LUMIPAS ang dalawa pang araw at ngayon na ang nakatakdang pagdating ng tyrant Queen —ang ina ni Wixon na si Amarina Casas Foltajer sa Folmona. “Sheila, tiyak ka ba rito na dito tayo mamimili ng damit?” kinakabahan na turan ni Linda. “Aba’y dito ang sabi ni Umica. Sabi kong ’wag ng bumili lalo’t kapos na sa oras. Saka may mga damit naman tayong pwede ng gamitin sa mga pormal na even. Eh nagpumilit pa talaga. Ika niya ay mamayang gabi pa naman daw kaya ay mahaba pa ang oras natin para pumili ng damit.” Hinawakan ni Sheila ang kamay ni Linda. Kung ikukumpara ang dalawa, mas sanay si Sheila nang bahagya sa pamimili ng damit sa ganitong mga establishments dahil kay Umica na rin. Napatingin si Sheila sa kamay ni Linda. “Kinakabahan ka ba, Linda?” “Sino ba namang hindi. Alam mo naman na baha

