KABANATA 39

987 Words
Palaging pinupuntahan ni Ada ang ate niya para malaman niya ang progress ng pagpapagamot nito pero hindi naman nagbabago ang kalagayan ng ate niya. Nag-aalala na siya sa maaaring kahihinatnan ng pagpapanggap niyang asawa kay Apollo. Hindi man niya aminin sa ate niya na nahuhulog na siya sa asawa nito dahil sa taglay na kabaitan nito ay hindi naman niya maiwasang mag-alaga sa kung ano pa ang mangyayari kapag nakasama na uli niya ito. Nakakalusot pa siya noong una sa mga dapat mangyari pero paano na lang kapag nagpilit na ito at magduda sa lagi niyang pag-iwas. Naguguluhan na talaga siya at sana panalangin na lang niya na hindi agad ito makabalik. Ang inaalala pa niya malapit na din ang kaarawan nito at talagang uuwi ito para makasama ang pamilya. Hindi pa niya tiyak na ang ate na niya ang makakasama nito dahil sa lumala na ang kondisyon ng ate niya. Nakakalbo na ito gawa ng chemo at sobrang pipis na ng katawan kaya hindi na ito makakaharap kay Apollo ng ganun ang kalagayan nito. Mom bakit po kayo malungkot? Tanong ni Sabrina sa kanya ng makita siya nitong nakatingin sa malayo ng tinutulungan niya ito sa online class. Wala naman baby. OK lang ako. Ok mom. I thought you miss dad kaya ka po malungkot. Namimiss ko na din po si dad. Hindi bale mom. Uuwi naman din po siya at makakasama na natin siya. Sabay yakap nito sa kanya at napabuntung hininga na lang si Ada dahil sa sinabi nito. Nalalapit na ang kaarawan ni Apollo at tiyak na uuwi talaga ito. Tumatawag naman ito sa kanila at ang sabi naayos na ang problema sa ibang bansa at makakauwi na ito anumang oras. Nagulat si Ada sa pagtunog ng telepono at ang kanyang ina ang tumatawag. Ma napatawag po kayo. Anak pumunta ka sa ospital, sinugod namin ang ate mo at suka ng suka. Hindi ko makayang tingnan siya na nagkakaganito. Nakatulog naman na siya. Tiningnan pa kung iuuwi na siya o mananatili pa dito. Kahit sumaglit ka muna dito anak. Garalgal na boses nito habang nakikiusap sa kanyang anak. Sige ma. Pupunta po ako. Paalam agad ni Ada sa ina. Baby pupuntahan lang muna ni mommy si lola ha. May pag-uusapan lang kami. Ok po mommy. Mag-iingat po kayo. Pasalubong po pag-uwi. Inosenteng saad ni Sabrina sa kanya na hinaplos naman niya ang buhok nito dahil sa naaawa siya sa anak ng ate niya kung may mangyari man sa ate niya kaya pinapanalangin niyang maging ok ang kalagayan nito. Andrei anak, aalis muna si mommy at magkikita lang kami ng lola mo. Paalam niya dito ng maabutan niyang nasa sala naman ito. Ok mom. Mag-iingat po kayo. Nagmamadali si Ada na pumunta sa ospital kung saan dinala si Aleeza. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagkaka-ospital ng kanyang ate. Manong sa tabi na lang po. Sambit ni Ada sa driver ng sinakyang taxi. Hindi niya inabala ang driver nila at baka magsabi iyon kay Apollo kung saan siya nagpupunta. Pumasok na siya agad sa ospital at dumerechu ng information desk. Miss anong room naka-confine si Aleeza Smith? Ma'am nasa ICU pa po siya. Saad ng nurse na nakatalaga doon. Itinuro naman siya saan banda matatagpuan ang ICU kaya dali-dali siyang pumunta doon. Ma kamusta si ate. Bungad niya sa ina na agad naman siyang niyakap. Hindi pa nagkakamalay uli ang ate mo. Kanina kasi nagising na siya pero biglang nawalan ng malay pagkatapos bilang humina ang heart beat niya kaya dinala na siya sa ICU. Minomonitor na pa nila siya. Sana nga maging ok siya mamaya o kahit anong oras man, yun ang tanging dasal ko. Sana nga ma, maging ok si ate. Magdasal na lang po tayo. Tugon naman ni Ada na umiiyak na. Hindi pa rin nagigising si Aleeza kaya napagpasyahan niyang umuwi na muna. May silid naman na nakalaan sa ate niya kaya doon na muna matutulog ang kanilang mama. Nagpapagising na lang ito sa nurse kapag may improvement na sa kondisyon ng ate niya. Umuwi ka na muna anak at baka makahalata na sa bahay kung bakit wala ka pa. Ako na bahalang mag-update sayo sa kondisyon ng ate mo. Mag-iingat ka pauwi. Ihalik mo na lang ako sa mga apo ko. Sige po ma. Kumain po kayo. Huwag kayong magpapagutom at baka kayo naman ang magkasakit. Huwag na po naging dagdagan ang problemang kinakaharap natin sa ngayon. Magpapahinga naman na ako anak. Kakain na muna din ako. Ayaw mo naman na kumain kaya ako na lang. Pag maging ok naman ang vital signs ng ate mo mamaya ipapalipat na siya sa kwartong kinuha ko. Mabuti naman po kung ganun. Lumalaban naman si ate. Nararamdaman ko naman na kinakaya niya lahat. May awa po ang Diyos ma. Mauuna na po ako ma. Baka tumawag si Apollo na wala ako sa bahay. Sige anak. Ako na ang bahala dito. Bumalik ka na lang uli bukas kung may pagkakataon ka. Sige ma. Ako na po ang bahalang gumawa ng paraan. Hinalikan na niya ang mama bago lumabas ng ospital para makauwi na. Habang daan hindi maampat ni Ada ang luha dahil sa kaba niya sa dinadanas ng ate niya sa ngayon. Sana nga lang maging ok ang ate niya. Magising na sana ito. Pagdating niya sa bahay, nakaabang na si Sabrina sa sala nila. Mom you are here. Humalik na ito sa kanya. Yes baby. Natagalan kasi kami mag-usap ng lola mo kaya ngayon lang ako. Tumawag po si dad kanina sabi ko po wala kayo at nagpunta ka kay lola. Wala naman po siyang ibang sinabi. Malapit na daw po siya umuwi kasi namimiss na po niya tayo. Tumango na lang si Ada at nagpaalam muna sa anak na magbibihis. Nagsisimula na naman kasi siyang umiyak dahil sa naalala niya ang kalagayan ng ate niya. Hindi niya maisip kapag may masamang mangyari dito. Paano na ang mga anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD