KABANATA 30

1111 Words
Maagang nagising si Ada at ngayon ang araw na uuwi siya as Aleeza sa pamilya nito. Kinakabahan na siya at the same time excited na makita ang mga anak ng kanyang ate. Ang asawa lang nito ang hindi pa niya nakikita at hindi niya alam ang mukha nito. Ayaw naman niyang pakialaman ang cellphone ng kakambal niya para makita ang mga pictures doon. Ada mag-almusal ka na. Bungad ng kanyang ina ng pumasok ito sa kanyang kwarto. Sige ma, lalabas na po ako. Si Ate po ba kumain na? Hindi pa pero sa kwarto na siya kakain at hindi na niya kaya bumangon dahil sinusumpong na naman siya ng kanyang sakit. Pupuntahan ko na muna ang ate ma. Sige anak. Nakahanda naman ang almusal mo. Pumunta na si Ada sa kapatid bago siya mag-agahan. Naaawa siya sa kalagayan ng kakambal. Hindi man lang nito nakita ang mga anak bago magsimula itong gamutin. Ate kamusta na ang pakiramdam mo? Tanong niya dito pagdating sa inuukopa nitong silid. Ito pasumpong sumpong ang sakit at kinakailangan ko ng mas matinding gamutan. Hindi na kinakaya ng dati kong gamot kapag sinusumpong ako. Nakakalungkot na hindi ko man lang makita ang pamilya ko pero kailangan ko itong gawin para sa kanila. Saad naman ni Aleeza na tumutulo na ang luha kaya lumapit na si Ada dito at niyakap ito. Ate huwag kang mag-alala aalagaan ko ang mga anak mo. Magpagaling ka na lang ate para makita mo na sila. Naluluha na ding sabi ni Ada at hinihimas ang likod ng kanyang kakambal. Salamat Ada at pumayag ka sa kahilingan ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Kumain ka na at dapat maaga kang makauwi. Dapat maunahan mo ang mga anak ko na dumating sa bahay para hindi sila makahalata. Malalambing ang mga anak ko. May pagkasuplado lang si Andrei pero sumusunod naman yun. Si Sabrina naman napakasweet so expect too much hugs and kisses from her. Nakangiti ng sambit ni Aleeza sa kanya. Naeexcite ako na kinakabahan sa mangyayari basta kailangan ko lang ng gabay ninyo ni mama. Oo naman. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo na talaga ng tulong. I know na kaya mo yan. Hindi ka naman mahihirapan sa kanila. Ayaw na muna niyang sabihin sa kapatid ang kaba niya sa pagkikita nila ng asawa nito kaya hindi na muna niya ikokonsulta iyon. Kumain ka na ba ate? Kain tayo. Sa hapag na tayo kumain dalawa. Nakakalungkot naman kapag dito ka kumain. Kaya mo na bang bumangon? Tanong ni Ada sa kakambal. Oo kaya naman basta alalayan mo lang ako at madali akong mapagod. Sagot naman ni Aleeza. Sige ate alalayan na lang kita. Gusto sana kitang makasalo bago ako umuwi sa bahay mo para makahingi pa ako ng payo sa mga gagawin ko sa bahay ninyo. Ada yung mga damit ko pwede mong gamitin. Huwag kang mahihiyang suutin iyon at dapat mo pag-aralan na maging ako. Baka mahalata ka ng asawa ko kapag iba ka manamit sa akin. May mga sexy akong damit na isinusuot kaya dapat huwag ka mailang. May swimming pool sa bahay kaya nag-aaya din maligo ang mga anak ko so may mga swim wear ako doon. May ibang hindi pa nagagamit kaya pwede mo ding suutin yun ha. Hindi ka naman iba sa akin kaya hindi naman nakakadiring suutin mo ang mga naisuot ko na. Paalala ng ate niya sa kanya. Pwede bang hindi magswimming ate at nahihiya naman akong ibilad ang katawan ko doon. Kiming tanong niya sa ate niya. Yan ang huwag mong gagawin at baka mahalata ka. Lagi ko kasing pinagbibigyan ang mga anak ko kapag gusto nila magswimming. Yan ang isa sa mga dapat mong pag-aralan. Ang maging sweet sa mga anak ko. Mahalin mo sila as parang mga anak ko para mapanatag ako habang nagpapagaling ako. Please Ada be good to my children. I love them so much and I hope mahalin mo din sila. Ngayon pa lang na ilang araw ko silang hindi nakakasama nangungulila na ako sa kanila paano pa kapag matatagalan ko silang hindi makita. Nakakapanlumo ang sitwasyon ko pero kinakaya ko ang lahat para maging mabuti ang kalagayan ko bago ko sila balikan. Ate naman huwag ka naman ganyan. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para magampanan ang pagiging mabuting ina sa mga anak mo kaya ipanatag mo ang kalooban mo ha. Pagpapakalma nito sa kanyang ate. I will always update you sa mga nangyayari sa bahay para mapanatag ka na mabuti ang kalagayan ng mga anak mo. Irereport ko din kapag may babae ang asawa mo para hindi ka mag-alala. Mabait ang asawa ko kaya wala ka namang alalahanin sa kanya. Sweet ako sa kanya kaya sana maging sweet ka din. Huwag mo na muna alalahanin kung magagalit ako o magseselos. Kailangang maging natural ang aktingo Ada at hindi napipilitan. Mahahalata ka ni Apollo kapag maiilang ka kapag kasama mo siya. Gawan mo na lang ng paraan kapag sumusobra na siya at masyadong sweet yun. Paalala nito sa kanya. May itatanong pa sana si Ada sa kanyang ate tungkol sa asawa nito pero sinarili na muna niya at baka mamis-interpret lang ng ate niya. Kumain na silang dalawa ng agahan at sumabay na rin ang kanilang ina. Sasamahan nito si Ada pag-uwi sa bahay nila Aleeza at babalikan na lang nito ang kanyang ate pagkatapos. Simula na ang chemotherapy nito at kailangan itong alalayan. Hindi na masasaksihan ni Ada ang chemo session ng ate niya at kailangan niyang maunahan ang pagdating ng mga anak nito at baka magtaka ito na wala siya sa bahay. Update mo na lang ako sa mga nangyayari sa bahay Ada. Huling paalala ni Aleeza sa kapatid bago ito sumakay ng taxi. Hindi na sila nagpasundo sa driver at baka malaman nito ang bahay na inuupahan nila para sa pagpapagaling ni Aleeza. Ang alam lang sa bahay ay nagpasama si Aling Martha sa bahay bakasyunan ng amiga nito para makapagliwaliw din si Aleeza habang wala ang mga anak at asawa nito kaya dapat na kasama din si Aling Martha sa pag-uwi. Naipalam na din naman ni Aleeza sa asawa ang lakad nila ng kanyang ina kaya hindi naman ito nagtanong pa ng madami. Nagsabi lang ito na dapat nakauwi na ito bago man lang makabalik sa bahay ang mga anak nila. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ni Ada ng malapit na sila sa bahay ng kapatid. Nagsabi na kasi ang kanyang ina na malapit na sila sa bahay kaya hindi niya alam ang nararamdaman. Ipinapanalangin na lang niya na sana maging maganda ang pagkikita nila ng mga anak. Saka na lang niya iisipin ang sa asawa ng ate niya at mas lalo siyang kinakabahan para doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD