Chapter 02

4070 Words
Date Nawalan ng emosyon ang mukha niya, nakatingin lang siya sa'kin ng diretso, ang matang malalim at nakakahalina ay maraming ibinubulong. Ang gwapong mukha at matangad na anyo ay parang hindi ko na kilala, dahil sa oras na 'to ay kilalanin ko na lang siya sa pangalan at hindi bilang kababata. Matagal na nga kaming magkakilala pero hindi pa namin lubusan kilala ang isa't-isa, hindi ako magdadalawang isip na saktan siya kapag napatunayan ko ang ka-demonyohang ginawa ng daddy niya na pinili niyang ipagtanggol. Tinalikuran ko na siya bago pa siya may masabi na hindi ko magugustuhan. Pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay ko sa mansyon na 'to, lalo na dahil sa ginawa ko, hindi ako nag-isip bago kumilos. Hindi ko dapat nasaksihan ang ganoong eksena kanina, wala pa ako sa lugar upang makialam sa ganoong sitwasyon. Sa ngayon ay mananahimik muna ako sa nakita. "Iimbistigahan ko ang nangyari, 'wag ka mag-alala." Napatigil ako sa paglalakad at gulat na lumingon kay Inspector Juarez. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Pati pala ang isang 'to ay nadamay sa padalos-dalos na desisyon ko. Hindi namin --- niya p'wedeng kalabanin si Governor Alfaro dahil malawak ang impluwensya nito sa politika at mata ng mga tao, baka mabaliktad pa ang sitwasyon. "'Wag na," ani ko. Kunot-noong tumingin siya sa'kin, "Bakit?" "Makapangyarihan ang kalalabanin mo, Inspector... at may pamilya ka, ang babata pa ng mga kapatid mo." Ngumiti siya dahil sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok ko at bumuntong-hininga. "Pero trabaho ko rin na humuli ng masasama... kung magpapadaig ako sa takot ay hindi uusad ang hustisya para sa mga taong nakaranas ng hindi magagandang pangyayari." Napangiti na lang ako kahit may kaba pa rin akong nararamdaman. Hindi ko mawari kung ano ang mangyayari kapag mas binigyan pansin pa namin ang nangyari kanina. "Naniniwala ka sa'kin?" tanong ko. "Oo naman," walang pag-aalinlangang sagot niya, "Masungit at nakakatakot kang tumingin, Milady, pero hindi ka sinungaling." "Nakakatakot ba talaga akong tumingin?" gulat na tanong ko. Tumango siya sa'kin ng seryoso, na para bang seryoso talaga ang usaping iyon. Napasimangot ako. "Baka gano'n lang 'yon dahil sa hugis ng mata ko, sabi ni Amara ito daw pinaka-asset ko dahil napaka-attractive daw tingnan," hinawakan ko pa ang mga mata ko upang sundan ng daliri ang hugis nito. Natawa si Inspector Juarez, "Tama si Amara, 'yang mata mo napakalakas ng dating, iba't-iba ang epekto sa mga tao, ang mga kapatid kong kambal ay na in-love sa'yo dahil diyan. Parang tinusok daw 'yong puso nila no'ng tumingin ka." Namula ang mukha ko sa narinig at napa-ubong umiwas ng tingin. Napakadali naman palang ma-inlove kapag gano'n. Napakagat-labi na lang ako ng maalala ang komprontasyon namin ni Sexus kanina at hindi iyon naging maganda. Nasira ko 'yong pagkakaibigan namin. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri, "Bakit si Alfaro hindi naniwala sa'kin?" "'Yong batang Alfaro ba ang tinutukoy mo?" aniya. Tumango ako. "Kaya nga mag-iimbestiga tayo para na rin patunayan sa kaniya ang nakita mo." Tumango ulit ako sa narinig. Kailangan lang namin patunayan ang katotohanan, baka sakaling magkaayos pa kami ni Sexus. Inaamin ko na hindi naging maganda ang trato ko sa kaniya kanina, pero natural lang naman samin ang mag-asaran, p'wera na lang 'yong nasabihan ko siya ng 'gago'. Kapag nalaman ni Mama na nagsabi ako ng hindi magandang salita ay paniguradong mapapagalitan ako. "Celestia!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mama at nagmamadali siyang naglakad papunta sa kinaruruonan ko. Kahit buong buhay ko na kasama si Mama, ay hindi ko pa rin mapigilan na hindi hangaan ang ganda niya, kahit ang mga ibang kausap niya kanina na may asawa man o wala ay namamangha sa kilos at ganda niya. "Inspector Juarez, kasama mo pala ang anak ko. Pasensya na, naistorbo ka ba niya?" aniya nang makalapit. Nakita ko ang pamumula ng tenga ni Inspector Juarez kaya sumama ang tingin ko sa kaniya. "Ah hindi naman, Lady Aglicia," sagot niya kay Mama. "Mama, uwi na tayo," sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Natawa siya sa sinabi ko, "Sige, magpaalam muna tayo kina Hillary." Tumango ako, "Hintayin na lang po kita rito, pagod na akong maglakad." Ayaw ko lang talaga na makita ulit si Sexus, dahil posible na kasama niya ang mommy niya ngayon. "Oh? Sige, dito ka na lang maghintay," aniya at hinaplos sandali ang pisngi ko. Nang makaalis siya ay humarap ulit ako kay Inspector Juarez. Akala niya yata hindi ko napansin ang tingin niya kay Mama kanina, kapag nalaman 'to ni Papa, tiyak na magmamaktol na naman 'yon kay Mama. "Bakit ganiyan ka makatingin?" nagtatakang tanong niya. Inirapan ko siya, "Wala akong cellphone kaya number na lang ni Amara ang ibibigay ko sa'yo, siya ang contact-in mo kapag nahanap mo na ang babae... dahil kailangan muna natin siyang kausapin bago tayo gumawa ng hakbang." Napataas ang kilay ko nang hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nakaawang ang labi habang nakatitig sa'kin. "Katorse anyos ka lang ba talaga?" aniya. Tumango ako, "I'll turn 15 this December." "Hindi, ang ibig ko sabihin... ang lawak mong mag-isip sa edad mo," natatawa niyang sabi. Nahawa na rin ako sa tawa niya, madalas nga ako nakakarinig ng ganiyang komento, p'wede na raw akong magpatakbo ng kompanya dahil sa paraan ng pag-iisip ko. Siguro dahil namulat ako na mataas ang expectation sa'kin ng lahat, kahit hindi naman ako pini-pressure ng mga magulang ko ay ako mismo ang nagbibigay ng mabigat na responsibilidad sa sarili ko, motivation na rin para sa'kin na magsikap. Nag-usap pa kami sandali ni Inspector Juarez ng mga nakatutuwang bagay hangga't sa dumating si Mama. "Let's go, anak," ani Mama. Napatingin siya kay Inspector Juarez at nginitian ito, "Thank you for accompanying my daughter. She's a great child, right?" Nakangiting tumango si Inspector Juarez, "Lalaki siyang mabuting bata." "Don't smile at my wife like that, Fred. I don't like it." Nanlaki ang mata ko at napaharap sa likuran namin ni Mama. I saw Papa with his three piece suit, smirking at Inspector Juarez. "Papa!" I ran towards him and then gave him a tight hug. "You missed me that much?" he laughed. "Yes, Papa!" I responded. Naramdaman ko ang paglapit ni Mama sa'min at mabilisang hinalikan sa labi si Papa. Naipikit ko kaagad ang mga mata ko. "Welcome back, Hon. How's your flight?" she asked him. "It's tiring, until I saw you two... so let's go home. We need to catch up, especially you my wife---" "Excuse me... alis na 'ko, Master William and Lady Aglicia. Bye, Milady!" ani Inspector Juarez at tumango sa mga magulang ko bilang pagpapaalam. When he vanished infront of us, humiwalay ako ng pagkakayakap kay Papa. He has this intimidating aura even he always smile, sa kaniya ko siguro nakuha ang ganoong katangian. He also had a sharp and mesmerizing eyes like mine, at masaya ako na namana ko sa kaniya 'yon. While I have some of my feauture from my mother that compliment my entire facial structure. "What, baby? Sobrang gwapo ba ni papa?" he asked me, smiling. Tumango ako ng paulit-ulit, "Mama is lucky to have you." He teasingly looked at my mother. Mama just laughed at him. "We're both lucky to have each other, baby, and we're blessed to have you too," ani Papa at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Tara na, Liam, sa bahay na kayo mag-usap," si Mama. Nakatulog ako sa byahe, nagising na lang ako nang maramdamang binuhat ako ni Papa kaya mas sumiksik ako sa kaniya at natulog muli. Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda. Excited na akong makita ulit si Papa, dahil nakatulogan ko siya kagabi. I want to cook his favorate food para matuwa siya sa'kin, I want to surprise him na marunong na ako kung paano magluto. Chef Alec thought me well. "Handa na ang mga sangkap na gagamitin mo, Lady Celestia. Napakuluan na rin ni Chef Alec ang karne kaninang madaling araw," ani Amara. Nakangiting tumango ako sa kaniya, sinimulan ko nang magluto at determinado talaga sa ginagawa. Tumulong na rin sa'kin si Amara para mabilis akong matapos dahil maya-maya lang ay uuwi na sina Papa at Mama, may pinuntahan kasi sila kaninang umaga, at para sa lunch itong niluluto ko ngayon. Saktong pagkarating nila ay naihanda na namin ang mesa. "You cooked all of this?" Papa asked me. I nodded proudly, "Amara assisted me." "It tasted good, anak," papuri ni Mama sa'kin. Napangiti ako, "Thank you, Mama." We all ate silently, until my father opened a topic that I'm not prepared for. "Sa susunod na buwan, pupunta ka nang England to study college there, don't worry, we will visit you often." "Yes, Papa," I uttered. "Mag-ingat ka do'n, Celestia. Sasamahan ka ni Lishen, he will be your personal butler from now on, and Amara too, mapapanatag kami kung kasama mo siya. Do your best, anak, and don't forget to enjoy, huwag mo pilitin ang sarili mong maging pinakamagaling," my mother said lovingly and reached for my hand. Kung sakali kasi... ito ang unang beses na mapapahiwalay ako sa kanila. Nasanay kami na uuwi sa mansyon na 'to ang bawat isa sa'min araw-araw, kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng lumbay. "I will, Mama. Mag-ingat din kayo ni Papa rito, I'll be good there," I assured her. Pinigilan kung huwag sabihin ang pag-protesta ko. Kung ako ang papipiliin ay gugustuhin ko na dito na lang sa pilipinas mag-aral. Hindi pa'ko handa na iwan ang mga bagay na nakasanayan ko na, mapatao man o ala-ala. Pero hindi ko magawa dahil ayaw kong biguin ang mga magulang ko, gusto kong gampanan ang pagiging mabuting anak sa kanila, dahil sila mismo ay hindi nagkulang bilang mga magulang sa'kin. I want them to be proud of me... I know they are, and I don't want that to fade away. "Celest, punta ka sa bahay?" tanong ni Iscene. I tilted my head towards her direction. Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila Zane. Nag-aya kasi siya ng tea party, at dalawa kami ni Iscene ang imbitado. Nasa ilalim kami ng lilim ng puno, at pinapaligiran ng iba't ibang uri ng bulaklak. Umiling ako bilang pagtanggi. Marami pa akong kailangang gawin, tatapusin ko pa 'yong painting ko at magbabasa pa ako ng mga libro na ibinigay sa'kin ng teacher ko sa history. "Celest, si Zane nang-aaway!" sumbong ni Iscene. Tiningnan ko ang ginagawa nila. Naglalaro sila ng chess, natalo si Zane kaya napikon. Samahan mo pa na inaasar siya ni Iscene. Why I even ended up being friends with them? Tumayo ako mula sa pagske-sketch ng mga kung ano-anong nilalang. I'm fond of sketching that kind of stuff, like elves, witches, mermaids, vampires, dwarfs, angels, demons and other kind of mythical creature. I find them all beautiful and satisfying to draw. "I'm going home. May tatapusin pa akong painting," sabi ko at niligpit ang mga gamit. I have to managed well my time. I don't wanna waste any of it. Human lives are too short, we can't also tell kung hanggang saan tayo. Death is everywhere, malas mo lang kung ikaw na ang susunod. "Really, Celest? Mayaman kayo, hindi mo kailangan ibenta 'yang mga painting mo para pang-tustos mo sa sarili. You're too young for that, you're just wasting your childhood for that hobby of yours," Zane commented. A words coming from a spoiled brat. "Zane was right. Ipinagduldulan na sa'yo ang pera niyo, ayaw mo naman makinabang. Kung tinatanggap mo naman... It's always ended up in the orphanage or any kind of charity. That's good, kaya wala na kaming ma say, but If I were you, ipambibili ko iyon ng mga luho ko. Hindi naman natin kasalanan kung bakit naghihirap ang iba," Iscene also voiced out her opinion. Said by a girl which came from a family of politics. Ano na lang kaya ang masasabi ng grandfather niya na usap-usapang tatakbo ng pagka-presidente sa susunod na eleksyon? This girl can't even look at the bigger picture. "No one can change my mind. So, If I were you---" I pointed Zane, "I'll stop playing chess and go to study for the upcoming debate competition at school." "And If I were you, Iscene," tumingin ako sa kaniya, "I'll go home and ask my parents what can I help for the charity event in the orpahanage tomorrow." Lumapit ako at niligpit ang chess board nila. Nakita ko sa mukha nila ang pagrereklamo kaya pinigilan kung huwag matawa. "I already gave you what you need to do. So do it," I said casually. "Nah, I don't want, marami namang tutulong sa kanila bukas," si Iscene. Tiningan ko siya ng seryoso. Bigla naman siya napakagat labi at awkward na napakamot ng ulo, may ibinubulong pa ito sa sarili. "Oo na! You're always doing this... " nanlulumo niyang sabi. "Zane?" tukoy ko sa isa. "Of course I'll study right now. 'Di ko na kayo mahahatid palabas. Bye!" Tumakbo ito papasok ng malaking bahay nila. Naiwan kami ni Iscene sa garden. Napangiti ako, even we're all have the same age, they respect me and treat me as their older sister because I act like one. They are good people, reason for me to spoil and protect them. Kahit masama ang tingin sa'kin ng iba because of what I stands for, they are the one who accepted me wholeheartedly and I'm grateful for that. I kissed Iscene on her check and caressed it after. "Be good... if you want to be a great politician in the future like your grandfather, you should know the language of peoples heart, poor or rich, man or woman, children or elders, friends or enemies, you'll be a great leader if you can understand their perspetive in life without hearing a words from them, and most importantly... find your own purpose, so you can help people without invalidating your own happiness," I told her. She nodded repeatedly. "I get it!" aniya. I smiled at her, "Good. Now, help Zane for her upcoming debate, make sure she's ready... ask her brothers to be the panelist." Ngumiwi siya, "Ayaw ko nga! Nakakahiya kina Kuya Zage at Zale." "Why?" "Kakahiya kaya makipag-usap sa gwapo, englishero pa, tangina---" "Huwag ka nga magmura, hindi magandang pakinggan, Iscene," saway ko sa kaniya. "Nadulas lang," aniya pa. "Kung nahihiya ka, it only means you have your insecurities, all of us have, sa iyo na lang kung paano mo dadalhin, but remember that being shy can't give you any opportunities in the future... gwapo lang sila, makapal 'yang mukha mo, iyan ang isipin mo." "Ang sama mo sa'kin!" Natawa ako kaya hinampas niya ko sa balikat. "Pikon ka," tudyo ko. "Umuwi ka na nga! Kaya na ni Zane 'yon! Matalino naman ang gaga!" Napa face palm na lang ako sa huling sinabi niya, ang tigas talaga ng ulo. Saan niya kaya natutunan mga 'to? "You're too noisy, Remiscene, and you too, Maria, you're so bossy." Sabay kami napatingin ni Iscene sa kararating lang na bunsong kapatid ni Zane na lalaki. Tatlong taon lang naman ang tanda namin sa kaniya. Kita namin kung paano kuminang ang kulay asul na mga mata nito dahil sa sikat ng araw. His white pale skin glowing beautifuly, and his black wolfcut hair looked aesthetic. "Ang gandang lalaki talaga ng batang 'to, Celest noh?" bulong sa'kin ni Iscene. Tumango ako, "Kapag naging babae, napaka diyosa." "Hmm, sayang hindi ako pumapatol sa mga bata, kung sa kuya naman, imposible rin... nakakahiyang tumabi sa mga arkhanghel na 'yon," sabi niya pa. Pinigilan kung huwag matawa sa pinagsasabi niya dahil inosenting nakatingin si Zash sa'min. "I heard you, Remiscene," kunot-noo nitong sabi. "Iscene ang itawag mo sa'kin!" "I like your complete name better," sagot ni Zash. Tumingin siya sa'kin, 'yong tingin na parang inaantok. "Hi, Maria," he greeted me lazily. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit para guluhin ang buhok niya. "I'll buy you your favorate cookies next time I'll visit," I kissed him on his cheek. "Hoy, Celest! Bata 'yan! Off limits!" protesta ni Iscene. Tiningnan ko siya nang masama, "Silly, he's like my little brother." "Spoil mo 'yan eh! Akala mo ba hindi ko alam na binilhan mo 'yan ng sandamakmak na history books no'ng isang linggo?!" she exclaimed. "Shh, he deserved it," reason ko. "Then, buy me a new shirt and shoes too. Naiinggit ako sa mga pinsan ko, sila mommy kasi ayaw akong bilhan dahil ayaw nila akong sanayin sa materyal na bagay," she spilled out. I nodded, "I will." "Hala! Totoo?!" She reacted excitedly. I smiled at her, "Ofcourse, basta last na lang 'to, kailangan mong sundin ang mga magulang mo." "I promise!" Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Zash sa kamay ko. Nakangiting binalingan ko siya. He's looking at me intently. "Stay away from Alfaros. They seemed not good people." Nabigla ako sa narinig galing sa kaniya. What does he mean? Did he know something? "Please, stay away from them, Maria," humigpit ang hawak niya sa braso ko. Sumeryoso ang mukha ko at humarap sa kaniya ng maayos. "May alam ka ba? Tell me... may ginawa ba sila sa'yo?" hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. "Anong pinag-uusapan niyo diyan?" lumapit si Iscene sa'min. Umiling ako sa kaniya, "Nothing... tinatanong ko lang siya kung nagustuhan niya ba ang mga libro na binili ko sa kaniya." "Magugustuhan niyan basta knowledgeable book," aniya. Tumango ako. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata ni Zash ang pag-aalala, minsan lang siya magpakita ng emosyon ngunit ito ang ibinibigay niya sa'kin, kaya hindi ko mapigilang kabahan. Umuwi ako sa bahay na iniisip pa rin ang sinabi ni Zash sa'kin, kaya hiniram ko muna ang phone ni Amara para matawagan si Inspector Juarez ng palihim. "Kumusta? Nakita mo na ba 'yong babae?" tanong ko kaagad pagkasagot niya ng tawag. "Yes, Milady. Nakausap ko siya sandali... huwag na raw tayo makialam, inamin niya rin na may lihim na relasyon sila ni Gov, na ginusto niya rin ang nangyari, nagkataon lang daw na lasing si Gov noong gabing iyon," aniya. Hindi ko mapigilang magtaka... ginusto? It was raped for me! She was forced, pumapalag siya! "Where is she? Ako ang kakausap. Babae ako, baka mas maging open siya sa'kin," ani ko. "I can't find her... kagabi ko siya nakita pagkatapos ng party at nakausap sandali... but I can't really find her, mukhang nagtatago na." Kung ano man ang rason niya kung bakit ayaw niya aminin ang totoo, hindi na namin kailangan malaman pa. Wala na kaming magagawa sa taong ayaw magpatulong. "Sige, salamat, Inspector. 'Wag mo na rin hanapin, baka makasama pa sa kaniya kung ipipilit natin makialam." Ito na lang ang tanging magagawa ko. Kailangan ko nang umusad at kalimutan ang nakita, at mag focus sa mga responsibilidad ko at mahahalagang bagay. Pagkababa ng tawag ay dumiretso ako sa kuwarto ko at nag-shower. I wear my red sleeveless dress with a printed black flowers. I blow dry my hair at sinuklay pagkatapos. Pumunta ako ng azotea para magpahangin. Napatigil ako ng makita kung sino ang nasa ibaba. It's Sexus and Rhea. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng dress ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pait sa nakikita. I admit that I want to be friends with Sexus again. Staring at him laughing with that girl made me insecure, dahil minsan ay hindi ko siya nagawang patawanin nang ganiyan, sinusupladahan ko pa siya mismo. Ang mas nakakasama ng loob ay hindi rin siya nagpapakita ng motibo na makipag-ayos sa'kin. Should I say sorry first? I think I should. Umawang nang kaunti ang labi ko nang tumingala siya at nagtama ang mga paningin namin. I composed myself, I can't act like I was observing them. I just look at him like normal people will do. His gaze lasted for a seconds before he shifted it to Rhea. Inalis ko na lang sila sa isipan ko at nagsimula nang tapusin ang family portrait ng mga Arcila na kakailanganin ko nang i-deliver sa bahay nila bukas. Hapon na nang matapos ako. Bumaba ako para maghanap ng makakain sa kusina. I stopped from walking in when I saw Sexus drinking water. His eyes darted to my direction, he nodded as a response to my presence. I simply look away at him and not minding his presence. Tumabi siya nang makitang dadaan ako sa tinatayuan niya. Nilagpasan ko siya nang 'di man lang siya tinitingnan. I opened the refrigerator to find a decent food to eat but I can't find anything that suits my taste. Tumingin ako sa kaniya para lang makita na kanina niya pa sinusundan ang galaw ko. He looked away in an instant. Tumayo ako ng maayos. "What do you want to eat? Umorder na lang tayo," sabi ko, kahit ang awkward dahil hindi pa kami magkasundo. Lumingon siya sa'kin at ibinalik ulit ang tingin sa basong hawak. