KABANATA 41

1033 Words
Binibisita pa rin ni Ada ang ate niya paminsan para tingnan ang kalagayan nito. Hindi pa rin nagbabago ang kalagayan ng kanyang kapatid. Lalo pa itong lumala. Halos hindi na tumatalab ang mga gamot na iniinom nito. Hindi pa rin naman sila nawawalan ng pag-asa na gumaling ito. Alam niya sa puso niyang gagaling pa ang ate niya. Ada ikaw ba yan? Tanong ni Aleeza ng nakapikit.. Oo ate sagot ni Ada ng dumating siya sa ospital. Malapit na ang birthday ni Apollo. Ikaw na ang bahala sa lahat. Alam ko naman na gagawin mo ang lahat para maging masaya ang party niya. Garalgal na boses ang narinig ni Ada sa ate niya kaya bigla siyang nalungkot para dito. Ate naman eh. Gusto ko nga ikaw ang nandoon para umasikaso. Naluluhang saad niya sa kapatid. Alam mo namang impossible na makadalo ako sa party niya kaya ikaw na ang bahala. Iyakap mo na lang ako sa kanya. Masaya ako kapag nawala na ako kasi alam kong maaalagaan mo ang mag-ama ko. Ikaw na ang bahala sa kanila. Ate huwag ka ngang magsabi ng ganyan. Para ka namang nagpapaalam eh mahaba pa ang pagsasama natin, ang pagsasama mo at ang iyong pamilya. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo na kasama ang mga anak mo? Gustuhin ko man Ada pero hindi na iyon mangyayari. Nakikita mo ba ako? Para na akong patay dahil sa hindi ko na alam kung makakatayo pa ako sa higaang ito. Malapit ko na ding sabihin sa pamilya ko ang kalagayan ko. Naghahanap lang ako ng tiyempo kaya sana hanggat hindi pa nangyayari iyon ikaw na muna ang hahalili sa kanila bilang ako. Sana huwag kang magalit sa akin na gusto Kong ikaw na lang ang maging ako para sa kanila. Ikaw na lang ang maging asawa ni Apollo. Alam ko na may pagtingin ka sa asawa ko at masaya na akong may mapag-iiwanan na ako sa pamilya ko so sana mahalin mo sila tulad ng pagmamahal ko sa kanila o mahigit pa. Ipangako mo sa akin Ada na hindi mo sila iiwan katulad ng gagawin ko sa kanila. Please mangako ka. Humahagulgol na sambit nito sa kakambal habang hawak ito sa kamay. Oo ate nangangako ako. Ipangako mo din sa akin na lalaban ka hanggang sa huli. May awa ang diyos. Hilam sa luhang saad din ni Ada at niyakap na si Aleeza. Habang palapit ng palapit ang kaarawan ni Apollo ay lalo namang kinakabahan si Ada. Hindi pa din nakakabalik sa dating lakas ang ate niya para sana makausap na ang asawa nito. Ayaw na muna din kasi ng ate niya na kausapin ito bago ang kaarawan nito. Gusto na muna ni Aleeza na maging maligaya ito sa kaarawan nito. Hiniling niya iyon kay Ada na samahan muna ang pamilya sa kaarawan ni Apollo na wala na din siyang magagawa. Hindi pa handa ang ate niya na harapin ang pamilya nito. Samantala sa London, Naiinis na si Apollo sa kakabuntot ni Alyssa sa kanya. Darling bakit na ayaw mo akong kasama eh hindi naman ako pasaway sayo. Maarteng saad ni Alyssa sa kanya. Hindi na eh kulang na lang tabihan mo ako pag tulog ako. I was pissed by the way you act. Hindi tama na nakikita nilang kasama kita lagi. I'm a family man at mahal na mahal ko ang pamilya ko. Ayaw ko silang saktan. So please, tantanan mo na ako. Nagmumukha ka ng ewan sa kakasunod sa taong ayaw ka naman kasama. Ayaw naman sanang sabihan ng ganun ni Apollo si Alyssa pero sobra na ang ginagawa nito sa kanya na parang may relasyon sila. Ang sakit mo namang magsalita. Oo aaminin ko na ginagawa ko ito kasi gusto kita pero huwag mo naman ipamukha na hindi mo ako gugustuhin kahit ako na lang ang matirang tao sa mundo. Naiiyak na saad nito pagkatapos iniwan na nito si Apollo na naiiling na lang. Napabuntunghininga na lang si Apollo. Mas maganda ng naiintindihan ni Alyssa na hindi talaga siya ang lalaking mamahalin ito dahil sa mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Although lately may napapansin siyang kakaiba sa kinikilos ng asawa niya, she find him more attractive at hindi niya maiwasang maexcite sa pag-uwi. It gives him the urge to touch him wildly just by thinking of his wife delictable body next to him. It gives him bulges down there just by merely thinking of his wife. Napatigil tuloy siya sa ginagawa, he needs a cold bath when going back to the hotel. As this goes by, hindi pa rin maalis sa isip ni Ada ang mga sinasabi ng ate niya na alagaan ang pamilya nito. She wanted to do it whole heartedly kasi napamahal na talaga sa kanya ang mga bata. Ang mga bata nga lang ba? Napapailing na tanong niya sa sarili. Hindi niya maikakaila ang atraksyong nadarama kay Apollo. Ngiti pa lang nito nagiging marupok na siya. Kapag katabi nga niya ito matulog para na siyang sinisilihan sa pwet dahil sa kabang nadarama. Ang mga sinasabi nito na paniningil sa ilang beses na pagkaantala ng love making nila ay isa sa mga dahilan ng hindi niya pagtulog ng maayos. Ada huwag kang praning. Kaya mo to. Isipin mo na lang ginagawa mo ito para sa ate mo. Kausap niya sa sarili. Ma'am ano pong nangyayari at parang ang lalim talaga ng iniisip ninyo. Tungkol ba sa birthday ni sir Apollo? Untag ni Idang sa kanya ng makita siya nitong natutulala sa hapag kainan. Uhmmm. Medyo. Utal sa saad niya sa kasambahay. Naku ma'am, ikaw pa ba. Alam ko namang kaya ninyo yan. Ang maganda ma'am maghanap ka na ng magandang isusuot na pangligo at ikaw din kapag may mas maganda at sexy na babaeng makita si sir doon sa beach eh hindi ka pansinin. Pananakot nito kay Ada. Hindi mangyayari iyon kasi mahal niya ako. Confident na sagot niya pero in the back of her mind nanggagalaiti siya sa isip na may ibang babaeng magugustuhan si Apollo. Ipinilig na lang niya ng ulo dahil hindi naman dapat ang nararamdaman niya para sa asawa ng ate niya. Hindi iyon tama pero yun ang nararamdaman niya kaya naguguluhan na siya sa nangyayari sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD