Paglipas ng mga araw lalo pang nanghihina si Aleeza. Hindi na halos tumatalab ang mga pain reliever na pinapainom sa kanya. Gusto man siyang dalhin ng asawa sa ospital ay siya na ang umaayaw. Ayaw na niyang bumalik pa sa ospital. Gusto niyang sa bahay na bawian ng buhay.
Love dalhin ka na namin sa ospital. Hindi na kinakaya ng katawan mo ang gamot. Kailangan na natin ng doktor.
Love no. I want to rest here. Please pagbigyan nyo na ako. I want to be with my kids until my last breath.
Labag man sa kalooban ni Apollo pero wala na siyang magagawa. Tanggap naman na niya na mawawala si Aleeza pero huwag naman sana agad-agad.
Love dalhin mo ako sa labas. I want to see the sunrise. Sambit ni Aleeza na nanghihinang boses.
Kinarga na ni Apollo si Aleeza at nilagay sa wheel chair para mailabas na ito.
Ok na ba itong pwesto love? Tanong nito sa asawa.
Yes love. Thank you. You can leave me. Asikasuhim mo muna ang mga bata. I love you. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita love.
Yes love. I love you too.
Tatandaan mo ang sinabi ko na patawarin mo na ang kakambal ko. I just want the two of you to be happy kahit wala na ako.
Payakap love. Saad pa ni Aleeza sa asawa na pinagbigyan naman agad nito.
Salamat sa lahat love. Sa pagmamahal sa akin at sa mga bata. Alam ko na magiging mabuti kang ama kahit wala na ako.
Thank you too love. Sagot naman ni Apollo at humalik pa sa noo ng asawa.
Pasok na muna ako love. Balikan na lang kita kapag kakain na.
Ok love. Take your time.
Pag-alis ni Apollo, naramdaman na naman ni Aleeza ang pagsumpong ng sakit niya. Hindi na siya tumawag ng tulong. Alam niya na hindi na siya magtatagal. Ang gusto lang niya makita ang pagsikat ng araw. Alam niya na kahit mawala siya ay magiging maayos ang pamilya niya.
Masaya na si Aleeza na makitang nasa mabuting kalagayan ang pamilya niya. Tumingin siya sa paligid ng may ngiti sa labi at nasilayan na din niya ang pagsikat ng araw. Dahan-dahan na siyang pumikit.
Love kakain na tayo. Nakatulog ka na ba love. Tanong ni Apollo ng mapansing nakapikit ang asawa. Medyo kinakabahan na siya kasi napansin niya na mukhang hindi na ito humihinga. Dali-dali niyang pinulsuhan ito para masigurong mali ang hinala niya. Bigla na lang niyang niyakap si Aleeza ng masigurado niyang wala ng pulso ang asawa.
Loveeeeee... Sigaw ni Apollo na umiiyak na nagpatakbo sa mga anak niya at ni Aling Martha sa kinaroroonan niya.
Anong nangyari Apollo? Nagugulumihanang tanong no Aling Martha.
Ma, wala na siya. Wala na si Aleeza.
Hindi totoo yan, buhay pa siya. Huwag kang magbibiro.
Ma, wala na siya. Iniwan na niya tayo. Sagot ni Apollo na niyakap pa ng mahigpit ang wala ng buhay na katawan ni Aleeza.
Anak ko. Bakit naman agad-agad. Hindi man lang kita nakausap. Umiiyak na sambit ni Aling Martha na hinawakan pa ang kamay ni Aleeza na malamig na.
Akala ko kanina magpapahangin lang siya ma kasi sabi niya gusto niyang makita ang sunrise. Iyon na pala ang huling hiling niya. Alam ko masaya na siya ma. Maaliwalas ang mukha niya ng iniwan ko siya kanina.
Agad namang tumawag ng punerya si Aling Martha para maasikaso ang mga labi ng kanyang anak. Pumunta naman agad ang mga ito kaya nakuha na ang katawan ni Aleeza. Sa Funeral homes na sila sumunod.
Pinaliwanag naman ni Apollo sa mga anak ang nangyari kaya tumigil na din ang mga ito sa pag-iyak.
Dad is mom our angel now? Inosenteng tanong ni Sabrina.
Yes baby. She is now in heaven.
I will surely miss mom but I know she will be looking for us everyday.
Yes baby so dapat good girl ka lagi at good boy naman ang kuya mo. Huwag ninyong bigyan ng sakit ng ulo ang yaya ninyo pati na din si Lola.
Opo. Sabay na sagot pa ng dalawa.
Nagpunta na sila sa funeral homes kung saan ibuburol ang mga labi ni Aleeza. Napagsabihan na din nila ang mga kamag-anak para makadalaw din ang mga ito sa huling sandali ni Aleeza.
Apollo ipapaalam ko lang sana sayo na sasabihin ko kay Ada ang nangyari sa kapatid niya. Ok lang ba sayo kung pupunta siya dito kung sakali?
Oo naman ma. Kapatid niya si Aleeza kaya may karapatan siyang pumunta pero huwag ninyo po sanang asahan na makikipag-usap ako sa kanya. Hindi ko pa siya kayang patawarin.
Naiintindihan ko iho kaya gusto kong ipaalam muna na papupuntahin ko siya dito.
Wala pong problema ma.
Salamat naman kung ganun. Ipapaalam ko kay Ada ang nangyari sa ate niya.
Kayo po ang bahala. Wala naman pong problema sa akin. Sagot ni Apollo sa biyenan.
Naiayos na ang burol ni Aleeza kaya pumunta na din sila Apollo doon.
Pagdating nila sa chapel kung saan nakaburol ang asawa ay lumapit siya doon para yakapin ang ataul nito na siyang kinaluha ng mga kamag-anak nila na nakikiramay.
Love gumising ka na. Ang daya mo naman eh. Sabi mo hindi mo kami iniwan agad. Bakit naman biglaan. Hagulgol na sambit ni Apollo.
Nadudurog ang puso ni Aling Martha sa nakikitang hinagpis ni Apollo. Alam niyang sobra itong nasasaktan sa pagkawala ni Aleeza. Alam naman niyang malalagpasan din ni Apollo ang lahat. Panalangin niya na sana maging masaya pa rin ito sa huli kahit sa ngayon at nadudurog ang puso nito.
Anak, manalangin ka lang. Magiging ok din ang lahat.
Sana nga ma. Alam ko na masaya na si Aleeza sa langit. Sana maging OK din ang lahat. Nakangiting saad pa rin ni Apollo kahit nadudurog pa rin ang puso niya sa pagkamatay ng asawa.
Maging matatag ka para sa mga anak ninyo. Hindi gugustuhin ni Aleeza na maging malungkot tayong lahat. Kailangan natin siyang i-let go para makapagpahinga na siya. Magiging maayos din ang lahat anak.
Sana nga ma. Sana nga. Saad na lang ni Apollo na tiningnan ang asawang mapayapang nakahimlay.