KABANATA 7

1001 Words
Nagpahinga ulit si Ada pagkatapos niya mananghalian at makikipagkita siya sa kaibigan bago siya pumasok sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Pagkatapos maligo ni Ada ay nag-ayos na siya para maaga din sila magkita nga mga kaibigan. May pagkakataon kasi na matagal sila nagkakausap ng mga kaibigan kaya naglalaan talaga sila ng araw para makapagbonding. Nay aalis na po ako. Saad ni Ada kay Aling Mercy at humalik pa dito bago lumabas ng bahay. Mag-iingat ka anak. Sagot na lang nito sa anak-anak an at sinundan ito ng tingin. Kinawayan pa nito si Ada bago bumalik sa loob ng bahay. Jessa asan na kayo? Tanong agad ni Ada sa kaibigan ng papasok na siya ng mall kung saan sila magkikita. Pinadalhan niya ng text ang kaibigan pagbaba pa lang niya ng jeep na sinakyan papunta dito. Atat ka naman masyado friend. Nasa cr lang kami at nagreretouch. Lapot na ang face namin girl sa byahe. Punta ka na lang dito. Saad naman nito sa kanya at tinext siya kung saang cr naroroon ang mga kaibigan. Nakayuko siya habang naglalakad kaya hindi niya napansin na may makakasalubong siya. Mabuti na lang at maagap ang lalaki na hawakan siya sa balikat. Kasalukuyang may kausap sa telepono si Apollo ng mapansing may makakasalubong na babaeng hindi tumitingin sa dinadaanan kaya siya ana ang kusang humawak dito at baka magulat sa pagbangga sa kanya. Oopps miss, better watch your way. Saad nito sa dalaga na napamulagat naman sa boses niya. Nagulat din siya ng makita ang mukha ng babaeng nakasalubong. Ang kamukha ng asawa niya na nakita niya sa Hotel. Hindi niya nakalimutan ang kulay ng buhok nito. May highlights kasi ang buhok ng babae. Ang buhok ng asawa ay tuwid at maitim. Hindi ito sanay magpakulay ng buhok. It's you again, saad ng babae sa kanya na nakangiti. Yes, ako nga. Naalala mo pa pala ako. Sambit naman ni Apollo na nabighani sa ngiti ng dalaga. Pilit na iwinawaksi ang nararamdaman sa dalaga at hindi iyon dapat.. May asawa siyang tao. Oo naman pogi. Kiming saad naman nito. Hi I'm Apollo, and you are? Saad niya dito at inilahad ang kamay para makilala ang dalaga. Sasagot na sana si Ada ngunit bigla naman nag-ingay ang telepono niya. Hello girl, puti na ang mata namin at wala ka pa rin. Andito na kami sa resto. Dito ka na pumunta. Dalian mo na ant gutom na kami. Sambit ni Missy na isa sa mga barkada niya. I'm sorry. Inaantay na ako ng mga barkada ko. Sambit na lang ni Ada at iniwan na si Apollo na nagkamot ng ulo. Hindi nga talaga ako dapat magpakita ng interes sa ibang babae at may asawa na ako. Naiiling na saad na lang ni Apollo sa sarili at kinuha na nito ang telepono para tawagan ang asawa. Hello love. Napatawag ka? Hindi ka busy ngayon? Bungad na tanong ni Aleeza sa kanya na nagpabalik sa kanya sa reyalidad na may butihin siyang maybahay na siyang dapat niyang iniisip at hindi ang kamukha nito. I'm in the mall love. May tiningnan lang ako. How's the kids? I miss you love. Tomorrow night I'll be there. Ihanda mo na ang sarili mo at namimiss na kita. Pilyong turan nito sa asawa. Love ha. Mukhang iba na yang sinasabi mo. Loko ka talaga. Mahinhing saad naman ni Aleeza sa kanya. It's been a month love so I miss your moans. Natatawang saad ni Apollo sa asawa na alam niyang ikakapula ng mukha nito. Love stop teasing me. Kurutin na talaga kita kapag malapit ka. I miss you too love kaya uwi ka na ha. Nakangiting saad naman ni Aleeza sa esposo. I just love it when I hear your voice love. Saad naman uli ni Apollo sa asawa. Love naman eh, lalo kitang namimiss dahil sa pambobola mo eh. Love hindi kita binobola OK. I was just being true to myself. Ikiss mo na lang ako sa mga bata. May meeting pa ako in a bit. I was just strolling inside the mall. Ok love. Mag-iingat ka diyan. Alam ko namang faithful husband ka kaya hindi na ako magsasabing huwag ka tumingin sa ibang babae diyan kasi alam ko ako lang ang maganda para sayo. Oo naman love. Sagot na lang ni Apollo na nakokonsensya dahil sa pag-iisip sa babaeng kamukhang-kamukha ng asawa. Pinagbiyak na bunga talaga iyon at ang asawa niya. Love tumahimik ka na ata. Saad naman ni Aleeza na nagpabalik sa huwisyo ni Apollo. Sige na love. Nag text na ang kausap ko at inaantay na ako sa resto kung saan may meeting kami. Huwag kang magpakapagod at magpagutom love. See you tomorrow night. I love you. Paalam na niyo sa asawa. Ok love. See you tom. Magpapahinga na muna ako. Mag text ka na lang kapag tapos na ang meeting mo. I love you too. Saad naman Aleeza at ibinaba na ang tawag aparato. Pumunta na si Apollo sa resto kung saan sila may meeting ng investor. Dumating na iyon sa kanilang pinag-usapang lugar kaya nagmadali na si Apollo para hindi na ito mag-antay ng matagal. Kamusta po Mr. Rodrigo? Salamat at pinaunlakan niyo ang kahilingan ko na makausap kayo kahit short notice po. Mabuti naman Mr. Smith. Hindi na ako nagdalawang isip na makipagkita at alam kong pareho tayong makikinabang sa business venture na ito. Nakangiti namang sagot ng ginoo. Salamat naman po kung ganun. Paano po, ano po ang gusto ninyong kainin? Tanong niya dito. Coffee will do. Kakain ko lang din naman. Salamat. Tinawag na nito ang waiter at umorder na lang ng dalawang kape para sa kanila. Nagkasundo naman si Apollo at ang kausap nito kaya hindi na sila nagtagal sa resto. Dumaan na muna si Apollo sa pasalubong center para mabilhan ang mga anak at asawa na din niya ng delicacies ng Cebu. Naeexcite na siyang makita ang pamilya lalo na ang butihing maybahay niya. Bumalik na din siya sa Hotel para makapag-empake na din ng gamit para sa pagbalik niya sa Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD