Kinabukasan dinala ni Apollo ang mga anak sa ospital kung saan naka-confine ang miss niya.
Dad bakit po tayo nandito. Sino po ang bibisitahin natin? Nagtatakang tanong ni Andrei.
Andrei, Sab we will be visiting your mom.
Talaga Dad. Excited na tugon ni Sabrina. I miss mom dad. Ilang araw na siyang hindi ko nakikita. I miss being with her.
You will be seeing her baby. Namiss na din kayo ng mommy ninyo kaya huwag kayong magtaka kapag nakita ninyo siya na ganun na ang itsura OK. She is sick that's why hindi ninyo siya nakikita. Paliwanag na lang ni Apollo sa mga anak.
Ok dad. We are here to take good care of mom so huwag na po siyang malungkot.
Yes, we will take good care of mom. Sang-ayon naman ni Andrei sa kapatid.
Sabay-sabay na silang pumasok at nagulat ang dalawang bata sa itsura ng mommy niya na naka bonnet pa dahil na rin sa nakakalbo na ito.
Mommy we miss you so much. Patakbong sinugod ng yakap ito ni Sabrina.
Ang baby ko. Thank you for the warm hug my baby. I miss that so much. Naluluhang saad ni Aleeza sa anak.
Napaluha na din si Aling Martha sa nasaksihang tagpo pagpasok sa kwarto ng anak.
Si Apollo any naluluha na din pero pinipigilan na lang niya at ayaw niyang masabi ni Aleeza na hindi siya matapang na harapin ang pagsubok sa kanyang pamilya. Gusto niyang makita ni Aleeza na siya ang padre de pamilya na kaya anumang unos na dumating. He has to be brave for their family.
Ma andyan ka na pala. Saad na lang ni Apollo at nagmano sa biyenan.
Inasikaso ko lang ang bill at gusto ni Aleeza na umuwi na. Gusto niyang sa bahay na mamalagi para makasama ang mga anak ninyo. Pumirma na ako ng waiver kasi yun ang kailangan para makalabas na siya. Ayaw ko mang gawin pero yun ang tanging hiling ni Aleeza.
Pagbigyan na lang natin siya ma. Wala na tayong magagawa sa mga mangyayari pa, ang mahalaga masaya si Aleeza. Yun lang ang tanging magagawa natin sa kanya, ang masuportahan siya sa mga nais niyang gawin.
Sana nga tumagal pa siya Apollo. Gusto ko pang makasama ang anak ko. Masakit sa akin na mauuna pa siya na kunin sa atin pero hindi naman natin hawak ang buhay natin. Hiram lang ang lahat ng ito.
Nakangiting tumingin sa kanila si Aleeza kaya alam nilang masaya na siya sa kung ano mang kapalaran ang nag-aantay dito.
Nakauwi na din si Aleeza sa bahay kaya tuwang-tuwa na sinalubong siya ng mga anak.
Welcome home mom. Saad ni Sabrina dito na niyakap agad siya.
Thank you baby. I'm happy I'm already home. Makakasama ko na kayo.
Yes mom. Magkakasama na po uli tayong lahat. Saad naman ni Andrei at yumakap din sa kanya.
Ang laki mo na anak. Parang kailan lang, may binata na ako.
Mom I'm still young. Hindi pa po ako binata. I am still your baby.
Talaga anak. So can I still kiss you?
Kapag wala lang pong makakita mom. Natatawang sagot ni Andrei dito.
Big boy na nga. Ayaw ng pahalik.
Mom ako. OK lang po kahit madaming tao at hahalik ka. Saad ni Sabrina na nagpapacute sa kanya.
Kasi baby ka pa talaga since bunso ka, supladong saad ni Andrei.
Opps, babies huwag na mag-away.
I'm sorry Sab. Hinging paumanhin ni Andrei sa kapatid.
It's ok kuya. No harm done.
That's my babies. Lagi kayo magmahalan ok. Para kapag wala man ako sa tabi ninyo, masaya ako kasi love ninyo ang isa't isa.
Yes mom. We love you. Saad ni Andrei na nagpaluha naman kay Aleeza.
Lapit nga kayo sa akin. Hug ninyo si mommy. Saad niya sa mga anak at niyakap naman siya ng mga ito.
I am so blessed to have kids like the two of you babies. I will be happy to see you grow wherever I will be. Madamdaming saad ni Aleeza na pinipigalan sanang umiyak pero kusa ng tumulo ang kanyang mga luha.
Mom don't cry. We will be a happy family since you are home now, saad ni Andrei sa kanya habang hinalikan siya sa pisngi.
Yes baby I am happy. Tugon nito sa sinabi ni Andrei.
Kain na tayo mom. I'm hungry.
Ayan na naman ang katakawan MO Sabrina.
Kuya kanina pa ako gutom. I'm just waiting for mom to come home para sabay-sabay na tayo kumain.
Itong baby bunso ko talaga. Hindi pa rin maiwasan ang kain ng kain. Saad na lang ni Aleeza para maging light na ang naramdaman niyang lungkot sa nalalapit niyang pag-iwan sa dalawang anak.
Nararamdaman na niyang hindi siya magtatagal kaya mas pinili niyang sa bahay na siya mamalagi. She wants to get out of the hospital. Ayaw na niya ang amoy nito, lalo lang siyang magkakasakit.
Love kain na. Sambit ni Apollo ng lumapit ito sa kanila.
Hindi ka ba pinapahirapan ng mga bulinggit na 'to?
Hindi love, gusto ko silang makasama sa mga nalalabi ko pang oras sa mundo. Aniya sa garalgal na boses.
Love not too soon. Huwag agad-agad love. Kailan ka lang namin nakasama. Please. Pakiusap ni Apollo sa kanya.
I want to be with you and the kids love but my body cannot. Kaya nga sinusulit ko kahit isang minuto na kasama ko kayo. Sa totoo lang ayaw kong pumikit man lang kasi baka sa pagmulat ko hindi ko na kayo kasama. Humihikbing saad ni Aleeza at niyakap na siya ni Apollo na umiiyak na rin.
Love kaya natin to OK. Lumaban ka pa kahit konti lang. Give your very best para makasama ka pa namin.
I will love, pero tanggapin na ninyo na I will not be here forever. I may be gone physically pero I will be in your heart forever. At sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko. I tried to fight for this illness pero ito na ata ang tadhana natin at sana mapatawad mo din ang kapatid ko. That is my last wish na sana matupad mo at sana may pagmamahal ka sa kanya para kung mawala man ako, alam ko na may mag-aalaga sa iyo.
Yakap na lang ang isinagot ni Apollo sa asawa kasi maski siya ay naguguluhan na din siya sa nararamdaman sa kapatid ng asawa niya.