JACE'S POV "For your third condition, hiwalayan mo si Angel sa harap ng mga locker. Sa mismong hallway kung saan marami ang dumadaan. Kailangan na madrama ang hiwalayan niyo at dapat convincing ka. Kailangan na may iyakan at dapat mapapayag mo siya kaagad. Kasi 'pag hindi... ay fail ka sa task na ito. Alam mo sa sarili mo na kailangan mo 'tong gawin, Jace. Good luck!" Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Mula sa pagbabasa, inangat ko ang tingin ko at saktong nagtama ang mga mata namin ni Angel. Napalunok ako. Ba't ba bigla nalang akong nahirapan sa pag-initiate ng break-up eh dati-rati, isang pitik lang ng mga daliri ko, kumpas ng kamay o kurap ng mga mata ay tapos na ang relasyon. Tapos na ang usapan. End of relationship. Thank you, next! Tatakasan ko na lang ang babae, or gagawa ng

