Ganito gagawin ko pag nandito ako sa rooftop, may drawing na nga din ako sa magandang tanawin dito sa itaas, nakapunta na ako sa manila at naka akyat na din ako sa rooftop ng building ng nga Vestraint, hindi ko mapipigilang ikumpara yung tanawin dito sa probinsya at tanawin sa manila, minsan ka lang makakita ng puno dun, mas gusto ko parin dito May Traque Vestraint University din ako dito, ito kasi ang pinakamalaki at pinakamagandang school dito sa probinsya, yung ganitong school nakikita ko lang to sa TV, school sa ibang bansa, at balita ko ito din ang unang naisip ni Sir Vestraint na ipatayo niya at dito pa talaga sa probinsya namin, marami ngang nagtanong at wala paring sagot hanggang ngayon Ang nabalitaan ko 16 years old naisip ni sir Vestraint na magtayo ng school dito sa probinsya

