KABANATA 27

1021 Words
Kinabukasan hinatid ni Aling Mercy si Ada sa tinutuluyan ni Aling Martha na hotel. Gusto din kasi nitong ihatid hanggang Airport ang anak-anakan. Hindi niya makakasama ito ng matagal kaya mamimiss niya ang dalaga. Nay salamat at hinatid niyo pa po ako. Mamimiss ninyo ako Nay noh? Huwag ka ng magkaila Nay. Halata naman na itinatago nyo lang ang lungkot ninyo sa pag-alis ko pansamantala. Pagbibiro nito sa ina-inahan. Tumigil ka nga diyan nak. Umidlip ka muna malayo pa naman tayo. Kunyaring galit ni Aling Mercy pero naluluha na. Asus si Nanay nagkukunwaring hindi ako mamimiss eh kahit pasaway ako love mo ako eh. Nagsusumiksik pa ito sa tabi ng ina. Itong anak ko talaga. Oo naman anak mamimiss kita. Kaya nga kita ihahatid eh. Kapag boring na doon balik ka agad ha. Sambit ni Aling Mercy na pinunasan pa ang mga luha. Nanay naman lalo mo akong pinapalungkot dahil iiwan kita mag-isa. Hayaan mo Nay kapag nagustuhan ko doon kukunin na kita dito para magkasama na tayo ha. Sige anak, ikaw ang bahala. Saad naman ni Aling Mercy na hinaplos pa ang buhok ng anak-anakan. Umakyat na sila sa kwarto ni Aling Martha pagdating sa Hotel, napaabisuhan naman sa lobby na may bisita ito. Magandang umaga Nay. Tingnan mo kung sino ang gustong ihatid ako at mamimiss ako pag-alis. Bungad ni Ada sa kanyang ina pagbukas nito ng pinto. Aba naman at hinatid ka ng isa mo pang nanay. Salamat Mercy at sumama ka dito. Magbabakasyon lang saglit itong anak natin at babalik naman siya dito. Gusto lang siyang makilala din ng ate niya. Huwag ka ng mag-alala aalagaan naman namin siya doon. Hindi naman sa nag-aalala ako na pababayaan ninyo siya doon Martha. Mamimiss ko lang talaga itong pasaway na to. Pagbibiro pa ni Aling Mercy. Ayan na ang inay nagkukunwari na. Biro naman ni Ada na niyakap pa ito. Kain na muna tayo sa baba. May buffet pa doon ngayon. Nagsabi naman ako na kakain pa tayo kaya hindi pa nila naliligpit. Aya nito sa kanila. Sige Nay. Sagot naman ni Ada. Umiral na naman ang katawan ng anak natin Martha. Kumain na yan sa bahay. Pati dito kakain din. Nakangiting sambit ni Aling Mercy. Hayaan mo na ako Nay at nagugutom uli mga alaga ko sa tiyan. Sagot naman ni Ada na nakanguso. Itong anak talaga natin. OK lang naman Mercy at hindi naman nataba. Maganda pa rin. Mana ako sa inyo ng dalawa eh. Sagot uli ni Ada at ikinawit na pareho ang mga kamay sa braso ng dalawang nanay niya ng lumabas na sila sa kwarto. Swerte ko talaga at dalawa ang nanay ko. Wala man akong tatay na nakagisnan, ang mahalaga tatlo ang nanay ko. Oo naman anak at tatandaan mo lagi mahal ka namin nila Cedes at Mercy. Sambit ni Aling Martha na hinalikan pa siya sa pisngi. Tama yan anak. Naku tama na muna itong pagdadrama at baka may makadiscover na sa atin. Nakangiting sambit ni Aling Mercy. I love you mga nanay ko pati na din si Nanay Cedes sa heaven. I love you Anak. Sabay na sambit ni Aling Mercy at Aling Martha. Masaganang agahan ang nakahain sa mesa na pinagsaluhan nila Aling Mercy, Aling Martha at Ada. Tuwang-tuwa ang dalawang nanay ni Ada at magana kumain ang dalaga. Hindi na nila sinuway ito at hindi naman halata sa katawan ng dalaga ang pagkain ng madami. Ang sexy pa din nito. May katangkaran kasi ang kambal na si Ada at Aleeza. Agaw pansin talaga ang kagandahan ng dalawa.. Pagkatapos kumain nila Ada ay nag-ayos na rin ng gamit si Aling Martha para makapunta na sila sa Airport. Nay huwag po ninyong pababayaan ang sarili ninyo. Tatawagan naman kita hindi mo mamimiss ang makulit at pasaway mong anak. Saad ni Ada kay Aling Mercy ng nasa Airport na sila. Hindi muna sila pumasok para makapag-usap pa sila nito. Oo anak. Basta ba hindi ka makakalimot sa akin. Tawagan mo na lang ako lagi para naman makausap kita. Oo Nay. Baka mamaya may manliligaw ka na kapag nakaalis na ako ha. Biro pa nito sa ina-inahan. Ikaw nga itong dapat may nobyo na at ng magkaapo na kami sayo. Aba tumatanda ka na anak. Baka mamaya hindi mo na namamalayang wala na sa kalendaryo ang edad mo. Dagdag biro pa nito kay Ada. Parang pinamimigay mo na ako Nay ah. Hayaan mo Nay at baka sa Manila ko mahanap ang the one ko. Sana nga anak. Gusto ko namang may makasama ka habang buhay at hindi naman tayo matagal ng magsasama. Abah Nay huwag ho kayong magsabi ng mga ganyan. Makakasama ko pa kayo nila nanay ng matagal. Magkakaapo pa kayo sa akin. Saad naman ni Ada dito at niyakap na si Aling Mercy at papasok na din sila sa loob para makapag check-in na. Nay huwag mo akong kakalimutan. Pabirong saad nito sa ina-inahan pero lumuluha. Dyaskeng bata ito. Huwag ka na umiyak at baka sumama pa ako. Nanay talaga. Ingat ka po pag-uwi. Hayaan mo Mercy at makakapagbakasyon ka din sa amin. Ingat ka pag-uwi. Sambit ni Aling Martha at niyakag na si Ada na pumasok pagkatapos nito yakapin ang ina-inahan. I love you Nay. Saad ni Ada pagkatapos yakapin si Aling Mercy at pumasok na sa loob na Airport. Nakapasok na sa loob ng eroplano sila Ada. Nak ready ka na ba na maging si Aleeza? Hindi ko pa nga pumapasok sa utak ko ang mga bagay na yan Nay. Hindi ko po alam kung makakaya ko po pero sisikapin ko na magampanan na maging si ate sa pamilya niya. Alam ko pong andyan naman kayo para gabayan ako. Oo naman anak. Huwag kang mag-alala. Gagabayan ka namin. Hindi ka namin pababayaan. Mabait naman ang asawa ng ate mo at ang mga anak niya. Hindi ka naman mahihirapan sa kanila. Saad ni Aling Martha kay Ada. Sana nga Nay makayanan ko. Malaking responsibilidad din po iyon. Basta isipin mo na lang anak na para sa ate mo ang ginagawa mo. Oo Nay. Ginagawa ko po lahat ng ito para kay Ate Aleeza. Sagot naman ni Ada sa kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD