Pagkarating ko sa gym is marami ng tao, ako sainyo umalis na kayo at hanapin yung bruhang may kasalanan sa meeting nato!
By the way wala akong kaibigan at ayoko din makigkaibigan eh gusto lang naman nila makalapit kay kuya gagamitin lang nila ako mas okay natong lonely maganda naman dzuh yung tiwala ko sa sarili umabot ng 101% dapat kayo din
"GOOD MORNING EVERYONE!" bati ni ma'am na hindi ko kilala basta guidance counselor to, hindi pa naman ako nakapasok dun dzuh!
Ito na gois ipapatupad na yung tanginang Sunday at Saturday may pasok hahanapin ko talaga yung bruha!
"GOOD MORNING MA'AM!" Sigaw ng mga studyante uto-uto except saakin syempre alam ko na ang dahilan kung bakit kami nandito
"ALAM NIYO BA KUNG BAKIT KAYO PINATAWAG NGAYON LAHAT?"
"HINDI!" sigaw ng lahat except saakin
"Oo" Malumanay na sagot ko narinig naman ako sa mga malapit lang saakin
"Hi alam mo? ano daw bakit tayo pinatawag?" sabi ng nasa tabi ko
"Ipapatupad lang naman nila na may pasok tayo every Saturday at Sunday"
"Huh?" sabi nong babae, natatawa at umiling naman yung ibang nakakarinig
ayaw niyong maniwala? bahala kayo diyan, hindi ko na sinagot yung babae
"THIS COMING MAY 29, 2023 NEXT WEEK EVERYONE MAY BISITA TAYO, AT HINDI LANG BASTA BASTA BISITA KUNDI BIBISITAHIN TAYO NG ANAK SA MAYARI NG TRAQUE VESTRAINT UNIVERSITY!"
"UMAYGAHD! BABALIK SI BABY TRAIN KRISTAN" sigaw ng isang bruha
"OMG TEH SI TRAIN!"
"HOY! Baka yung babaeng anak yung pupunta, never pa yun naka punta si train dito na hindi kasama yung parents niya"
"Ayy oo nga no!"
"Sana naman si train yung pupunta uhuhu"
tangina yun lang ba announcement nila? tsk buti naman akala ko may pasok na sa Saturday at Sunday
"SO DAPAT AYUSIN NIYO ANG UNIFORM NIYO AT MGA BABAE DAPAT MAGPAGANDA KAYO HINDI YUNG BUHAGHAG YUNG BUHOK NIYO!" Kinapa ko naman yung buhok ko, problema mo sa buhaghag buhok ma'am? "AT BOYS MAGPATUPI NA KAYO KASI SIMULA BUKAS HINDI NA PAPASUKIN SA SCHOOL PAG MUKHA KAYONG BASAHAN AT HINDI NAG UNIFORM! UNDERSTOOD!?"
Grave naman yung mukhang basahan parang ako yung pinatamaan ha kasi sa nakita ko sa mga tao nasa paligid ko hindi naman sila mukhang basahan
"MA'AM YES MA'AM" Sagot naman sa lahat except na naman saakin
"Akala ko ba ipapatupad na yung may pasok sa Saturday at Sunday?" natatawang tanong ng babaeng katabi ko yung nagtanong kanina
Tumawa din ang nakakarinig
okay gois napahiya tayo dun, Umirap lang ako sa kawalan kasalanan to sa bruhang landi
"Kapatid yan ni kent" rinig kong sabi ng tao sa bandang likod ko
tsk.
"Si kent lang naman yung gwapo hindi naman siya maganda" sabi din ng bruhang dko kilala ang panget kasi kaya hindi ko na kailangan kilalanin
tss makapagusap kayo parang wala ako dito ha? at syempre hindi ako maganda kasi sobrang ganda ko lang naman pero syempre hindi ko yan sinabi gusto ko ng lowkey person lang dito sa school ayoko ng away good ferson si me
"Kahit na baka magsumbong pa yan sa kuya niya hindi pa tayo mapansin dun plano ko ba naman na paibigin yun saakin" Kinilig na sabi nong isang bruha na hindi ko alam na na nag exist sa mundo
tangina.
"Asa ka naman girl na magkagusto yun sayo eh mas maganda ako sayo baka saakin pwede pa yun" sabi naman ng another bruha na hindi ko din kilala
Ayan kayo magaaway diyan wala akong alam diyan ha
"Wag kang feeling mas maganda naman ako sayo" oh ayan may sumingit na naman na ibang bruha
tiningnan ng masama sa nakakarinig yung huling nagsalita syempre except saakin kasi alam ko naman na mas maganda ako sakanila no need ng makipagaway
At nakita ko nalang na nagsabunutan na sila ng buhok at hindi ko alam kung ano ang dahilan tangina.
aalis na sana ako kasi ayoko madamay kaso biglang nagsalita si ma'am
"Anong nangyari diyan sa likod!" tanong ni ma'am guidance counselor
"Nagaaway sila ma'am!" sigaw ng isang studyante
wala akong alam diyan.
"Siya po may kasalanan" turo saakin ng katabi ko
sabing ayokong madamay!
"Anong ako?"
"THAT'S ALL FOR TODAY ALL OF YOU PROCEED TO YOUR ASSIGN CLASSROOM EXCEPT SA INYONG APAT PROCEED TO MY OFFICE NOW!"
Apat? sa pag kaalam ko tatlo lang yung nagaaway
way niyong sabihing-
"Kasali ka te" natatawang sabi ng katabi ko
ay tangina. I changed my mind hindi pala mababait mga tao dito. puro bruha lalo natong katabi ko. kay kuya lang pala mabait tss
kainis sabing ayokong madamay! lagot ako kay kuya nito..
"Habang nag sasalita ako sa harap kayo naman nag aaway away! nasan yung manners niyo?" kanina pa to si ma'am Vina yes kilala ko na dahil may naka lagay sa table niya
"Kasalanan sa babaeng yan ma'am" sabi ng bruhang hindi ko alam na nag exist sa mundo
"Oo nga ma'am sabi niya ipapatupad na daw yung may pasok sa Saturday at Sunday" sabi naman sa bruhang hindi ko kilala
"Oo nga ma'am" bruhang mahilig sumingit
timingin naman saakin si ma'am
"What's your name miss?"
"Khrysia" maikli kong sabi
"Complete name vovo" bulong ng isang bruha na rinig ko naman
nagtawanan ng palihim yung tatlong bruhang dahilan kong bakit nakilala ko na si ma'am guidance counselor
"Complete name miss"
"Krysia Elliana Villiaria"
"What's your relationship with Kent Frytz Villiaria?"
"Magkapatid sila ma'am" sagot ng isang bruha na mahilig sumingit
"Hindi ikaw tinanong ko miss garcia!" yumuko naman si bruhang garcia pala ang pangalan
Desurb.
"Totoo ba yung sinabi nila miss Villiaria?"
anong totoo ba?yung sinabi ko na ipapatupad na may pasok sa Saturday at sunday o magkapatid kami ni kuya?
"Ang alin?"
pero totoo yung dalawang sinabi ng mga bruha
rinig ko namang tumawa yung tatlo
"Quiet girls!" sabi niya sa tatlo "At miss Villiaria totoo ba na sinabi mong ipapatupad na may pasok sa Saturday at Sunday?"
"Ah oo ma'am narinig ko lang sa isang bruha este sa tabi tabi"
"Yun ba ang dahilan sa pag aaway nila?"
"Aba hindi ma'am nag aaway lang naman sila kung sino ang pinakamaganda eh halata namang ako" sabi ko sabay ngiti
"WHAT!" Sigaw ng tatlo
"Tingnan mo ma'am ayaw nilang tanggapin hahay ang hirap maging maganda"
"Enough miss Villiaria, sa susunod pag may meeting makinig kayo hindi yung may sarili kayong topic sa likod! paano na pag ang may-ari na sa school ang magsasalita sa gitna dapat makinig kayong lahat! UNDERSTOOD!?"
"ma'am yes ma'am" sabi naming apat
"Alam niyo naman na yung may-ari ayaw ng palpak at magulong school baka tayong lahat dito mapalayas!"
yumuko naman yung tatlo syempre hindi ako kasali hindi naman ako yung nakipagaway!
"At miss Villiaria sa susunod wag kanang mag kalat ng balita ma hindi totoo"
"Opo"
"Papalagpasin ko yung ginawa niyo sa ngayon pero sa susunod isasali ko na kayo dito sa mga may record sa school nato"
"Opo" sagot naming apat
tangina nasali pa.
"Sige pumasok na kayo sa kanya kanya niyong classroom"
"Salamat ma'am" sabi ng tatlo at sabay na kaming umalis
"Si ma'am paano tayo papasok eh tapos na yung isang subject natin ngayon wala na tayong pasok sa susunod mamaya pa" sabi ng bruha
Bala kayo jan.
"Umaygahdd si kent" bulong ng isang bruha
Si kuya? patay!
lumapit na ako sakanya
"Hi kent" sabay bati ng tatlo, tiningnan lang naman niya at tumingin saakin
"Hi kuya hehe" nagaya ko pa yung mga bruha
"Anong nangyari?" tanong niya saakin
saakin gois saakin pero yung bruha hilig sumingit ang sumagot
"Wala kent ano lang napaaway lang at akala ng guidance kasali ang kapatid mo pero na explain na namin na hindi siya kasali" tumango naman yung dalawa nilingon naman ni kuya ang tatlo
napairap naman ako sa makapal mukha ng tatlo tangina parang wala ako dun kanina.
"Khrysia ihatid na kita sa room mo"
Hindi na ako nag Oo at hindi na rin ako nag hindi naglakad nalang at sumunod naman si kuya
alam ko naman na hindi siya naniwala sa mga bruha syempre hindi niya naman yun kilala, tinuruan din kami ng parents namin na dapat pakinggan ang paliwanag ng kapatid wag ang ibang tao
"Anong nangyari?"
Kinwento ko naman ang nanyari kung saan nagsimula at hanggang sa guidance office
"Kasalanan mo kuya kaya nandun ako sa guidance" sisi ko sakanya, napailing naman siyang tumawa
"Kasalanan ko bang nagbabalita ka ng ipapatupad na may pasok sa Saturday at Sunday?" natatawang sabi kuya
"Kuya naman eh kasalanan mo din yun, isa yun sa idea sa mga babaeng bruhang nagkagusto sayo" nakasimangot na sabi ko, pinagtawanan ba naman ako
"Hindi kaba nahihiya sa pinag gagawa mo Khrysia Elliana?" tumawa paring sabi ni kuya
"Tss kuya Kent Frytz bakit naman ako mahihiya sa ganda kong taglay alam ko naman na naiingit lang sila saakin"
Umiling nalang si kuya at ginulo yung buhok ko
"Kaya pala kanina nong niyaya kita papuntang gym" umiiling na sabi ni kuya
"Kuya! hindi mo ba narinig na mag ayos na yung mga babae ng buhok pero ginulo mo yung saakin!" reklamo ko hindi ko na pinansin yung sinabi niya
"Hindi ka naman babae" natatawang sabi ni kuya
"Excuse me kuya! maraming iiyak na lalaki pag naging lalaki ako!"
"Oo at isa na dun ang kaibigan ko"
"Tss kuya shat ap"
"Hanggat maari Khrysia Elliana wag ka munang sumali sa mga gulo, alam mo namang mga mayayaman tao dito talo tayo pag nagkataon gusto kong makatapos kayo ng pagaaral" seryosong sabi ni niya
"Oo sorry kuya hindi ko naman alam na masasali ako sa mga bruha" sabi ko sabay irap habang inisip yung mga mukha sa nga bruha lalo na yung katabi ko sarap tirisin
yung kagaya nila ay dapat iphase out sa mundo
"Sige pumasok kana dun"
oh nandito na pala kami
"Bye kuyaaa ingattt sabay ako mamaya sayo ha"
"Sige."