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. In a second he shook his head, "I already ate with Rhea, pumunta kami ng Crescent Moon Café kanina." I raised my left eyebrow and made a disappointed smile, mabuti na lang na hindi niya napansin 'yon. "Okay," I said nonchalantly. Umalis na ako ng kitchen at naiwan siya do'n. Wala na akong nagawa kun'di yayain si Iscene na lumabas. Mabuti na lang na kating-kati siya na matakasan ang bahay nila kaya agad ko siyang napapayag. Sinundo namin siya ng driver ko sa bahay nila. We both ate at Shengda Restaurant na pagmamay-ari ng pamilya namin. Binilhan ko na rin si Iscene ng mga bagong damit at sapatos, hindi ko mapigilang mapangiti nang makitang tuwang-tuwa siya. Hindi ako nasasayangan na magwaldas ng pera kung ang kapalit nito ay kasiyahan ng mga taong mahalaga sa'kin. Iyong ipon ko naman ang ginagamit ko na kinikita ko sa pagpipinta, madalas kasi ako ang kinukuha ng mga mayayamang pamilya na nakilala ko sa mga party na dinaluhan ko, iyon din ang isang purpose ko sa pagsama sa mga magulang ko sa mga pagdiriwang, ang makakuha ng commision. Unti-unti na rin kasi ako nakikilala sa larangan ng pagpinta dahil sa murang edad ay naipamalas ko na raw ang galing ko rito. Sampung taon pa lang ako noon nang magkaroon ako ng sariling art exhibit at marami ang humanga sa mga obra ko dahil may mga kuwento ang bawat isa nito, kadalasan ay mga kuwentong pag-ibig na nagtatapos sa trahedya. "I love you, Celest! Bye! Kita-kits next time, ako naman manglilibre!" Iscene waved her hand with a big smile on her face. Napangiti na rin ako at kumaway sa kaniya pabalik mula sa kotse. Alas-sais na ako nakauwi sa'min. Lumukso ang dibdib ko nang makita si Sexus na nakatayo sa labas ng gate. Umayos ang tindig niya nang makita ang kotse na sinasakyan ko, na para bang ito ang hinihintay niya kanina pa. "Manong, bababa ako rito," sabi ko sa driver ko. Pagkahinto ng kotse ay nagulat ako dahil hindi ko inaasahang pagbubuksan ako ni Sexus ng pinto mula sa labas. Pagkababa ko ay hinawakan niya ang kamay ko, hindi agad ako nakapag-react dahil sabay pa namin pinagmasdan ang kotse papasok ng gate. Nang mawala ito sa paningin na'min ay pumalit naman ang tensyon sa pagitan namin. Kinuha ko ang kamay ko mula sa kaniya at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. His tall and lean physique overpowered mine, kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang kaba. Kabang pilit na sinasakop ang puso ko. "You're father told me that you're leaving weeks from now?" malumanay na tanong niya sa'kin. Dahan-dahan akong tumango, "I'll get my degree there." Nangatog ang tuhod ko nang yumuko siya at hinalikan ang noo ko, bumilis ang takbo ng puso ko, napakapit ako ng mahigpit sa braso niya dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse. Nang humiwalay siya ay hindi pa rin kumakalma ang naghuhurumintadong kalooban ko. Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa braso niya, his tanned skin and my milky white skin looked good in my own perspective. "Bati na tayo?" Napaangat ang tingin ko sa mukha niya, his voice sounds music to my ears, also his handsome appearance made me dazzled. "Aalis ka na, kaya bati na tayo, hmm?" aniya pa. Walang pagdadalawang-isip na tumango ako, "I apologize about last night---" "Let's date tomorrow---" "Date?" 'di makapaniwalang tanong ko. He nodded at me intently. Sinuklay niya ang buhok ko mula sa likuran at hinahaplos-haplos ito pagkatapos, hindi ko mapigilang hindi mailang sa ginagawa niya. Napaka-ingat ng paghaplos niya doon, na para bang malalagas ang buhok ko kapag naging marahas siya. "Yes, a farewell date." ...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD