Nagising ng madaling araw si Ada pero hindi naman siya bumangon. Tiningnan niya ang kanyang ina na mahimbing ang tulog. Hindi mawaglit sa kanyang isip ang hinihiling ng kanyang ate Aleeza. Masyadong magulo ang utak niya sa ngayon pero gustong-gusto niya ding tulungan ang kanyang ate. Nagdasal siya na sana bigyan siya ng lakas na makapagdesisyon ng tama. Napabuntunghininga na lang siya at ipinikit na ang mata para matulog uli.
Kinaumagahan naalimpungatan si Ada dahil may yumuyugyog sa kanya. Naalala pala niyang hindi siya sa bahay nila natulog kaya wala ang maingay na bunganga ng kanyang nanay Mercy.
Anak gising na. Magbreakfast na tayo at sasama ako sayo na umuwi. Gusto ko lang makita ang nag-alaga sayo ng wala na si Cedes. Saad ni Aling Martha ng nakangiti.
Good morning Nay. Mabuti kung ganun Nay. Gusto ko nga din po na magkakilala kayo ni Nanay Mercy para kapag sumama ako sa inyo pagbalik ay hindi naman siya mag-alaala. Nakangiti ring sagot ni Ada sa kanyang ina.
Anak totoo ba yang sinasabi mo? Sasama ka sa akin? Napag-isipan mo na ang hinihiling ng ate mo sayo? Naluluhang sambit ni Aling Martha.
Oo Nay. Napag-isipan ko na po. Kung ito lang po ang paraan para makapagpagamot si ate at gagawin ko po. Parang wala naman po akong silbi kung hindi ko po siya matutulungan.
Salamat anak. Malaking tinik sa dibdib ko ang nawala dahil sa pagpayag mo sa hiling ng ate mo. Sasabihin ko na sa kanya anak.
Nay huwag mo na munang sabihin sa ate. Pwede po bang surprise na lang natin siya. Awat ni Ada sa ina na tatawagan na sana ang ate niya.
Sabagay anak. Magandang idea yang naisip mo. Sa makalawa na tayo babalik anak. Malapit na din kasi ang birthday ni Apollo at pinaghahandaan namin iyon.
Ok nay. So kain na tayo Nay? Gutom na po ako eh. Sambit ni Ada na siyang pagtunog naman ng kanyang tiyan.
Gutom ka na nga talaga anak. Natatawang saad ni Aling Martha at niyakag na ang anak na bumaba sa resto. Buffet breakfast ang inihahain doon kaya tiyak magugustuhan ng kanyang anak.
Habang kumakain napapaisip pa rin si Ada kung tama ba ang naging desisyon niya na umoo sa hiling ng ate niya. Hindi naman sa nagdadalawang isip siya na pagbigyan ang ate niya, ang ikinakabahala lang niya ang magkaroon siya ng attachment sa mga anak nito. Ang isa pang problema niya ay ang asawa nito. Paano na lang kung mahulog ang loob niya dito at ang sabi ay mabait ang asawa ng kakambal niya. Napabuntung hininga na lang siya sa naiisip.
Anak bakit ang haba naman ng buntung hininga mo? Nagtatakang tanong ng kanyang ina.
Kasi Nay may naiisip lang ako. Huwag po kayong mag-alala hindi naman po nagbago ang isip ko sa aking pasya na tulungan si ate. Sambit nito sa kanyang ina.
Salamat anak at napagbigyan mo ang ate mo. Hindi na ako mag-aalala habang nagpapagamot siya.
Nay kapag ba nagpagamot si ate, sigurado ba na gagaling siya? Tanong nito kay Aling Martha.
Hindi natin alam anak kaya susubukan natin na magpagamot siya para malaman natin kung yun ay tatalab sa kanya. Kung kakayanin ba ng katawan niya. Sana nga gumaling siya para makasama pa natin siya. Kaya nagpapasalamat ako sa tulong mo sa ate mo.
Gagawin ko ito Nay para kay Ate at sa pamilya niya. Ayaw ko na mawalan ng ina ang kanyang mga anak. Mahirap mawalan ng magulang. Walang gagabay sayo. Maswerte ako at tatlo ang aking naging nanay.
Patawarin mo ako anak at hindi kita nagabayan sa paglaki mo. Sinubukan ko naman pero sa mur ang edad ko noon. Hindi kakayanin ng kinikita ko na buhayin kayong dalawa. Sa inyong dalawa ng ate mo ay siya ang laging sakitin kaya pinakiusapan ko muna si Cedes na siya ang mag-alaga sayo kasi ang healthy mong bata at hindi masyadong alagain. Patawarin mo sana ako anak. Naluluhang turan ng kanyang habang hawak ng mahigpit ang kanyang mga kamay.
Huwag na po nating alalahanin ang mga panahong nawala inay. Ang mahalaga sa ngayon ay magkasama na po tayo at matulungan si ate sa pinagdadaanan niya.
Andito lang po ako para handang tumulong.
Masakit mang isipin na sa ganito pa tayong tatlo magkakasama, basta ang isipin na lang natin ay pinagtagpo tayong lahat para makatulong sa isa't isa. Sagot ni Ada.
Salamat anak. Sambit ni Aling Martha at niyakap siya ng mahigpit.
Nay malapit ko na talagang idulog sa MMK itong istorya natin. Nakangiting saad nito sa ina habang nagpupunas ng luha.
Loka-loka ka talaga nak. Kain pa at alam kung gutom ka pa. Saad na lang nito na ipinagpatuloy na ang pagkain.
Anung oras po tayo uuwi sa amin Nay? Doon ka ba matutulog? Tanong ni Ada.
Hindi siguro ako matutulog at may mga bibilhin pa ako kinabukasan bago ang pag-uwi natin sa Manila sa susunod na araw. Mag bonding na muna kayo ni Mercy at matatagalan bago mo siya madalaw.
Sige Nay kayo po ang bahala. Mag-aayos na din ako ng gamit ko kinabukasan at magreresign na ako sa trabaho ko. Matatagalan ako makabalik at hindi naman pupwedeng mag leave lang ako. Saad naman niya sa ina.
Mabuti pa nga anak at kaya ko naman na bigyan ka ng magagastos.
Naku Nay, ang patirahin nyo lang po ako sa Manila sapat na yon. May pagkain naman po sa bahay nila ate.
Anak may allowance ka na manggagaling sa ate mo kaya dapat may savings ka para kapag gumaling na ang ate mo. Makakapagsimula ka uli. Gusto din kita makasama kaya naghahanap na din kami ng ate mo ng bahay na uuwian nating dalawa habang dalaga ka pa.
May boyfriend ka na ba anak? Tanong ni Aling Martha sa kanyang anak.
Wala inay. Hindi ko po kasi pinapansin ang mga nanliligaw sa akin.
Mabuti naman kung ganun. Saad na lang ni Aling Martha.
Pagkatapos nila kumain ay bumalik na sila sa kanilang kwarto at naghanda na para sa pag-uwi nila sa bahay ni Aling Mercy.
Habang daan, tinitingnan ni Ada ang mga nadadaanan at tiyak niyang matatagalan ang pagbalik niya dito. Depende pa sa sitwasyon na madadatnan niya sa Manila. Kapag nagustuhan niya doon ay baka doon na din siya maghahanap ng trabaho.