PEPSI'S POV "Aray! Ang sakit, Peps..." reklamo ni Jace habang nilalagyan ko ng ice na nakabalot sa bimpo ang sugat nito sa kilay dahil sa suntok ni Zeus. May isa din siyang sugat sa gilid ng mga labi niya. Nasa isang bakanteng classroom kami ngayon. "Grabe pala talaga yung jowa mo, noh?" komento ko. Hindi pa rin ako maka get-over sa nangyaring gulo kanina. Hindi ko inasahan na aabot sa ganun ang task na ibinigay ko sa kanya. Nang dinala sila ni Zeus sa principal's office ay humirit pa ng ilang nakakasakit na linya si Angel sa'kin at muntik pa niya ako ulit sugurin, buti nalang at inawat siya ng ilang estudyante kasama na si Marcus na kakatapos lang ng klase. "Ba't kasi ganun pa ang binigay mong kondisyon sa'kin, eh sadyang mahirap talagang makipag-deal kay Angel." He massaged his upper

