Hindi mapakali si Ada dahil sa picture na naipadala ni Sabrina sa ama nito.
Hindi naman tumawag si Apollo sa kanya pero nagchat ito sa kanya na lalo siyang nanggigil dito dahil sa picture na iyon. Ang sexy nga daw niya.
Hindi na lang niya nireplayan muna at hindi naman na ito online na at ang sabi din kasi nito na paalis na din ang eroplano. May stop over lang daw sila. Nawala na ang kaba niya dahil hindi naman na ito tumawag pa.
Hindi na alam ni Ada ang mga mangyayari sa susunod na araw. Balak na lang niya na dalawin na muna ang ate niya at hindi na siya nakasaglit dahil na rin sa pag-aalaga sa mga anak nito pati na rin sa pag-asikaso kay Apollo at pasalamat na rin siya at nakaalis ito. Nawala ang problema niya kapag kasama ito. Pero paano na lang kapag bumalik ito kaya panalangin niya na sana makabalik na ang ate niya para ito na ang makasama ni Apollo pagbalik nito galing ibang bansa. Hindi pa din naman alam kelan ang balik nito kasi hindi rin alam kung ano ang problema nito sa Hotel sa ibang bansa.
Mom alis ka po? Tanong ni Sabrina kinabukasan ng makitang nakabihis siya.
Oo anak may bibisitahin lang si mommy kaya behave ka na muna dito ha. Bawal kasi ang bata doon kaya hindi kita maisama.
Ok lang po. Mag-ingat ka mommy.
Ok baby. Huwag kayong mag-away ng kuya mo ha.
Yes mommy. I will behave po.
Good anak. Aalis na ako. Kiss ko baby?
Hinalikan na ni Sabrina si Ada kaya umalis na din siya pagkatapos bilinan ang kasambahay.
Dumerecho na din si Ada sa bahay na tinutuluyan ni Aleeza.
Ate kamusta ka na? Tanong nito sa ate na nakahiga lang.
Ito nilalabanan ang sakit ko. Sana nga maging ok na ang lahat pero parang hindi ko maramdaman na gumagaling ako. Parang hindi naman umeepekto ang mga gamot sa akin. Para akong nauupos na kandila Ada. I don't know kung sasabihin ko na sa pamilya ko ang totoo o hindi pa. Kailangan ko ng lakas ng loob na sabihin sa kanila ang sakit ko. Pero paano ko nga ba sasabihin sa kanila na may sakit ako. Handa na ba akong maging pabigat sa kanila. Ang gulo pa ng utak ko sa ngayon. Lumuluhang sambit ni Aleeza kay Ada na umiiyak na din. Ang kanilang mama ay nasa di-kalayuan pero umiiyak na din sa dinadanas na sakit ng isa sa mga kambal niya.
Ate kaya natin ito. Gagaling ka. May awa ang Diyos. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Hindi pa huli ang lahat. Kaya natin to lahat. Hindi tayo susuko ate. Sana pagbalik ng asawa mo, ikaw na ang nanduon. Hindi ko na alam ano pang palusot ang gagawin ko sa kanya.
Ada kaya mo na yan. Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila ang kalagayan ko. Hindi pa ako tapos sa chemotherapy ko. Kailangan ko pang matapos ang ilang session. Look at me, sabi nito kay Ada at tinanggal ang bandana niya.
Ate naglalagas na ang buhok mo. Nalulungkot na saad ni Ada sa ate niya.
Oo, kaya ayaw ko na muna umuwi sa amin at baka magulat sila sa itsura ko. I am so ugly. I cannot see myself telling the truth to my family as of the moment. Sana maintindihan mo ako Ada.. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata. Si Apollo magiging busy pa naman yun kaya huwag mo na muna siyang intindihin.
Sana nga ate kaya ko pang harapin ang asawa mo na hindi kinakabahan. Piping sambit ni Ada sa sarili.
Ada just be patient with my kids. At kay Apollo naman, mabait naman iyon kaya ko nga siya minahal ng husto. Kung sakaling may mangyari sa akin ipapaubaya ko siya sayo para hindi siya malungkot kapag wala ako.
Ate anong pinagsasabi mo diyan. Walang mangyayari. Magiging buo uli kayong pamilya. Huwag mong isipin na hindi mo sila makikita kasi ang totoo makakasama mo pa sila kaya sana magpagaling ka na. Huwag kang basta susuko. Ipapanalangin ko ang agarang pagaling mo ate.
Salamat Ada sa lahat ng mga nagawa mo at gagawin ka. Ang swerte ko na may kakambal ako na tutulungan ako hanggang sa huli.
Oo naman ate. Andito lang ako lagi para sayo. Hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita ate lagi mong tatandaan.
Ma kanina ka pa diyan? Tanong ni Aleeza sa kanilang ina na bigla na lang sumulpot.
Mga anak ko. Sana kayanin natin ito lahat. Kung pwede nga lang ako ang umako ng lahat ng sakit na nararamdaman mo Aleeza, gagawin ko.
Ma tama na. Andito na ito. Kapit lang tayo at malalampasan natin ito lahat. Wala namang binigay na problema ang Diyos na hindi natin kaya eh. Manalangin lang tayo sa kanya at papakinggan niya tayo. Siya ang nakakaalam ng makakabuti sa atin lahat.
Tama na nga muna yan at nagugutom na ako. Saad na lang ni Ada na hilam na ang mata sa luha.
Oo nga naman. Tara na anak ipaghahain na kita. Kumain naman na ang ate mo.
Ma pwede bang dito na ako kumain para mabantayan ko si ate.
Oo naman. Ako na lang ang kukuha ng pagkain mo anak. Sagot ni Aling Martha sa kanya.
Salamat ma. Sagot na lang ni Ada at ngumiti dito.
Ate may itatanong nga pala ako. Kaano-ano ng asawa mo si Allysa?
Bakit mo naman naitanong? Ano naman ang ginawa ng babaeng yun?
Siya kasi ang kasama ni Apollo papuntang London para ayusin ang problema doon.
Katrabaho niya yun pero may gusto siya kay Apollo. Hindi lang maalis ni Apollo sa kompanya at malakas ang kapit sa board. Malaki din ang naitulong niya sa kompanya kaya may utang na loob din ang kompanya sa kanya.
Mukhang mapapalaban ako sa kanya kapag nakaharap ko yun. Kalaban pala siya.
Alam ko namang kaya mo yun. Palaban ka naman. Nakangiting saad ni Aleeza sa kanya.
Huwag kang mag-alala ate ako ang tagapagtanggol mo kontra sa babaeng iyon. Maganda ba iyon?
Hmm, maganda naman pero syempre mas maganda tayo. Nakangiting saad naman ni Aleeza.
Dapat lang ate. Hindi tayo papatalo. Sagot naman ni Ada.