KABANATA 53

1032 Words
Halos dalawang buwan na din ang lumipas ng umalis si Ada sa Manila para bumalik sa Cebu. Tanging tawag lang ang komunikasyon niya sa mama niya at kakambal. Ayon sa mama niya hindi na kinakaya ni Aleeza ang pagsumpong ng sakit nito. Ang gamit nito ay wala na ring epekto kaya umuwi na din ito ng bahay nila para makapiling ang pamilya hanggang sa huling sandali. Gusto man niyang kamustahin si Apollo ay hindi niya magawa dahil alam niyang namumuhi sa kanya ang lalaki. Madalas ng nahihilo at nagsusuka sa umaga si Ada kaya hindi na muna siya pumasok ng ilang araw sa trabaho. Sinabihan din siya ni Aling Mercy na magpahinga na lang muna at uso ang sakit. Anak napapansin ko na may kakaiba sayo. Sabihin mo nga sa akin anak. Buntis ka ba? Tanong ni Aling Mercy dito. Nay naman, bat mo naman nasabi ang ganyan? Balik na tanong ni Ada pero kinabahan na siya dahil lagpas isang buwan o magdadalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Hindi na niya napapansin ang araw dahil na rin sa mga nangyari. Bigla na lang tumulo ang luha ni Ada. Nay hindi ko po sigurado kong totoong buntis ako kasi hindi pa po ako dinadatnan. Kailangan na nating malaman yan. Bibili po ako ng pregnancy test kit para masiguro po natin. Kahit naman hindi pinlano yan anak, blessing pa rin na maituturing yan kaya suportado pa din kita. Salamat Nay, napakabuti po ninyo sa akin. Saad ni Ada na niyakap ang ina-inahan. Biglang tumunog ang cellphone ni Ada kaya napabitaw na siya sa pagyakap sa kanyang Nanay Mercy. Tumatawag po si Mama. Sana po good news ito. Hello ma. Kamusta po? Masayang bungad niya sa kanyang mama. Anak huwag ka sanang mabibigla. Pwede ka bang pumunta ng Manila? Bakit Ma? May nangyari ba? Si ate saan siya? Pakausap naman po. Anak, wala na ang ate mo. Humahagulgol na sambit nito sa kanya. Ma hindi totoo yan. Pakausap kay Ate. Buhay pa si ate. Sabihino nagbibiro ka lang. Anak, umuwi ka muna dito. Kailangan kita please. Huwag mo munang isipin ang galit ni Apollo. Nagsabi na ako sa kanya na pupunta ka dito. Sana pabigyan mo ako anak. Sana umuwi ka. Sige ma, uuwi po ako diyan. Ang daya naman ni ate hindi ako inantay. Sana makaluwas ka kaagad anak. Bukas po dadating na ako diyan ma. Mag-iingat ka anak. Aantayin namin ang pag-uwi mo. Ma huwag ka na muna mag-isip ng kung ano-ano diyan. Alagaan mo ang sarili mo at ang mga apo mo. Ayaw ni ate na makita tayong umiiyak kaya sana magpakatatag tayo. Hindi na muna sasabihin ni Ada ang kalagayan niya hanggat maaari. Hindi pa rin naman niya kumpirmado Kong buntis siya kaya bibili na muna siya ng pregnancy test kit. Anak si Martha ba yung kausap mo? Bakit bigla ka na lang umiyak diyan. Naguguluhang tanong ni Aling Mercy. Nay wala na si Ate Aleeza. Kinuha na siya sa atin. Hindi ko man lang siya nakita sa huling sandali niya. Napapahagulgol na saad ni Ada. Tibayan mo ang loob mo anak. Ayaw ng ate mo na panghihinaan ka ng loob. Luluwas po ako bukas Nay. Kailangan ako ni mama. Ingatan mo ang sarili mo anak. Magpakatatag ka. Salamat Nay. Kailangan ko po munang masiguro kong buntis ako para mapangalagaan ko din ang sarili ko. Ako na ang bibili anak ng test kit ba yun. Baka mapagod ka pa. Malapit lang din naman ang botika. Salamat Nay. Pagkauwi ni Aling Mercy ay agad nagtest si Ada para malaman kung talagang buntis siya. Naluha ni Ada ng makita ang dalawang linya na siyang patunay na buntis siya. Nay, buntis ako. Napahikbing saad ni Ada kay Aling Mercy. Anak, ang isipin mo na lang na blessing ang baby na yan. Nawala man ang ate mo, may pumalit na anghel. Masaya si Ada na magkakaroon na sila ng anak ni Apollo. Hindi man siya mapatawad nito ay meron naman siyang anak na mapagtutuunan ng pansin. Hindi na muna niya sasabihin pati sa kanyang mama na nagdadalang tao siya. Nagdadalamhati pa ito sa pagkamatay ng ate niya kaya kailangan na muna niyang itago ang kanyang pagbubuntis. Nasabi na rin niya sa kanyang Nanay Mercy na siya na lang ang magsasabi sa mama niya. Ayaw na muna niyang ipaalam sa mga ito na buntis siya. Pati si Apollo ay hindi dapat malaman na buntis siya. Baka kung ano pa ang isipin nito kapag sinabi niyang nagdadalang tao siya at ito ang ama. Baka isipin nitong naghahabol siya. Ang gusto lamang niya ay ang mapatawad siya sa pagpapanggap na asawa nito. Mahal na mahal niya si Apollo at ayaw niyang mamuhi sa kanya ang lalaki. Anak aalis ka na ba mamaya? Saad ni Aling Mercy na nagpabalik sa kasalukuyang isip ni Ada. Oo Nay. May ticket na din po ako. Nagbook po ako online at may nakuha naman agad ako. Mag-iingat ka anak. Alalahanin mo may dinadala ka. Dalawa na kayo kaya sana doble ingat ka. Sana masabi mo na agad na buntis ka sa kanila lalo na kay Apollo. Natatakot ako Nay na baka hindi niya matanggap na buntis ako. Ayoko ko pong makiamot sa pagmamahal para sa anak ko. Mas gugustuhin ko pa na tayo na lang mag-alaga sa kanya kesa po makilimos ng pagmamahal sa ama niya. Galit po sa ako si Apollo at baka pati anak ko ay madamay. Sana maintindihan mo na kapakanan ng anak ko ang inaalala ko sa ngayon. Naintindihan kita anak pero sana huwag mong pagsisihan sa huli ang paglihim mo na may anak kayo ni Apollo. Kailangan niya din malaman. Hindi lang ako handa Nay pero sasabihin ko din po. Hindi lang po sa ngayon. Kailangan ko pa po ng oras at lakas na din ng loob. Naiintindihan kita anak. Basta andito lang ako para sayo. Aalagaan natin ang anak mo. Magkakaroon na ako ng apo kaya masaya ako anak. Salamat Nay. Maghahanda na po ako sa pag-alis. Hindi naman po ako magtatagal doon kaya babalik din ako agad pagkatapos ng libing ni ate. Mga limang araw lang po ako doon. Sige anak. Mag-ayos ka na para makaalis ka na din. Sang-ayon naman ni Aling Mercy sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD