PEPSI'S POV "Uy, okay kalang ba?" tanong ko kay Jace nang bumaba na kami sa kotse niya. Hindi maipinta ang mukha nito na parang masusuka ulit na ewan. Hindi pa ata siya siguro nakaget-over sa lasa ng balut. "Pasensya ka na sa..." I slid my arm across his waist and leaned the side of my body closer to him. "...pagpilit sayong kumain ng balut ha." marahang sabi ko. Medyo nakonsensya ako sa ginawa ko, dahil kahit hindi man nito aaminin ay alam kong hindi talaga nito nagustuhan ang lasa, plus pa na nagjoke ako ng hindi nakakatuwa kaya sumuka ito sa daan. "Baby sungit..." Inakbayan niya rin ako habang naglalakad kami patungo sa pintuan ng bahay. "...wag mo nang aalahanin yun, okay? Lahat ng ipapakain mo sakin, kakainin ko, lulunukin ko ng buong-buo, basta lang mapatunayan ko kung gano ako

