KABANATA 38

1052 Words
Naging busy si Apollo sa ibang bansa kaya tumatawag na lang siya sa pamilya niya sa Pilipinas. Naiinis siya kay Alyssa kasi sunod ito ng sunod sa kanya. Hindi naman niya maitaboy ng tuluyan at malaki din ang utang na loob niya sa babae dahil na rin sa mga naitulong nito sa kompanya. Nakikisama na lang din siya paminsan pero gusto sana niyang mag focus sa kinakaharap na problema sa business ng pamilya niya. Para kasing buntot niya si Alyssa kung saan siya magpunta at ayaw niyang malaman ni Aleeza. Baka pag-awayan pa nilang mag-asawa ang pagbubuntot ng babae sa kanya. Apollo darling kain na tayo ng lunch. Anong oras na pero subsob ka pa din sa trabaho. Hindi naman dapat pinapalampas ang break time. Mauna ka na Alyssa at tatapusin ko pa ito. Tugon na lang ni Apollo sa babae para hindi na mangulit. Ah basta hindi ako aalis kapag hindi ka sumabay sa pagkain sa akin. Ok fine. Magugutom ka lang din sa pag-aantay. I might be finish by 3pm at baka yun pa lang ang lunch ko. So kumain ka na baka ako pa sisihin mo kapag nagkasakit ka. Sambit ni Apollo dito na hindi man lang tiningnan ang babae. Ah ganun. Hindi mo talaga ako sasamahan? Hindi ka man lang naaawa sa akin. Kanina pa ako nag-aantay sayo. I said I'm gonna eat late. Mahirap bang intindihin yun. I was quite busy and I want to finish my work so I could go back to my family in the Philippines. Gusto ko lang naman na makasabay ka kumain for old time sake. Garalgal na sambit ni Alyssa sa kanya. Hindi ko naman sinabi na isabay mo ako so bakit ka nagkakaganyan? I'm a family man, may asawa't anak ako kaya dapat lang na trabaho lang ang iintindihin ko dito at hindi ang kapritso mo. Inis na sambit ni Apollo dito kahit na alam niyang nasasaktan na ito sa sinasabi niya. Gusto lang naman kita kasabay kumain tapos ang dami mo ng sinabi. Saad na lang ni Alyssa na lumabas na ng opisina niya. May sariling opisina si Apollo sa Hotel na pagmamay-ari ng lolo niya sa father side. Pinagakatiwalaan siya nitong mamahala kaya mas naging mabigat ang responsibilidad niya sa family business nila. Siya ang laging tagasalo ng problema nito kaya paminsan hindi na niya nakakasama ang pamilya ng matagal kaya balak niya pag-uwi na mag bonding naman sila ng asawa niya sa Paris. Naihanda na niya ang lahat para sa trip nilang iyon kaya gusto niya na ding maayos ang kinakaharap na problema ng pamilya. Akala ni Apollo na kakain na mag-isa si Alyssa dahil umalis naman ito sa opisina pero bumalik pala ang dalaga at dinala ang pagkain na naorder nito. Meron din sa kanyang binili ang dalaga. Wala ng magawa si Apollo at naihain na din ang pagkain nila. Salamat sa pagbili mo ng pagkain ko. Hindi ka na sana nag-abala pa. Saad niya sa dalaga na inismiran naman siya. Alam ko naman na gutom ka na. Matigas lang ang ulo mo at ayaw mo pang kumain on time. Baka magkasakit ka naman sa palagi ng late kumain. Hindi ka lalo makakauwi sa pamilya mo so hayaan mo na akong alagaan ka. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa lahat ng ito. Napabuntunghininga na lang si Apollo at hindi na sinagot ang babae at baka humaba na naman ang away nilang dalawa. Panay ang kwento ni Alyssa kay Apollo habang kumain pero hindi naman niya ito pinapansin at baka magkabangayan lang sila. Wala naman sana sa kanya na makasama ang babae pero hindi naman niya talaga mapaalis ng tuluyan ang dalaga. Napagselosan na ito ni Aleeza at ayaw niyang magkaroon ito ng duda sa kanya. Hindi na lang niya bibigyan ng pansin si Alyssa para walang maging gulo sa pagitan niya at ng asawa. Biglang tumunog ang cellphone ni Apollo at tumatawag ang anak niya kaya tinapos na niya agad ang pagkain niya. Hi baby. Saad niya kay Sabrina na kausap niya. Daddy I miss you. Kailan ka po babalik? Malapit na baby. Madaming tulog pa nga lang pero sana Huwag kang maging pasaway sa mommy mo. Yes dad. I'm a good girl po. Namimiss na kita daddy. Uwi ka na po. Sambit nito sa kabilang linya. I will go home in no time baby basta huwag kang pasaway sa mommy mo. Saan ang mommy mo? Give her the phone at may sasabihin ako sa kanya. Andito po daddy. Wait lang po. Mommy kakausapin ka daw po ni Daddy. Hello love. Saad ni Ada sa kabilang linya. Hello love. I love you and I miss you terribly. Nilakasan pa ni Apollo ang mga sinabi sa asawa para hindi na siya bulabugin nito. I love you too love. Miss ka na din namin ng mga bata. Talaga love? Kaya nga gusto ko na din na matapos ang ginagawa ko dito at gusto ko na ding makauwi diyan at makasama kayo. Saad naman ni Apollo. Mag-iingat ka lagi diyan love at huwag kang mambabae ha. Kundi lagot ka sa akin. Hindi naman love ako nambababae dito kasi mahal kita at ayaw ko na magalit ka kaya behave talaga ako dito. Saad pa uli ni Apollo na tiningnan pa si Alyssa na napaismid sa sinabi niya. Mabuti naman kung ganun. Sige na love may gagawin pa kasi sina Sabrina tungkol sa school nila. Tutulungan ko pa sila. Huwag kang papagutom diyan. Ingat ka lagi at mag-aantay lang kami dito. Sige love. Ingat din kayo at I will just check on you from time to time. I can't wait to be with you soon. Kagaya ng sinabi ko madami ka ng utang sa akin kaya maghanda ka na pagbalik ko. Natatawang saad niya sa asawa kaya biglang tumahimik ito. O love bakit tumahimik ka diyan. Wala naman love. Utal na sambit ni Ada kasi kinabahan siya sa tinuran ni Apollo na maghanda na siya sa pagblik nito. Akala ko kung ano na. I love you love. Bye. I love you too. Sagot na lang ni Ada at ibinaba na ang telepono. Nakangiting ibinaba na din ni Apollo ang tawag ng asawa at ipinagpatuloy na ang nabinbing trabaho. Hindi na lang niya pinansin na umalis na pala si Alyssa sa opisina niya kasi yun naman talaga ang gusto niyang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD