KABANATA 32

1098 Words
Kinagabihan nagsalo-salo ang buong pamilya sa Garden para maiba naman ang ambience. It's a wonderful night na magkakasama tayo. Diba love. Baling ni Apollo na ang ganda ng ngiti kay Ada. Oo naman love. Masaya kapag sama-sama. Kiming tugon na lang ni Ada na sa pagkain na tumingin kasi parang may nagrarambulan sa dibdib niya dahil sa kaba kapag tumitingin si Apollo sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang pinasok niya talaga. Tama ba na nasa piling siya ng asawa ng ate niya. Umusal na lang siya ng panalangin na sana maging maayos ang lahat kahit na sa pagtitig ni Apollo para na siyang matutunaw. Kain ka pa love. Kailangan mo yan. Pakindat pa na saad ni Apollo sa kanya. Namumula si Ada na napayuko na lang dahil sa sinabi ni Apollo. You are blushing love and that's cute. Natutuwang saad ni Apollo pero nagtataka din kung bakit ganun ang nakikita niyang reaksyon ng asawa. Nawewerduhan siya dito at the same time it amuse him. Love I have to go out in a bit. May kliyente lang akong kikitain pero ill be back soon after we finish discussing about our business expansion. Sambit ni Apollo dito pagkatapos nila kumain. Sige love. I will be waiting for you. Mag-iingat ka. Sagot na lang ni Ada dito. Humalik na si Apollo sa asawa na mukhang naiilang sa kanya. Hindi naman niya alam kung bakit ganun. Mukhang kakaiba ang asawa niya simula pagdating niya. Love ingat ka. Saad nito sa kanya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Ok love. I am ready for tonight. Bulong niya dito na nagpapula na naman sa pisngi nito. Apollo find his wife cute when blushing pero nagtataka talaga siya sa ikinikilos nito. Hindi na muna niya binigyang pansin iyon pero malalaman niya din naman kung bakit iba ang ikinikilos nito. For now kailangan na muna niyang magmadali at may meeting pa siya sa kanyang kliyente. Kumaway na si Ada kay Apollo ng bumusina ito at umalis na para sa meeting sa kliyente nito. Kinakabahan siya sa mga darating pang araw na kasama niya ang asawa ng ate niya. Ang sweet nito na sana totoo na lang niya itong asawa. Ipinilig ni Ada ang ulo dahil sa iniisip. Nakikita pa lang niya kasi ang asawa ng ate niya kinikilig na siya at crush naman talaga niya ito noong makita niya sa Cebu. Gusto pa naman talaga niyang makita ito sa ibang pagkakataon sana pero tadhana na ata ang nagpasya para magkita sila pero ang masaklap asawa pa ito ng ate niya. Anak mukhang malalim ata ang iniisip mo? Tanong ng kanyang ina ng maabutan siya nito na parang wala sa sarili. Madami lang akong iniisip ma. Kamusta na nga pala si Ate. Hindi ko pa uli siya madalaw at wala pang pagkakataon. Huwag ka ng mag- alala at inaalagaan naman siya doon. Ayaw na nga muna niyang may dumalaw sa kanya doon at nagsimula ng maglagas ang kanyang buhok dahil sa epekto ng chemo nya. Naaawa ako sa kapatid mo pero kailangan niyang pagdaanan iyon para gumaling siya. Hindi naman kasi agad malalaman ang epekto nun kaya magdasal na lang tayo na kayanin pa ng ate mo. Nahihirapan siya pero lumalaban siya para sa pamilya niya. Sana nga may milagro at gumaling na siya. Ikaw anak kamusta naman ang pagpapanggap mo as ate mo sa pamilya niya. Ito ma hindi ko na alam paano kapag nagsolo na lang kami ni Apollo sa kwarto. Hindi ko po alam kung ano ang alibi na sasabihin ko. Kaya mo yan anak. Narinig ko naman kanina na mukhang aalis na naman siya kaya hindi mo siya makakasama ng matagal. Sa susunod na buwan pa naman ang birthday niya at sana magaling na ang ate mo kahit papano o makarecover man lang siya para siya na ang kasama ng pamilya niya para hindi ka naman alanganin lagi. Salamat anak at ginagawa mo ito para sa pamilya natin. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga nangyayari sa ate mo. Ipinapasadiyos ko na lang ang lahat. Sana nga ma may milagro para gumaling na si Ate. Ma ano nga palang paboritong ulam ni Apollo at ng mga bata? Tanong ni Ada sa kanyang ina. Kay Apollo is kare-kare. Sa mga bata naman, the usual friend chicken, chicken nuggets. Pero we see to it naman na kumakain sila ng gulay. Ok ma. Magluluto ako mamaya ng kare-kare. Saad na lang ni Ada. Ikaw ang bahala anak. Baka mamaya hanap-hanapin ni Apollo ang luto mo. Biro nito sa anak na kinapula ng kanyang mukha. Ang ganda mo anak kapag nagbablush ka. Biro uli ni Aling Martha sa anak. Ikaw talaga ma. Gusto ko lang naman pagsilbihan ang pamilya ni ate. O siya naniniwala na ako. Magpatulong ka na lang mamaya sa mga kasambahay sa ingredients ng lulutuin mo. Ok ma, Salamat ng marami. Saad na lang ni Ada at umakyat muna sa kwarto nila ni Apollo. Nakita pa niya ang ginamit na damit ni Apollo sa banyo kaya niligpit niya ito. May nakita siyang lipstick stain sa kwelyo banda ng long sleeve na hinubad nito. Inamoy niya ito at may parang amoy pabango ng babae. May babae kaya ang asawa ng ate ko. Takang tanong ni Ada sa isip niya. Sana wala naman at nakakaawa si ate. Hindi alam na niloloko siya ng asawa niya. Siya na lang ang mag-iimbestiga at nagpapagamot pa ang ate niya. Nagbihis muna siya para komportable siya magluto. May nakita siyang bestida na maganda at sukat naman sa kanya. Sa bandang dibdib lang medyo masikip at may kalakihan ang dibdib niya. Visible tuloy ang cleavage niya. Sinuot na lang niya at gabi pa naman siguro ang dating ni Apollo. Magbibihis na lang siya uli mamaya at maliligo din naman siya. Wow ang ganda mo naman ma'am. Ang sexy talaga. Nakangangang saad ng isa nilang kasambahay. Ikaw naman Idang kung makapagsabi na sexy ako para namang totoo. Nakangiting saad na lang ni Ada. Papatulong sana ako sa paghahanda ng lulutuin ko para hindi naman ako maya't maya magtatanong. Ihahanda ko na lang agad. Tulungan mo na lang ako maghanap ng ingredients. Sure ma'am sexy. Basta ikaw. Tara na po sa kusina at ng makatikim naman ng ibang lasa. Saad nito sa kanya. Ikaw talaga, baka marinig ka ng cook at baka hindi ka na pakainin. Natatawang saad ni Ada dito. Huwag ka lang maingay ma'am at hindi niya dapat malaman. Tiyahin ko pa naman si Tiyang Lorna. Lagot ka pala talaga. Hayaan mo hindi naman ako tsismosa. Sagot ko na lang dito at pumunta na kami ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD