PEPSI'S POV "Simula ngayon..." Jace uttered as he caressed the smooth curve of my shoulders. "Tayo na." Gulat na napasulyap ako sa kanya. Ano daw? K-Kami na? "Ha?" maang na sabi ko lang. Napakunut-noo ako and I don't know why my lips are trembling. Did he mean that, boyfriend ko na siya? Ba't ganun kabilis? Ni wala man lang siyang ka effort-effort? Wow girl, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niyang kalupitan at kahihiyan sayo at sa mga pasumpa-sumpa mo? Magtatagal kaya kami? Ilan kaya ang gusto nitong mga anak? Basta ako gusto ko ng babae sana at poprotektahan ko siya sa mga playboy na tulad ng daddy nila. Pero teka, bago tayo mapunta sa usapang iyan, anong akala niya sakin? Porket pinapakain niya ako ng mga paborito ko saka naging sweet ako sa kanya mula kahapon ay basta-basta

