KABANATA 26

1006 Words
Pinasabay na lang ni Aling Martha si Ada sa kanyang pagbalik sa Hotel. Madadaanan naman ang mall kung saan ito pupunta kaya sinabihan niya itong sa grab na lang na na-book niya sumakay. Nay nakakahiya naman na sasabay pa ako sayo. Sambit ni Ada habang inaantay ang sasakyang na-book nito. Ano ka ba anak. Nanay mo ako, bakit ka mahihiya sa akin. Kulang pa nga ito kung tutuusin. Madami akong pagkukulang sayo. Tama lang na kahit ka-unting bagay ay napupunan ko. Masaya ako na nakakasama kita anak. Kaya nga nmalaking pasasalamat ko na sasama ka sa akin sa pagbalik ko at makilala mo na din ang ate mo na sabik na din sayo. Oo nga Nay eh. May pag-aalinlangan pa din naman ako sa pagpunta ko doon pero para sa ikakagaling ng ate ko gagawin ko po. Sana nga po gumaling siya. Iyon lang po ang tanging dasal ko. Saad naman ni Ada na kakitaan ng lungkot sa mata dahil na din sa sakit ng ate niya. Idinaan na lang si Ada ng kanyang ina sa mall kung saan sila magkikitang magkakaibigan. Pagkatapos humalik kay Aling Martha at umibis na ito sa sasakyan at tinanaw muna ang papalayong sasakyan bago pumasok sa loob ng mall. Nakita naman niya agad ang mga kaibigan na nasa isang cafe na. O bakit napatawag ka ng biglaang pagkikita na ito Ada. Meron ba kaming hindi nalalaman? Tanong ni Betty sa kanya. Isa ito sa mga hindi nakakasama sa lakaran nila palagi dahil na rin sa nagbabantay ng mga pamangkin. Tita goals ito palagi kaya hindi na nila inoobligang pumunta. Nagkalibreng oras lang ito at may tagabantay na sa mga pamangkin. Paalis ako bukas. Nagkita na kami ng biological mother ko. Sinundo niya ako para magbakasyon sa kanila ng ate ko kaya mawawala muna ako ng matagal. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik dito. Basta kapag nakabalik ako balitaan ko kayo. Gagawa na lang tayo ng gc para magkakamustahan naman tayo at hindi mamiss ang isa't isa. Sambit na lang ni Ada na nalulungkot na agad. Niyakap naman siya ng mga kaibigan. Ano ba naman yan, mawawala ang isang maganda sa atin. Paano ba yan ako na ang kasunod ni Ada sa pagandahan kaya akin na muna ang korona niya. Sambit naman ni Hannah. Isa din sa mga barkada niya na laging wala kapag gimikan na ang pag-uusapan at strikto ang magulang nito. Hoy Hannah, paminsan na nga lang tayo sumama dito kina Ada ganyan pa talaga ibubungad mo. Medyo kumapal ang face mo ateng at nakakahiya kina Ada. Saad naman ni Betty. Bets hayaan mo na ako, minsan lang naman talaga tayo sumama kaya lubus-lubusin na natin. Basta ako ang manlilibre ngayon at napayagan ako ng magulang ko na kitain kayo. Nakangiting saad ni Hannah sa lahat. Wow naman Hannah, big time ka talaga. Saad ni Ada sa kaibigan. Oo naman Ada, nabigyan ako ni papa ng panggastos kaya gamitin na natin sa bonding natin kahit ba matagal tayo makikita atleast memorable itong araw na ito sayo. Sagot naman ni Hannah. O paano ba yan, order na tayo? Sambit ni Ada sa lahat. Yessss. Chorus naman ng lahat. Talaga naman basta pagkain, walang hindi magpapahuli. Order na guys, its on me. Saad ni Hannah at pumunta na ito sa counter. Masayang bonding ng magbabarkada para sa pag-alis pansamantala ni Ada para makapiling ang kanyang ina at ate. Hindi naman niya masabi ang talagang pakay sa mga kaibigan at sensitibong bagay iyon. Nagkasunduan pa nilang mag-arcade kaya gabi na nagpaalam sa isa't isa ang magkakaibigan. Salamat sa lahat guys, hindi ko ito makakalimutan. At sana pagbalik ko andyan pa rin kayo at bonding uli tayo. Saad naman ni Ada na nagpahid pa ng kanyang luha dahil sa talagang mamimiss niya ang mga kaibigan niya. Nagyakapan pa sila at nagkuhaan ng picture na magkakasama bago nagkanya-kanyang uwi. Sinabay na ni Hannah si Ada at madadaanan nito ang bahay nila. Salamat Hannah at sinabay mo ako. Oo naman Ada, para ka namang iba. Mag kaibigan tayo at alam mo namang bumabawi lang ako sa lahat ng araw na hindi ako nakakasama sa inyo. Alam nyo namang strict ang parents ko kaya bumabawi lang talaga ako. Sagot naman ni Hannah. Dito na ako. Salamat sa pagsabay uli sa akin. Nakakatuwa at nakasama pa kita bago ako magbakasyon. Salamat. Humalik na siya kay Hannah bago bumaba ng sasakyan. Kumaway pa siya sa kaibigan bago naglakad papasok sa kanilang bahay. Ma andito na po ako. Tawag nito sa ina pagkapasok sa bahay. Anak andito ako sa kusina. Nagluluto ako ng hapunan natin. Sagot naman ni Aling Mercy. Mano po Nay. Saad naman ni Ada. Kaawaan ka ng panginoon anak. Kamusta naman ang lakad ninyo? Ok naman Nay. Nagpaalam ako saglit sa kanila na magbabakasyon na muna ako kina Nanay Martha. Sagot naman ni Ada. Wow Nay, espesyal naman ang hapunan natin. Sinigang na hipon. One of my favorites. Palatak ni Ada. Anak lahat naman paborito mo kaya alam ko kahit ano ihain ko eh kakainin mo. Matagal bago kita makasama kaya ito pinaghandaan ko ang hapunan natin sa ngayon. Saad naman ni Aling Mercy. Salamat talaga Nay sa pag-aalaga sa akin kahit may sapak ako paminsan. Alam ko namang hindi mo ako matitiis lagi eh. Anong paminsan ka lang may sapak anak? Palagi kaya. Naku Nay, yan ang mamimiss ko sa inyo? Ang panenermon mo. Natatawang saad ni Ada at yumakap mula sa likod ng ina-inahan. Mamimiss din kita anak. Magpakabait ka sa kanila ha. Huwag mong pairalin ang pagiging matigas ang ulo. Nay naman. Para naman akong bata na pinapangaralan mo niyan eh.. Saad naman ni Ada na nakanguso. Biro lang nak. Alam ko namang masunurin ka kaya kita inalagaan eh. Mamimiss ko lang talaga ang presensya mo. Babalik ka naman dito kaya yun na lang ang inaabangan ko. Salamat Nay. Kain na tayo at gutom na ako nay. Sige na maghahain na ako. Magbihis ka na muna para presko ka. The best ka talaga Nay. I love you. I love you too nak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD