KABANATA 6

972 Words
Hindi matahimik si Apollo sa babaeng nakabangga sa hallway. Para talagang pinagbiyak na bunga ito at ang asawa niya. Sexy lang talaga manamit ang babae. Nakalabas pa ang pusod nito. Bilugan ang pwetan at malulusog ang dibdib. Ang asawa naman niya ay ganun din. Mas malaki nga lang ang dibdib ng babae. Yun ang isang napansin niya. Pinilig niya ang ulo dahil sa lahat ng mapapansin ang malulusog na dibdib talaga ng babae. Tatawagan na lang niya ang asawa para mabaling dito ang isip niya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya may iniisip na ibang babae kaya dapat madivert muna ang naguguluhang utak niya. Hello love. Andito ang mga bata. Gusto ka nilang makausap. Saad ni Aleeza dito na nagpabalik sa kanyang huwisyo. Yes love, just put the phone in a loud speaker mode. Sagot naman ni Apollo. Hello daddy. We miss you. Chorus pa na sagot ni Andrei at Sabrina sa ama. I miss you too kiddos. Huwag kayong pasaway sa mommy ninyo. Sundin ninyo ang mga utos niya ha. Be good. Paalala nito sa mga anak. Yes daddy. We love you. Pasalubong po dad. Saad ni Sabrina dito. I will just talk to your mom. Maghanda na kayo sa pagtulog. It's getting late already. I love you both. Paalam na nito sa dalawang anak. We love you too dad. Mag-iingat ka po diyan. Saad naman ni Andrei dito. Love umakyat na sila. Have you eaten already? Yes love. Sa resto na ako kumakain dito. Ikaw ba are you OK? Yes love. I miss you. Saad ni Aleeza dito. I miss you too love. How's your check up? Kamusta ang resulta. Pinababalik ako doon for some tests pa so I don't have the results yet. Sagot naman nito sa asawa. Ayaw na muna niyang malaman nito ang totoo at baka biglaan itong umuwi. Ok love. So when is your next check up at baka masamahan kita. Tanong nito kay Aleeza. Uhmmm sa makalawa. Sagot niya dito. Gabi pa ang flight ko nun at kailangan ko pang makipagkita sa isang investor after lunch at baka matagal din ang meeting namin. Sorry at hindi kita masasamahan. No worries love. I will be ok. Kaya ko namang pumunta doon ng walang kasama. Sige love, andyan naman na ako ng gabi. I miss you so bad. Saad nito sa asawa pero ang mukha ng nakabangga sa hallway ang nasa isip niya kaya bigla siyang napasabunot sa ulo niya. Nasa resto pa naman siya kaya napatingin sa kanya ang ibang kumakain doon. Love are you still there. Naguguluhang tanong ni Aleeza sa kanya dahil tumahimik siya sa linya. Yes love I'm still here. Babalik na ako sa room para makaligo at makapagpahinga na din. Saad na lang niya sa asawa. Ok love. Mag-iingat ka diyan. Tawag ka na lang uli mamaya kapag matutulog na ok. Sambit ni Aleeza sa kanya. Ok love. I love you. I love you too. Sagot naman niya sa asawa bago ibaba ang telepono. Binayaran na niya ang bill bago pumanhik sa kwartong inuukupa niya. Malapit na siya sa kwarto ng lumabas ang babaeng kanina pa gumugulo sa utak niya. Tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng nakakaakit na ngiti. Mukhang nakainom na ito base sa mapupungay na mata. Ngumiti na lang siya dito bago pumasok sa loob. Maganda talaga siya. Piping sambit nito sa utak niya at pabagsak siyang nahiga sa kama. Nasabunutan tuloy niya ang ulo dahil sa kalituhan sa nararamdaman. Lord pasensya na po at nagkakasala ang utak ko. Hindi naman po ako Santo. Pumasok na siya sa banyo para makaligo na. Gusto na niyang kalimutan ang nararamdaman at mahal na mahal niya ang asawa. Hindi niya magagawang saktan ito. Samantala nakauwi na din si Ada sa bahay nito. Anak lasing ka na naman. Sambit ni Aling Mercy dito. Nay hindi ka na nasanay sa akin. May birthday lang ang barkada ko kaya nag-inom kami. Sagot naman niya dito at nagmano bago umupo. Nanay ang tawag niya sa dalawang kumupkop sa kanya. Kaibigan si Aling Mercy ng tita niya na namatay na siyang tinuluyan nila ng dumating sila dito sa Cebu. Ayusin mo na yang sarili mo para makapagpahinga ka na nak. Sambit ni Mercy sa anak-anakan na mapupungay na ang mata sa kalasingan. Oo Nay. Antok na din ako talaga. Salamat Nay. I love you. Saad pa nito sa ina-inahan bago pumasok sa kwarto para makapagbihis at makatulog na din. Umiiling na lang si Aling Mercy at sinaraduhan na ang pinto para makatulog na din. Kinaumagahan ang sakit ng ulo ni Ada dahil sa hangover. Naalala niya ang lalaking nakasalubong sa hallway ng hotel kung saan niya pinuntahan ang mga kaibigan. Gwapo naman ng lalaking yun. May asawa na kaya siya. Sana makita ko pa siya. Piping sambit niya sa sarili. Nak gumising ka na diyan at kumain. May trabaho ka pa mamaya. Saad ng ina-inahan ni Ada na nakasungaw ang ulo sa pinto ng kwarto niya. Nay mamaya pa yun. Ang aga pa po. Sagot naman ni Ada na tumalukbong pa ng kumot. Anong maaga pa. Alas onse na ng umaga anak. Brunch na ang kakainin mo niyan. Sagot din nito sa kanya. Ano nay alas onse na pala. Napahaba pala ang tulog ko. Di bale gabi naman ang pasok ko. Sa isang high end bar nagtatrabaho si Ada bilang waitress. Pinag-iigihan niya ang trabaho at malaki din naman ang sweldo niya doon. Malapit na ding pumili ng bagong head waitress/head waiter dahil magreresign na iyon. Magmamigrate na kasi sa ibang bansa ang buong pamilya ng head waiter nila kaya pinagpipilian pa ang isa sa kanila na papalit sa pwesto nito. Hindi siya nagpapalate man lang o umaabsent para may pag-asa pa siyang mapromote para tumaas pa ang sahod niya. Malaki din ang tip sa bar na pinagtatrabahuan niya kasi halos mayayaman ang parokyano doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD