SIMULA
Today is a new day pero walang pinagbago papasok parin sa school bago ang lahat I'm Khrysia Elliana Villiaria I'm 18 years old, first year college taking of Bachelor of science Office Administration at Traque Vestraint University.
Nag Office Administration kasi gustong maging secretary ng isang gwapong CEO kung hindi papalarin maging asawa nalang ehe
Katamad pumasok pero pag naalala ko yung pag hihirap ng magulang ko nawala yung pagod ko, walang jowa si me NBSB kasi strict parents tapos masunurin kasi ako at medyo takot kay papa, katakot kaya si father ert gois pahintuin ako sa pagaaral pag hindi ko siya sinunod which is pabor saakin kasi nakaka stress mag aral pero ayoko huminto, diba ang gulo? parang yung relasyon niyo magulo kung ikaw paba o may iba na, bato bato sa langit matamaan wag magalit.
"ATE! ARE YOU THERE BECAUSE I'M HERE AND WE'RE EATING IN THE TABLE OF ME AND YOUR HOUSE!!"
tanginang kapatid to sarap imudmud yung mukha sa inodoro yung english nya sakit sa ulo tanginang buhay to marami na ngang problema dumagdag pa yung english ng kapatid ko kelan pa ako makaluwas sa mga problema.
"ATE!!!" ingay pota
"OO NA! TUMAHIMIK KA NA JAN HANGGAT MAY PASENSYA PA AKO SAYONG TANGINA KA" Sigaw ko sakanya "AT PWEDE BA TIGILAN MO NA YANG ENGLISH ENGLISH MO SA SCHOOL MO NALANG YAN GAMITIN MATORUAN KAPA NG TAMA!" dagdag ko
"WHAT'S WRONG ATE, YOU'RE A COLLEGE STUDENT SO YOU CAN TEACH ME IF MY ENGLISH IS WRONG" arghhh ayoko na nga
"ENOUGH!!!" ay tangina napa english din ang ferson kahit college ako mas matalino pa tong kapatid ko saakin, sadyang nasiraan lang talaga siya ng bait, umagang umaga ako agad ang target inisin
"WHAT'S YOUR PROBLEM ATE?" natatawa niyang sabi
"TUMAHIMIK KA AT MAUNA KANA SA LAMESA KO AT SAYONG BAHAY TANGINA SUSUNOD AKO BAGO AKO MAKALABAS DIYAN AT MABIGWASAN KA!"
"OKAY ATE PERO NAKALIMUTAN KONG SABIHIN BAHAY DIN PALA NG KUYA NATIN HEHEHEHE" sigaw niya at narinig ko nalang yung hakbang na nagmamadali parang tumakbo
Sige tumakbo kalang baka mamaya mapainom ko sayo tong tubig ng inodoro tangina talaga, kung napapansin niyo na sumigaw kami nasa labas kasi siya ng kwarto ko at ganito na talaga kami dito sa bahay si kuya lang ata ang hindi maingay eh, Minsan nga yung kapitbahay namin sinisita yung kaingayan namin pero wala kaming pake
Kami lang magkapatid dito kasi si mama nagbabantay bata ng ibang nanay inshort katulong siya at si papa naman is nasa Manila nagtatatrabaho din nagbabantay ng isang kompanya inshort security guard.
Dati si papa lang yung nag tatrabaho kaso si mama marami ng utang at hindi na kaya ni papa lalo na't nagaaral kami ng kapatid ko kaya si mama gumawa ng paraan para matulungan si papa
Si kuya naman is 4th year college na siya ngayon next month is gagraduate na ang ferson sanaol diba? at masaya ako kasi matutulungan na nya sila mama at papa, pero sabi nila mama, tsaka na sila huminto sa pag tatrabaho pag naka graduate na ako at may maayos na trabaho si kuya at sya na daw magpaaral sa bunso namin. Ayaw sana ni kuya ng ganon gusto niyang huminto na sila pag nagka graduate na siya at siya na ang bahala saamin pero mapilit sila eh kaya hinayaan nalang namin.
Maligo muna ako bago kumain
"na~na~na~na~na~na...." kanta yan wag kayong ano hindi ko alam yung lyrics, masarap kumanta sa cr habang naliligo gumaganda yung boses mo try niyo.
tinapos ko na yung pagligo at nagbihis na ng uniform ganda ng uniform namin pang korean basta yun ayoko mag explain nakakatamad imaginin niyo nalang na pang korean at kulay red na stripe
Libre kaming dalawa ni kuya sa pinasukan namin sa school syempre dahil scholar kami dun, nag exam kami at naka pasa kaya wala kaming babayarin, sana makapasa din yung kapatid ko dito sa school nato soon para dito nalang din siya, kahit ganun yun mahal ko yun wag lang kayong maingay nakakahiya at magandang school kasi to kaya gusto kong makapasok din siya dito
Pagkatapos kong mag bihis bumaba na ako para kumain at masabayan ko sila sa mesa ng bahay ko at ng mga kapatid ko
"Kuya good morning" Bati ko kay kuya
"Hmmm"
close kami magkapatid bakit ba dito kasi kami sinanay magulang namin eh
"Ate yung good morning ko?" tanong ng kapatid ko na nagtampo tampuhan
"Nandun sa kwarto ko naiwan"
"tss may favoritism bahay nato" iling ng mukhang unggoy kong kapatid
"Khrysia, Khris tumahimik na kayo" singit ni kuya kaya tumahimik na kami, sinunod namin si kuya kasi silbeng siya tumayong nanay at tatay namin dito.
"Kuya kailan daw ulit tayo pupunta kay papa sa manila?" Tanong ng kapatid ko
Oo nga no? It's been a 5 years? hindi na kami nakapunta kay papa dahil sa mga utang wala kaming pang bili ng ticket, dati every year kami pupunta dun para bisitahin at kumustahin si papa hindi kasi siya makauwi dito sa probinsya
"Alam mo naman yung sitwasyon natin khris" sagot ni kuya
"Nagtanong lang naman miss ko na si papa"
Ako din. Pero ayoko sabihin kasi alam kong mahirap
"Makapunta ulit tayo dun hindi pa ngayon pag nakaluwag na"
"Okayyy" Masayang sabi ni khris pero alam ko sa kaloob looban niya ay malungkot siya pero wala siyang magawa at naintindihan niya rin yung sitwasyon namin ngayon.
Kaming dalawa ng kapatid kong si khris ay may kapareho kami ng ugali, masiyahin, palaging nakangiti at makulit si kuya is tahimik lang yan pero nakikipagbiruan din naman yan saamin at wala paring girlfriend ewan ko diyan hindi naman yan pinagbawalan, ako lang naman ang bawal hindi tong dalawang to, bakla ata yan si kuya sa palagay niyo?
Sumabay na ako kay kuya papuntang school, motor lang sinakyan namin gois hindi namin afford yung kotse, marunong ako mag drive ng motor skl pake niyo ba si Khris naman is pumunta na din sa school niya, senior high pa yun Grade 11
"Khrysia miss mo na ba din si papa" Tanong bigla ni kuya habang bumabyahe kami papuntang school
"Oo naman kuya alam kong yun din naramdam mo pero syempre tiisin muna natin ngayon alam ko namang makikita ulit natin siya pag may pera na tayo" sagot ko sakanya
"Mag paalam ako kay mama mag trabaho ako pambili ng ticket natin"
"Kuya alam kong busy ka sa school kaya wag mo muna yang isipin at alam mo namang ayaw nila mama na magtrabaho tayo habang nag-aaral kasi gusto nilang mag fucos tayo sa school"
"Papayag yun pag pipilitin ko" Natatawang sabi ni kuya, ganun kasi sila mama pag pilitin talaga namin is wala silang magawa minsan lang kasi kami pumipilit sa mga bagay na ayaw nila kasi palagi namin silang sinunod
"Wag na kuya baka yan pa ang dahilan na babagsak ka sa school"
"Ayaw mo bang makita papa natin?"
"Gusto syempre pero kuya may pasok pa ngayon hindi rin tayo makapunta tsaka na pag nag bakasyon, alam ko naman kuya na kami inalala mo wag kang mag-alala kuya naintindihan namin ang sitwasyon natin"
"Okay sabi mo eh tsaka na pag mag bakasyon punta tayo dun"
tumango ako
nakarating na kami sa school
nasa gate palang kami sa school ang daming matang lawin lalo na yung mga babae, nakalimutan kong sabihin gois na pogi tong si kuya kaya medyo sikat siya sa school namin dahil sa mukha at alam din ng lahat na mahirap lang kami, mababait naman sila
"Brooo!" bati ni john isa sa barkada ni kuya
Lumingon siya saakin
"Hi beautiful" bati niya din saakin, ngumiti lang ako bilang sagot
"Kuya pasok na ako" Sabi ko at hindi ko na hinintay yung sagot niya baka bigla na naman mag alok si john na ihatid ako
"Siya yung kapatid ni Kent yung sinasabi ko sayo dati"
tss bumubulong pa eh rinig ko naman
okay gois binawi ko na na bakla si kuya baka hindi lang talaga siya makapili dahil sa sobrang rami ng babaeng nagkagusto haysttt ang hirap ng buhay pag may magandang mukha like me hehe
"Nandito na daw si kent girls"
"Tara punta tayo dun"
"Tara miss ko na si kent bakit ba kasi walang pasok sa Sunday at Saturday hindi ko tuloy siya makikita"
Tangina kayo lang mag-aral pag may pasok ang landi niyoo madadamay pa kami diyan sa kalandian niyo
"ATTENTION EVERYONE WE HAVE A URGENT MEETING RIGHT NOW SO PLEASE PROCEED TO THE GYMNASIUM!!" sabi ng speaker sa school namin
ay ito ma nga sinabi ko baka marinig nila yung gusto ng bruhang ang landi baka ipapatupad na may pasok sa Sunday at Saturday kasalanan talaga to ni kuya
"Khrysia" tawag ng kung sino sa likod
lumingon ako sa tumawag si kuya lang pala kasama yung buo niyang barkada, pinagmasdan ko yung nga babaeng parang asong baliw naglalaway tangina
"Bakit?"
"Sabay na tayo sa gym"
ayy oo nga yung meeting
"Kasalanan mo talaga to kuya! pag talaga pinatupad na nila yung sinabi ng bruha kakalbuhin kita" tumaas yung kilay ni kuya
"Pinagsasabi mo?"
"Ahh basta ayoko ko sumabay ikaw may kasalanan nito!"
tumawa yung buong barkada ni kuya, si kuya naman ay umiiling lang saakin
nauna na akong maglakad sakanila.