Dalawang araw na lang at uuwi na si Apollo kaya aligaga si Ada sa preparasyon para sa kaarawan nito. Hindi din niya alam kung ano ang ireregalo dito since hindi pa naman niya talaga kabisado ang mga hilig at gusto nito. Nahihiya din naman siyang tanungin ang ate niya tungkol doon at baka kung ano na ang isipin nito sa mga ginagawa niya.
Nasabi naman ng ate niya ang mga paboritong pagkain nito kaya yun ang mga handa nila at may iba ding putahe na siya ang nagdesisyon. Iniisip niya kung ano ba talaga ang gusto niyang iregalo dito.
Napatingin siya sa isang drawer sa closet nito ng nakaupo na siya sa kama. Nang buksan niya ay tumambad sa kanya ang isang larawan nito kasama ang mga anak pati ang ate niya kaya nagkaroon siya ng idea na ipaguhit ito. Charcoal paint ang ipapagawa niya sa larawan ng pamilya nito. Ngayon pa lang ay nalulungkot na siya dahil hindi ang ate niya ang kasama nito sa kaarawan. Nanalangin siya na sana may lakas ng loob na ang ate niya na kausapin ito tungkol sa totoong kalagayan nito kahit ang kapalit nun ay ang galit sa kanya dahil sa pagpayag niya na maging ang ate niya. Ang pagiging huwad niyang asawa.
Tumawag si Ada sa kakambal para kamustahin ito. Hindi pa niya ito uli nakakausap dahil naging busy siya sa birthday ni Apollo.
Ate kamusta ka na? Tanong niya dito pagsagot ng tawag niya.
Ito hindi na alam kung tatagal pa ba ako. Nanghihina na ako Ada. I can't hold on anymore. I was in the middle of nowhere. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. I just prayed na maging ok hanggang sa birthday ni Apollo. Alam ko naman na kaya mong gampanan ang role ko as asawa niya sa mahalagang araw niyang iyon at malapit na. May regalo ka na ba sa kanya?
Ate ano kasi. Nauutal na tugon ni Ada.
It's ok, hindi ko na ipipilit na sagutin mo. Hindi naman materialistic na tao si Apollo. Mas gusto pa nun ang masusurprise siya sa regalo mo kaya just be calm ok. Mapapanatag na akong aalis kasi alam ko na nasa mabuting kamay na ang pamilya ko. Garalgal na boses nito.
Ate ayan na naman tayo eh. Huwag ka ngang panghinaan ng loob. Andito lang kami ni mama. May milagro pa ate. Gagaling ka.
Sana nga Ada sana nga. Kamusta ang mga anak ko? Are they OK. I can't wait to hug them. Gusto ko magpaalam sa kanila pagkatapos ng birthday ni Apollo. I don't know kung kaya ko pa Ada. Sana makagawa ka ng paraan na maisama sila dito. Ipangako mo, please. Samo niya kay Ada.
Yes ate, pangako. Naluluha niyang sambit bago ibinaba ang telepono. Hindi na niya kayang makipag-usap sa ate dahil sa sakit na dulot ng mga sinasabi nitong nagpapaalam na.
Nalipat na din sa isang private room si Aleeza pagkatapos nitong malagpasan ang kritikal niyang kondisyon. Hindi pa rin nagbabago ang mga nangyayari sa katawan niya. Hindi pa rin siya bumabalik sa dati. Lalo siyang namamayat.
Ma ikaw na po ang bahala sa lahat. Naiiyak na niyang sambit sa ina na lumuluha na din dahil sa nangyayari sa kanya.
Huwag ka ngang magsabi ng ganyan anak. Maging matatag ka. Kailangan nating magdasal ng taimtim na gumaling ka na sa karamdaman mo. Hindi madali ang pinagdadaanan mo sa ngayon pero may awa ang diyos. Maging matatag ka anak. Andito lang kami anak lagi para sayo.
Alam ko naman na nandyan kayo para sa akin ma. Lumalaban ako pero ang katawan ko ang sumusuko. Hindi na kaya ng katawan ko. Lalo akong nanghihina sa pagdaan ng araw. I want to be strong para sa pamilya ko pero ang katawan ko ang sumusuko. Gusto ko ng sabihin sa pamilya ko ang aking sakit at kung bakit ko pinapanggap si Ada na ako. Gusto ko ng itama lahat ma para panatag na akong aalis sa mundong ito. Mahirap ang desisyon na iyon pero kailangan ko gawin. Patatapusin ko lang ang birthday ng asawa ko bago ko siya kakausapin. Sambit ni Aleeza sa kanyang ina.
Kung yan ang desisyon mo anak. Susuportahan kita. Handa na ako sa galit ng asawa mo. Sana nga bukas ang isipan niya sa ginawa mo.
Sana nga ma maintindihan niya ako. Kung hindi man niya ako mapapatawad, matatanggap ko kasi kasalanan ko naman ang lahat. Huwag lang siyang mamuhi kay Ada. Baka si Ada ang sasalo lahat ng galit niya, Huwag naman sana umabot sa puntong iyon.
Hindi nga dapat umabot sa ganun na pati ang kakambal mo ay madamay. Pero hindi malabong mangyari ag baka isipin ni Apollo na pumayag din naman siya sa plano mo anak.
Alam ko ma na magulo kaya aayusin ko ito sa abot ng aking makakaya. Gusto Kong magpaalam sa mag-ama ko ng maayos. Ayaw ko na hindiaging maganda ang pag-alis ko. Hindi ako matatahimik.
Magiging maayos din ang lahat anak. Bukas na nga pala ang birthday ni Apollo. Sa resort pala iyon gaganapin. Sana maging maayos ang selebrasyon ng kaarawan niya bago mo siya kausapin.
Nakausap ko si Ada at maayos naman ayon sa kanya ang preparasyon. Panalangin ko na sana maging masaya si Apollo sa kaarawan niya kahit wala ako doon. Nalulungkot na saad ni Aleeza.
Anak magpahinga ka na. Bawal sayo ang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi maganda sa kalusugan mo iyan lalo. Saad ni Aling Martha sa kanya.
Hindi kasi maiwasan ma na mag-isip dahil na rin sa kalagayan ko. Sana nga maging ok na ang lahat ma. Aayusin ko ang problemang ginawa ko para wala ng madamay. Naghihirapan na din akong makita si Ada na naiipit sa sitwasyon namin.
Sana nga anak magiging maayos na ang lahat. Pahinga ka na. Iinom ka pa ng gamot. Kahit na patuloy kang nanghihina hindi dapat itigil ang pagagamot mo. May awa ang Diyos anak. May awa ang diyos. Saad nito kay Aleeza habang hinihimas ang buhok ng anak.
Salamat sa lahat ma. Salamat din sa Diyos at ikaw ang naging nanay ko.