Nay andito na po ako. Tawag ni Ada sa Nanay Mercy niya pagdating sa bahay nila.
Anak sandali at nasa likod bahay ako. Nagsasampay ng mga nilabhan ko. Sigaw naman ni Aling Mercy.
May bisita po tayo. Sambit ulit ni Ada sa ina-inahan.
Sandali at pupunta na ako diyan. Sagot naman uli ni Aling Mercy.
Kamusta po kayo? Sambit ni Aling Martha dito pagpasok ni Aling Mercy sa sala.
Mabuti naman at napasyal ka sa munting tahanan namin Martha.
Sumama ako dito sa anak ko para taos pusong magpasalamat sa lahat ng nagawa mo sa kanya. Hindi sapat ang pasasalamat ko sa nagawa mong pagkupkop sa kanya ng nawala si Cedes. Alam kong mahal mo ang anak ko kaya hindi mo siya pinabayaan. Ilang taon ko din silang hinanap pero hindi ko makita kaya nung nakasalubong ko ang nakakaalam kung nasaan kayo ay malaking pasasalamat ko at makakasama ko na ang anak ko.
Walang anuman yun Martha. Napamahal na sa akin ang anak mo kahit minsan matigas din ang ulo niyan paminsan-minsan. Sambit nito na kinalaki naman ng mata ni Ada.
Nay naman ibinisto mo na naman ako. Ang bait ko kaya. Pabirong sambit ni Ada dito.
Mabait naman yan si Ada, matigas lang ang ulo paminsan lang din. Natatawang saad ni Aling Mercy.
Naku ang nanay ko, madaming sinasabi. Niyayakap ito ni Ada galing sa likod.
Bakit ang sweet mo ngayon anak. May ginawa ka bang kasalanan? Pabirong tanong ni Aling Mercy dito.
Wala naman Nay. Sweet naman talaga ako ah. Graveh ka talaga sa akin.
Oo na. Sweet ka na.
Ganyan dapat Nay. Sambit naman ni Ada dito.
Mercy isasama ko sana muna si Ada sa Manila pagbalik ko. Gusto din siya makasama ng kakambal niya. Paalam nito kay Aling Mercy.
Wala namang problema sa akin at anak mo naman talaga siya kaya hindi naman kailangang ipaalam sa akin ang mga bagay na yan.
Babalik naman ako Nay para bisitahin ka o di kaya sumama ka sa akin kapag bumalik na ako doon at napagpasyahan ko ng sa Manila manirahan. Gusto naman kitang alagaan Nay at matanda ka na. Hindi ka na nakapag-asawa dahil sa akin.
Ito na siguro ang kapalaran ko anak. Ang maging ina-inahan mo. Masaya ako na naging anak kita kaya hindi mo na dapat suklian kung ano man ang nagawa kong pagpapalaki ko sayo.
Nay obligasyon ko na alagaan ka din dahil tumatanda ka na. Sambit naman ni Ada dito.
Masaya ako na maganda ang pagpapalaki mo sa anak ko. Maaari ka ding sumama sa amin kung gusto mo Mercy. Sambit ni Aling Martha dito.
Huwag na muna siguro at madami pa akong aasikasuhin dito Martha. Kapag nakabalik na si Ada dito at gusto ko ng bumalik sa Manila, sasama na ako sa kanya. Sa ngayon dito na muna ako. Sagot naman ni Mercy.
Ikaw ang bahala. Kapag naisipan mo na gusto mo ng bumalik sa Manila, alam mo na kung saan mo ako kokontakin.
Oo Martha, ako na ang bahalang kontakin ka. Salamat.
Walang anuman yun at malaki ang utang na loob ko sa pag-alaga sa anak ko.
Huwag kang mag-alala hindi ko naman pinagsisihan na maging matandang dalaga dahil may anak naman ako na maganda.
Yan naman talaga ang gusto ko sayo Nay, nagsasabi ka ng totoo. Sambit naman ni Ada dito.
Ang anak ko talagang to. Maghanda ka na ng lunch natin. May lulutuin na ako doon. Naihanda ko na. Lutuin mo na lang para dito na kumain ang nanay mo.
Sige dalawa Kong nanay. Magluluto na muna ang maganda ninyong anak. Paalam na nito sa dalawang nanay niya at umalis na para pumunta ng kusina at makapagluto ng tanghalian nila.
Sinigang na baboy ang lulutuin ni Ada ay may pinirito ding tilapya. Nagsaing na din siya at ng makakain na sila. Malayo pa ang byahe ng kanyang Nanay Martha pabalik ng hotel kaya kailangang kumain na muna ito bago bumyahe.
Masayang nag-uusap sina Aling Martha at Aling Mercy na minamasdan naman ni Ada mula kusina. Masaya siya na magkasundo ang dalawa niyang nanay. Alam niya na masaya ang isang pang nanay niya na nasa langit na, si Nanay Cedes niya.
Matapos makapagluto ng tanghalian si Ada ay nagpasya muna siyang maligo at nanlalagkit na talaga siya.
Mga nanay ko, maliligo na muna ako at tapos na akong magluto para makakain na po tayo. Paalam nito sa dalawang nanay niya na tumango naman pareho at mukhang may pinag-uusapan na hindi pwedeng abalahin kaya pumasok muna si Ada sa kwarto at naghanap ng maisusuot. Balak niya ding makipagkita sa mga kaibigan at aalis na siya sa susunod na araw. Nakapagtext na siya sa mga ito at umoo naman. Hindi na lang muna niya sinabing aalis na siya para hindi agad magtampo ang mga ito. Nagpaalam na din muna siya sa trabaho na hindi makakapasok. Kinabukasan na siya pupunta sa trabaho para makausap ang mismong may-ari at magreresign na siya. Nagsabi na rin kasi siya dito na kakausapin niya kinabukasan at sinabi nitong after lunch na siya pumunta.
Pagkatapos maligo ay naghain na din ng mesa si Ada para tawagin ng kumain ang kanyang dalawang nanay.
Kakain na po. Aya niya dito na tumayo naman ang dalawa para sumunod sa kanya.
Wow anak, mukhang masarap ang niluto mo ah. Saad ni Aling Martha na umupo na.
Oo Martha masarap talagang magluto yan si Ada at natuto yan kay Cedes nung buhay pa. Magaling kasing kusinera si Aling Cedes noong nabubuhay pa.
Matitikman ko na din ang luto ng anak ko. Excited na sambit ni Aling Martha.
Pinagsandok siya ng kanin at ulam ni Ada kaya lalo siyang ngumiti dahil sa pag-alaga sa kanya nito.
Tikman niyo na po ang luto ng soon to be chef ninyong anak Nay.
Uhmmm. Ang sarap nga anak. Tataba ako kapag ikaw lagi ang magluluto. Saad pa nito ng mahigop ang sabaw ng sinigang.
Tama lang ang asim nito. Ito ang gusto kong pagkaluto sa sinigang.
Talaga Nay. Gustong-gusto din yan ni Nanay Mercy. Tingnan mo pangalawang pinggan niya na yan.
Anak naman binubuking mo naman ako kay Martha eh. Makikita naman sa katawan ko dibah na mataba ako. Sa masarap mong mga luto ito kaya lumobo ako. Wala naman na sa akin kasi hindi naman na ako maghahanap ng magiging katuwang ko sa buhay kaya hindi ko na dapat inaalala ang katawan ko. Masarap kaya kumain lalo na kapag ikaw ang nagluluto.
Naks naman. I love you Nay. Sambit ni Ada sa kanyang Nanay Mercy na nginitian naman siya.