KABANATA 28

1042 Words
Pagdating sa Manila dumertso sa isang subdivision sila Ada. Hindi niya alam kung bahay iyon ng kanyang ina o ng kanyang Ate Aleeza. Tiningnan niya ang mga bahay na nadadaanan at namamangha siya sa ganda ng mga ito. Nay saan na po tayo? Tanong niya sa ina. Nasa isang subdivision tayo na kung saan may bahay na nirentahan ang ate mo para sa pagpapagamot niya. Dito ka din muna tutuloy habang pag-aaralan mo ang mga bagay-bagay tungkol sa ate mo. May makakasama ka naman at pupuntahan din naman kita to dito din ako matutulog paminsan. Ilang araw ka din lang naman na matutulog dito at lilipat ka na sa bahay ng ate mo. Syempre hindi ka naman pwedeng makita ni Apollo ng sabay kayo ng ate mo at magkakagulo agad ng hindi pa natin naisasakatuparan ang hangarin nating mapagaling ang ate mo. Mahabang paliwanag ni Aling Martha sa kanya. Sana nga Nay mabilis ko lang matutunan ang mga ituturo ng ni ate para mas maaga na siya magpagamot at mahirap po kapag lumala pa yun. Saad na lang ni Ada na nalulungkot sa sitwasyon ng ate niya at natatakot para sa magiging papel niya sa buhay ng mga anak nito lalo na sa asawa nito. Pumasok na sila sa bahay na titirhan niya pansamantala. Makikita na rin niya ang kanyang kapatid kaya excited na din siya. Nay sino po ang makakasama ko dito. Tanong nito sa ina. Si Aling Mameng iha. Mamaya dadating na iyon. Nagrocery pa iyon. Nasabihan ko na parating na din tayo kaya maya-maya andito na siya. Sagot naman ni Aling Martha sa kanya. Akyat muna natin ang mga gamit mo iha. Sambit ng kanyang ina na iginiya siya sa taas papunta sa ookupahing silid niya. Ang laki naman ng kwarto na ito Nay. Manghang saad ni Ada. Syempre anak, para maging komportablr ang pananatili mo dito. Magiging mabilis lang din ang pananatili mo dito kapag madali mong matutunan ang pagiging si Aleeza. Sana nga Nay. Pwede po bang magpahinga muna ako Nay. Napagod po ako sa byahe natin. Paalam ni Ada sa kanyang ina. Oo naman anak. Tatawagan ko naman ang ate mo na ipaalam na andito na tayo. Pupunta iyon mamaya dito kapag nalaman niya. Sige Nay. Pahinga lang ako. Aayusin ko lang din sa baba anak. Take your time. Saad naman ni Aling Martha bago bumaba. Nagbihis muna si Ada para komportable siya bago umidlip. Anak kamusta ka na? Bungad ni Aling Martha sa anak pagsagot nito ng tawag niya. Ito ma kailangan ko ng simulan ang pagamot ko at nagsisimula na akong manghina. Kailangan ko ng turuan si Ada ma. Sagot naman ni Aleeza. Tamang-tama anak at andito na kami. Maari mo na siyang turuan agad. Natutulog lang siya sa ngayon at pagod sa byahe namin. Salamat naman kung ganun ma. Mapapanatag na ako. Mamaya po pupunta ako diyan. Nasa ibang bansa sa ngayon si Apollo at inaayos ang expansion ng business ng family nila. May panahon akong turuan ang kapatid ko. Mabuti naman kung ganun anak. Mag-ingat ka pagpunta dito. Mag-aayos lang ako dito. Parating na din ang makakasama ni Ada ng ilang araw dito na makakasama mo na rin kapag andito ka. Ano ba gusto mong ulam anak? Kahit ano po ma. Magsisimula na po akong magturo mamaya at nararamdaman ko na pong hindi na magtatagal at kailangan ko na talagang pumirmi muna diyan. Sige anak. Madali namang matutunan ng kapatid mo ang mga gagawin mo kaya huwag kang mag-alala. Maliligo na ako ma para makapunta na ako diyan. Nasa biyenan po ang mga bata at hiniram nila. Sa isang araw pa ang balik ng mga iyon. Pagkakataon ko na talagang makasama at maturuan na din ang kapatid ko. Siya sige anak at ng makapunta ka na dito. Bye anak. Ingat ka pagpunta mo dito. Paalam na nito sa anak at nagayak na para sa lulutuin nito. Napasarap ang tulog ni Ada kaya pagising ay deretso na siya sa banyo para maligo. Kakadating lang ni Aleeza sa bahay at pumunta agad siya sa kusina. Ma andito na po ako. Saad niya sa ina na nakangiti namang lumapit sa kanya at yumakap dito. Anak mabuti at andito ka na. Kakaluto ko lang din ng nilagang baka. Wow ma, ngayon ko lang uli matitikman ang luto mo. Si Ada po? Tanong nito sa ina at luminga-linga kung nasa paligid ang kakambal. Nasa kwarto pa anak. Natulog kasi at pagod. Mamaya andito na yun. Andiyan na pala siya eh. Sambit ng ina at dahan-dahan na nilingon ni Aleeza ang kakambal. Ada ikaw ba yan? Ang ganda mo. Para talaga akong nanalamin. Maaari ba kitang yakapin kambal ko? Naluluhang tanong ni Aleeza kay Ada na naluluha na din. Oo naman ate. Pwedeng-pwede mo akong yakapin. Salamat at nakilala kita Ada. Salamat at may kakambal ako. Ayokong iwanan ang pamilya ko ng ganun-ganun na lang. Gusto ko na makasama pa sila ng matagal kaya I'm taking my chances para magpagamot. Tutulungan naman kita ate kaya huwag kang mag-alala. Sagot niya sa kakambal at niyakap ito ng mahigpit. Ang mga anak ko. Sambit naman ni Aling Martha at yumakap sa dalawang anak. Andito na pala kayong lahat. Saad naman ng boses na nagpalingon sa kanilang tatlo. Aling Mameng andito ka na pala. Ito ang kambal ko. Si Aleeza at Ada. Alam mo naman siguro kung bakit sila andito. Opo senyora alam ko po kung bakit. Asahan po ninyo na atin-atin lang po ang mga bagay na ito. Huwag po kayong mag-alala. Salamat naman kung ganun at salamat din na pumayag ka ding manatili dito. Malalaki naman na po senyora ang mga anak ko at dagdag kita na din po ang pananatili ko dito. May mga apo na din po kasi ako at tumutulong lang ako sa mga gastusin nila. Atleast po dito hindi naman mabigat ang mga gawain. Sasamahan mo lang at lulutuan ang anak ko. Saad naman ni Aling Martha. Kaya ko nga din po tinanggap ang trabaho na ito at hindi naman mabigat. Sambit pa ng matanda. Hindi naman po kami pasaway manang kaya wala kang magiging problema sa amin. Saad naman ni Ada na nagpangiti sa lahat. Ikaw talaga anak. Puro ka kalokohan talaga. Kumain na tayo para makapagsimula na ng pagtuturo sayo ang ate mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD