni Apollo na kinurot naman ng mahina ni Aleeza.
Ikaw talaga love. Ang dami mo talagang alam.
Common kiddos, let's eat. Pray ka na Andrei anak. Masuyong utos ni Apollo dito.
Nanalangin na si Andrei para sa pamilya at sa pagsasama ng magulang kaya lalong sumaya ang selebrasyon nila.
Nalulungkot na si Aleeza ngayon pa lang na nakikita niyang lumalaki na talaga ang mga anak niya. Panalangin niya na sana bigyan pa siya ng mahabang oras na makasama ang mga ito. Pinapanalangin niya din na sana maisama na ng kanyang ina ang kakambal na si Ada para makapagsimula na siyang magpagamot. The earlier the better na makapagsimula ng gamutan at baka may milagro pa na gumaling siya. She's just crossing her fingers that miracle will happen para makasama pa niya ng matagal ang mga anak at ang asawa niya.
Masaganang kumain ang mag-anak at masayang nagkwentuhan.
Pagkatapos kumain. Nag-aya si Apollo sa asawa na sa garden na silang mag-asawa magtuloy ng kanilang selebrasyon. Nagpadala ito ng wine sa kasambahay.
Love i am so happy for this. Mamimiss ko to. Sambit ni Aleeza na biglang tinutop ang bibig dahil nagulat siya sa sinabi niya.
Ano ang sabi mo love? Hindi ko maintindihan. Bakit mo mamimiss? Eh andito ka lang naman sa bahay. Its weird love.
Kalimutan mo yun love at let's celebrate our anniversary.
Binuksan na ni Apollo ang wine na dinala ng kasambahay para sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo.
Let's dance love. Saad ni Apollo sa asawa.
Wala namang tugtog love eh. Nakangiting saad ni Aleeza sa asawa pero kinuha naman ang kamay nito at tumayo na din.
Ako ang kakanta love. Sagot naman ni Apollo.
Nasiyahan si Aleeza sa sinabi ng asawa na ito ang kakanta at maganda talaga ang boses nito.
Beautiful in white ang kinanta nito na siyang wedding song nila kaya lalo siyang nalulungkot sa isiping mapapawalay sa asawa ng sandali.
Love why are you sad. I can see it in your eyes. Don't be sad. We should be happy at anniversary natin ngayon. Sambit ni Apollo kay Aleeza.
I'm sorry love. This is tears of joy. I love you my love. I am so happy you are my husband. I will be forever grateful to God that I am your wife and the mother to our beautiful kids. Sambit ni Aleeza at hinilig ang ulo sa balikat ng asawa habang sumasayaw sila sa garden. Maganda ang panahon ng gabing iyon. Saksi ang buwan sa pagmamahalan nila ng asawa.