Ronoel MATAPOS maghapunan ay hinatid ako ni Bryson sa gagamitin kong silid. Nakahinga ako ng maluwag sa isipin na magkatabi kaming matutulog. Namamangha kong pinagmasdan ang kabuuan ng silid na inookupa ko. Ang ganda kasi ng pagkakadisenyo. Kung sa kabuuan ng kulay sa sala at kusina ay kulay asul. Dito naman sa aking silid ay kulay buhangin. Ang sarap sa mata lalo pa at may mga disenyo rin na mga pearls at shells. Pakiramdam ko ay nasa palasyo ako ng karagatan. Binuksan ko ang pinto ng balcony at sinalubong ang malamig na hangin. Niyakap ko ang aking sarili dahil nakaramdam ako ng lamig. Magpapahangin muna ako at magpapababa ng kinain. Naparami kasi ang nakain ko kanina. Ang dami naman kasing inihandang hapunan ni Manang Josie na animo'y may fiesta. Masarap pa ang pagkakaluto na talagang

