Sa loob ng Sares mansion in Monato subdivision ay nakaupo sa isang couch sina Sandra at Yandro habang nag-uusap. Makalipas ang dalawang araw mula ng pumalpak ang plano nina Disandro at Sandra na pagbawi sa Lemniscate share—during the meeting in Lemniscate capital ay nagbago rin ang lahat ng pamamalakad sa loob ng Sares clan. “Sandra, no matter what you do, alam kong hindi na magbabago pa ang pasya ni Kuya Disandro.” Wala sa sariling napatingin si Yandro sa bukas na bintana, kung saan bahagyang sinasayaw ng hangin ang makapal na kurtina. “We have no choice right now. And even if Papa is around, we still know kung sino pa rin ang pakikinggan niya. He always clings to the powerful. Kung wala kang silbi ay iiwanan ka niya.” “Ju-just like that? Hindi ka man lang ba magtatanong kung saan dina

