Andito na tayo anak. Pukaw ni Aling Martha sa anak na mukhang problemado at nakakunot ang noo.
Anak mukha atang hindi ka mapakali diyan.
Ma kinakabahan kasi ako sa unang pagkikita namin ng mga anak ni ate. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila sa pagkakita nila sa akin.
Syempre matutuwa iyon at nakita nila ang kanilang ina. Huwag mong isipin ang sarili mo, ang isipin mo na ikaw ang ate Aleeza mo para maging natural ang galaw mo sa bahay. Paalala ng kanyang ina kay Ada kaya gumaan kahit papano ang kabang lumulukob sa kanyang katauhan sa mga sandaling iyon.
Anak, act naturally dahil kapag hindi mo ginawa iyon mapupurnada ang mga plano natin at lalong magiging magulo ang sitwasyon.
Hayyyy. Sana nga ma ganun lang kadali. Pero kakayanin ko para kay Ate.
Salamat anak. Tara na at pasok na tayo. Maya-maya andito na sina Andrei at Sabrina. Si Andrei huwag mong masyadong gawing baby at hindi nun gusto ang ganunin siya.
Ok ma. Tatandaan ko po lahat ng bilin ninyo kahit napakarami na para sauluhin. Saad na lang niya at sumunod na sa ina na papasok na ng bahay.
Namangha si Ada sa garden pa lang nga bahay. Maganda ang landscape nito at napakalawak pa.
Ma ang ganda naman pala dito. Saad nito sa ina.
Anak huwag masyadong mamangha at baka makahalata ang mga andito na hindi ka dito nakatira.
Pasensya na ma at hindi ko talaga maiwasan na humanga sa bahay nila Ate.
Ihahatid na kita sa kwarto ninyong mag-asawa pagkatapos ililibot kita sa bahay.
Sige po. Tugon na lang ni Ada sa ina.
Pagkaayos ng mga gamit niya sa kwarto at inilibot na ni Aling Martha si Ada para makabisado na nito ang bawat sulok ng bahay. Mabuti ng alam niya ang lugar dito para hindi siya mahalata ng mga nakatira doon. Pati na din ang mga silid sa taas ay ipinakita ng kanyang ina.
Salamat ma sa mga itinuro ninyo bagamat kinakabahan pa rin ako alam kung aalalayan ninyo pa rin ako.
Lakasan mo na lang ang loob mo anak. Kaya mo yan. Sambit na lang ng kanyang ina.
Nasa garden na sila ng may dumating na sasakyan.
Ayan na pala mga anak mo. Saad ng kanyang ina na nagpakaba sa kanya.
Mom we are home. Sambit ng lalaking anak na agad lumapit sa kanya.
Hi anak. How's your stay with your lola? Tanong ni Ada dito kahit na magkandautal-utal na siya sa kaba.
We are ok mom. We just miss you sabi nito at inaabot ang mukha niya para halikan siya sa pisngi kaya yumukod siya para magpahalik naman dito.
Mommy. I miss you. Sabi naman ni Sabrina na agad dumaluhong ng yakap sa kanya kaya binuhat na niya ito.
Hi my baby. I miss you too. Kayo ng kuya mo. Sabay pugpog ng halik dito na kinatuwa naman ng anak.
We are hungry mom. Have you make us sandwich? Pacute na tanong ni Sabrina sa kanya.
Uhmm Sab, hindi nakagawa ang mommy mo kasi kinausap ko siya kaya tara gawa na lang tayo. Salo naman ng kanyang ina sa sagot dapat niya dito.
Ok lola. Gawa na lang po tayo. Mom tara na po sa kusina.
Sige baby. Saad na lang na Ada at umusal ng pasasalamat sa kanyang ina ng tumingin ito sa kanya.
Andrei come on. Saad niya sa anak na hindi naman mukhang masaya at kakain.
Mom busog pa po ako. Sa kwarto na lang po muna ako. Paalam naman nito sa kanila at hindi na inantay ang kanyang tugon at umakyat na sa taas.
Lumuwag naman kahit papano ang kanyang dibdib at si Sabrina na lang ang alalahanin. Alam naman niyang sweet ang anak na babae ng kanyang ate kaya hindi siya mahihirapang amuin ito.
