Pagdating ng bus papuntang Manila ay sumakay na din si Ada. Nagpasalamat siya sa mag-asawang si Dencio at Letecia sa pagpapatuloy sa munti nilang tindahan habang nag-aantay siya sa byahe ng bus papuntang Manila.
Maraming salamat po sa inyo Tay Dencio at Nay Leticia. Sana po makabalik pa ako dito. Paalam ni Ada sa dalawa pagkatapos sumakay na din ng bus.
Kumaway pa siya ng umusad na ang sasakyan. Nagbigay na lang siya ng kanyang cellphone number para pag naisipan niyang magbakasyon ay may isa na siyang pupuntahang lugar. Nagbigay din ng kanilang numero ang mag-asawa.
Tinawagan na din ni Ada ang kanyang ina sa pagkakatuklas ni Apollo ng kanyang katauhan at naaawa ito sa kanya kaya pinapauwi na din siya nito para magkausap silang pamilya kasama ng ate niya. Ayon sa kanyang ina, alam na din ng ate Aleeza niya ang nangyari dahil nasabi na nito ang nangyari. Nalulungkot man ang ate niya sa kahihinatnan ng nangyaring iyon pero ayon dito ay aayusin niya ang gusot na siya namang puno't dulo ng lahat.
Nais mang tumulong ni Ada para maayos ang lahat ngunit nagdadalawang isip siyang makaharap si Apollo. Iniisip niyang galit na galit ito at baka hindi naman siya makatulong. Hayaan na lang muna niyang ang mag-asawa ang mag-usap. Nababanggit pa lang ang pangalan ni Apollo ay naiiyak na siya. Ang lalaking natutunan niyang mahalin kahit bawal. Ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal. Ang lalaking sa pangarap na lang niya dapat maangkin dahil pagmamay-ari na ito ng kanyang kapatid.
Pinahid ni Ada ang luha na namalibis sa pisngi ng maalala na naman ang nangyari sa resort. Nanalangin na lang siya na sana maging maayos ang lahat. Magkaayos na sana ang mag-asawa. Iyon ang tanging dalangin ni Ada kahit na iyon din ang dahilan ng kanyang kabiguan.
Nagpasundo na lang si Ada sa terminal sa driver ng ate niya para hindi na siya mahirapang mag-abang ng taxi pauwi.
Nakaabang na ang mama ni Ada sa gate pagdating niya.
Anak, kamusta ang byahe mo?
Mabuti naman ma. Sagot ni Ada na bigla na lang yumakap dito na umiiyak.
Anak andito lang kami ng ate mo. Huwag kang mag-alala maayos din ang lahat. Saad ni Aling Martha sa anak habang umiiyak ito sa kanya.
Ma I'm sorry kung bakit nangyari ito. Hindi ko po kasi napigilang mahalin si Apollo. I'm so sorry ma.
Anak hindi mo naman mapipigilan kapag puso na ang pinag-uusapan. Mabuti na rin at nalaman ni Apollo ng mas maaga para hindi ka lalong mahulog sa kanya.
Ma huli na ang lahat, mahal na mahal ko na siya pero pipigilan ko po para sa pamilya niya. Ayaw kong mawasak ang magandang pamilya nila ate. Magpapakalayo po muna ako ma. Uuwi na muna ako sa Cebu para makalimutan ang mga nangyari. Sana po payagan ninyo ako.
Ikaw ang bahala anak. Kung ano ang alam mo na makakabuti sa iyo, susuportahan kita. Hindi ko hahadlangan kung ano man ang desisyon mo pero sana kausapin mo din ang ate mo.
Oo ma, pupuntahan ko si Ate. Hihingi ako ng tawad sa kanya. Saad ni Ada na tigmak na ng luha ang mukha dahil na rin sa kakaiyak.
Tama na ang pag-iyak anak. Magpahinga ka na muna. Bukas kausapin mo na ang ate mo para makaalis ka na din. Lalo akong nahihirapan kapag nakikita kang nagdurusa.
Salamat ma at naiintindihan mo ako. Babalik naman po ako kapag OK na ang lahat. Huwag ka pong mag-alala ma. Isang tawag lang naman po sa akin pupunta agad ako. Saad pa uli ni Ada habang niyakap ulit ang ina habang humahagulgol sa dibdib nito.
Nagpahinga na din si Ada pagkatapos maiayos ang mga gamit na dadalhin pauwi ng Cebu. Gusto na niyang makauwi agad pagkatapos kausapin ang kanyang ate.
Nagpaalam na siya sa kanyang mama bago pumasok sa kwarto at natulog.
Hindi nila kasama si Aleeza dahil dinala ito sa ospital ng isang araw at pinakiusapan na muna ng mama niya ang nurse na titingnan ang ate niya kaya sa ospital niya ito pupuntahan. Lalong lumalala ang lagay nito kaya laging nakamonitor ang attending doctor dito.
Sana labg maging ok ang lahat. Panalangin ni Ada bago siya nakatulog.
Samantala nakauwi na din galing sa resort sina Apollo. Nagdahilan na lang siyang naunang umuwi ang "asawa" niya n alam niyang hindi si Aleeza sa mga anak para hindi na siya niyo kulitin. Sinabi din niyang may importante lang itong inaasikaso.
Hindi makapaniwala si Apollo na isang impostor pala ang lagi niyang kasama. Nasagot na lahat ng katanungan niya kung bakit hindi siya nito mapagbigyan. Palagi na lang itong madaming dahilan para hindi niya ito makasiping. Hindi pala niya ito asawa, bagkus kakambal pala ito ni Aleeza.
He was so mad at her. Bakit siya nito niloko. Kailangan niyang makausap si Aleeza. Kailangan niyang tanungin kung bakit nito pinangpanggap ang kakambal. Madami siyang katabi na ito lamang ang makakasagot.
Nasaan ka na ba love? Ano ba talaga ang nangyari at ganito ang ginawa mo. You let me feel you are present in someone's body na naging dahilan ng pagkamuhi ko sa taong yun na kakambal mo pala. Bakit ako naguguluhan sa nangyayari ngayon? Bakit parang may mali sa nararamdaman ko? Kailangan kitang makausap love. I need you now to answer all the questions that bothers me. Piping dalangin ni Apollo na gulong-gulo ang utak.
Nakarating na din sila ng bahay nila at nagbihis na ang mga anak para makatulog na din.
Balak niyang tawagan ang biyenan para magtanong tungkol sa kalagayan ng asawa. Kung nasaan ba ito at kung bakit pinangpanggap nito ang kakambal para maging siya. Gusto sana agad kausapin ni Apollo si Aling Martha pero kinabukasan na lang niya ito gagawin at mas gusto niyang sa personal sila mag-usap.
Natulog na din si Apollo pagkatapos puntahan ang mga anak sa kwarto nito. Hindi niya masagot ang tanong ni Sab kung nasaan na ang mama nito. Sinabi na lang niya na hindi pa muna makakauwi at mag inaakaso lang ito.
Umiinom na muna ng alak si Apollo bago matulog para kahit papano makalimutan niya ang nangyari.