Pinuntahan ni Ada si Aleeza para makapagpaalam sa kakambal. Gusto na muna niyang magpakalayo-layo dahil sa nangyari sa kanila ng asawa nito. Ito na din ang araw na makakahingi siya ng tawad sa mga nagawa niya. Naging marupok siya at nagawa niyang umibig sa asawa ng kakambal.
Ate kamusta ka na? Tanong niya sa ate na sobra na ang pagkahulog ng katawan.
Ada sobra kitang namiss. Bakit ngayon ka lang pumunta? Tanong nito sa kanya.
Ate magpapaalam sana ako sayo.
Magpapaalam? Bakit? Saan ka pupunta? Sunod-sunod na tanong ni Aleeza sa kakambal.
Alam mo naman na ate diba?Alam. Na ni Apollo na nagpapanggap lang ako na ikaw kaya ano pa ang silbi ko sayo.
Anong wala kang silbi? Kapatid kita, kailangan kita lalo na ngayon na parang malapit na akong mawala sa mundong ito. Umiiyak ng saad ni Aleeza na lalong nagpadurog sa puso ni Ada.
Ate hindi mo naman ako maintindihan eh. Ate may nangyari sa amin ni Apollo kaya wala na akong mukhang ihaharap sayo. Gusto ko ng magpakalayo-layo muna. Para na akong inuusig ng konsensya ko. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ganito ang nangyari sa atin. Kung bakit ba pinayagan ko na may mangyari sa amin. Ate patawarin mo ako, nahulog ako sa asawa mo ate. Gusto ko munang makapag-isip ng malayo sa inyo ni Mama. Sana maintindihan mo ako ate.
Naiintindihan naman kita. Pero sana huwag mo naman akong iwan ngayon Ada. Malapit na akong mawala. Nararamdaman ko na.
Ate kailangan mo ng kausapin ang pamilya mo. Hindi pwedeng hindi nila malaman ang kalagayan mo ngayon. Ang bata pa ng mga anak mo ate. Kailangan ka nila sa ngayon. Kailangan mo din sila para kung ano man ang mangyari ay kasama mo sila ate. Saad ni Ada dito na hilam na sa luha ang mga mata.
Kung makakabuti sayo na lumayo muna. Pinapayagan kita. Basta lagi kang tatawag sa akin. At kung kailangan an bumalik ka dito bumalik ka. Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang pamilya ko kapag wala na ako Ada, ipangako mo. Please. Humahagulgol na sambit ni Aleeza.
Oo ate pangako ko sayo. Basta magpapagaling ka ha. Kailangan ko lang mag-isip kaya lalayo na muna ako sa inyo. Babalik ako ate. Pangako ko yan, Saad pa Ada at niyakap na ng mahigpit si Aleeza.
Nagpaalam na din si Ada at pumunta na ng Airport. May ticket na siyang nakuha agad kahapon ng magpasya siyang umuwi na muna ng Cebu.
Paalam Apollo. Sana maging masaya kayo ni ate. Babaunin ko na magandang alala ang mga nangyari sa atin. Saad ni Aleeza habang pinapahid ang luhang kumawala na naman.
Bakit ba nasasaktan pa rin ako. Inis na sambit ni Ada sa sarili.
I love you and goodbye Apollo. Till we meet again. Siguro sa kabilang buhay kaya na kitang mahalin ng buo. Paalam sayo mahal ko. Piping saad ng dalaga habang pa-take off na ang eroplanong sinakyan papuntang Cebu.
Samantala papunta na sa ospital si Apollo pagkatapos niyang kausapin ang mama ni Aleeza.
Ma bakit nasa ospital ang asawa ko? Ano ba talaga ang nangyari? Bakit siya nandoon?
Malalaman mo rin anak. Inaantay ka niya. Sagot na lang ni Aling Martha.
Sinabi naman ni Aling Martha ang kwarto ni Aleeza kaya pumunta na doon agad si Apollo.
Pagbukas ng pintuan, bigla na lang nanlumo si Apollo sa nakitang kalagayan ng asawa.
Love? Tawag niya kay Aleeza habang unti-unti naman itong nagmulat ng mata.
Love, I'm so sorry for hiding you the truth. Naiiyak na sambit nito sa kanya.
Niyapos ng mahigpit ni Apollo ito habang umiiyak na din.
Tell me love. What is happening? Bakit andito ka. Bakit ganyan na ang katawan mo? Tanong ni Apollo na hindi magawang magalit kahit may kasalanan pa sa kanya ang asawa.
I have cancer love and I'm dying. I don't want to give burden to you and the kids kaya pinakiusapan ko ang kakambal ko na magpanggap na ako. I was hoping to get better by having treatment pero i was getting worse day by day. Huwag kang mamuhi kay Ada. It was me who forced her to be me. I am so sorry love. I hope you forgive me and Ada for doing this.
Oh love. Bakit mo itinago ito. Sana ako ang nag-aalaga sayo. Sana ako ang laging nasa tabi mo. Para naman akong walang silbi dahil hindi kita inaalagaan.
Love ayoko ko na maging pabigat kaya gumawa ako ng paraan para magpagamot, hoping one day I will be good as new again. But it didn't happen. Huwag ka sanang magtanim ng galit sa puso mo para kay Ada. Mahal ka ni Ada kaya niya nagawa iyon. Mahal ka ng kakambal ko. Mawala man ako, alam ko na may mag-aalaga sa inyo. Masaya akong aalis sa mundong ito dahil sa alam ko na hindi kayo pababayaan ni Ada.
Bakit parang gusto mo na mawala? Hindi mo na ba kami mahal. Hindi ka na ba lalaban para sa amin ng mga anak mo?
Love I am trying to fight for us pero ang katawan ko ang hindi lumalaban. Pagod na pagod na ako love. Let me go please. I want to rest love. I want to rest peacefully.
Love lumaban ka pa para sa amin. Hindi kk kayang mawala ka. Lumaban ka naman love. Umiiyak sa sambit nito sa asawa.
I am doing my best love to fight pero hindi na talaga kaya ng katawan ko. Sana love pumayag ka na magpahinga na ako. Hindi na halos makita ni Aleeza ang asawa dahil sa luhang hindi maampat sa mata nito.
I wanna see our children love. Bring them here tomorrow. I wanna hug them. Please. Can you do it for me love?
Ok love. Pero sana mapagbigyan mo din ako. Sana lumaban ka pa.
Oo love, I will fight for our family.
Thank you love. Saad na lang ni Apollo habang yakap-yakap ang pipis ng katawan ng asawa.
Magpahinga ka na love. Babantayan kita dito. Saad ni Apollo dito at tinulungan na itong makahiga ng maayos.
Love ipangako mo na patatawarin mo si Ada. Wala siyang kasalanan. Biktima lang din siya. Malaking pasasalamat ko sa kakambal ko na pumayag siya sa gusto kong mangyari kaya sana huwag mo siyang kamuhian.
Hindi ko maipapangako na mapapatawad ko siya agad pero siguro sa katagalan ay mapapatawad ko din siya. Saad na lang ni Apollo kay Aleeza bago ito natulog.