Baby you look pretty. Nadulas na nasabi niya habang tinitingnan ito na kinakunot naman ng mukha nito.
Of course mom. You tell me that everyday. Saad naman nito na ngumiti naman ng pagkatamis-tamis.
I will not forget to say it always baby. Yun na lang ang sinambit niya para palusot dito.
You are such a sweet mom. I love you mom. Saad pa nito at yumapos sa kanya.
I love you too baby.
I love you both. Saad ng isang baritonong boses sa kanyang tenga na kina taas ng balahibo niya at hinalikan pa ang pisngi niya.
Apollo kelan ka pa dumating. Sambit ng kanyang ina dito.
Ngayon lang ma. Hindi talaga ako nagpahalata at gusto kong masurprise ang mag-ina ko. Sagot naman nito na ikinawit pa ang kamay sa kanyang bewang na ikinapitlag naman ni Ada.
Love are you nervous or did I scare you. I just want to surprise you. Saad uli ng asawa ng ate niya at pinaharap na siya nito para makita siya.
Nagulat naman siya ng makita niyang ang lalaki sa Hotel na nakasalubong niya ay ang asawa ng ate niya. What a coincidence na ang crush pa niya ang asawa pala ng kakambal.
Naumid ang dila ni Ada ng makita ang kagwapuhan nito sa malapitan at hawak pa nito ang bewang. Kung sa ibang pagkakataon at hindi ito may asawa baka sobra ang kilig niya pero sa ngayon sobrang kaba niya dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya.
You didn't miss me love. Tanong ni Apollo sa kanya.
Of course love I miss you. Sagot na lang niya at niyakap ito na tinugon naman nito ng mas mahigpit na yakap.
Lola can you go with me in my room. Sambit ni Sabrina na nagpabalik kay Ada sa kasalukuyan. Ninanamnam pa naman niya ang pagyayakapan nila ni Apollo.
Yes Sab. Tara na. Maiwan ko na muna kayo. Sambit naman ni Aling Martha at sinamahan na si Sabrina sa kwarto nito.
Love ok ka lang ba. You look tense. Masama ba ang pakiramdam mo. Tanong pa uli ni Apollo dito at ikinawit na naman ang kamay sa bewang niya. This time hindi na siya natense at kailangan niyang sanayin ang pagiging sweet nito.
Wala naman love. I was just surprised na dumating ka na pala.
I just miss you kaya inagahan ko talaga ang pagbalik ko. Bulong naman ulit nito sa kanya.
Ikaw talaga love. Saad na lang ni Ada dito.
Pinaharap naman siya ni Apollo at tumitig sa kanya.
Love mukhang ang blooming mo talaga today. The last time na andito ako you look sick. I'm just relieved na bumabalik na uli sa normal ang kalusugan mo. Sambit pa nito sabay kinintalan siya ng mabilis na halik.
Mabilis lang ang halik na iyon pero nawindang ang sistema ni Ada. Mabuti na lang at hindi napansin ni Apollo yun kasi yumakap ito sa kanya.
At love mukhang lumaki ang dibdib mo. Naeexcite na ko mamayang gabi. Pwede na ba ngayon love makaiskor sayo. Pabulong na saad nito sa kanya na nagpapula sa mukha niya.
Love ang aga pa kung ano na iniisip mo. Nais palakpakan ni Ada ang sarili sa hindi pag-utal habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Mas maganda nga maaga para mas makarami. I just miss you so much love. Bulong pa uli nito at sininghot singhot pa siya.
Love mukhang nag-iba ka ng pabango. Pero I like the scent.
Cologne lang yan love. Nagtry lang ako para maiba naman. Sagot ni Ada na dinadalangin niya na sana masakyan naman nito.
Yeah. I love it.
Kinilig naman si Ada sa sagot nito.
Biglang tumunog ang cellphone nito dahilan para humiwalay ito sa kanya para sagutin ang tawag.
Nagpasalamat naman si Ada at sobra talagang kaba niya sa unang encounter niya sa asawa ng kanyang ate na crush pala niya noong makita niya sa Cebu.