Chapter 01

4245 Words
Mutual "Lady Celestia!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita si Amara na tumatakbo papunta sa kinaruruonan ko. Huminto ako sa pagdidilig ng mga halaman at tinanaw siya kahit tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw. "Hinahanap ka ni Professor Wang," hinihingal na saad niya ng makarating sa harapan ko. Si Professor Wang ang art teacher ko. Tuwing sabado ang klase ko sa kaniya at etiquette class naman pagkatapos, kung saan si Mrs. Miller ang magtuturo sa'kin. "Susunod ako, Amara. Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko," tukoy ko sa pagdidilig. Nanlaki ang mata niya at agad na inagaw sa'kin ang hose. Pinatay niya ito at dali-daling pinunasan ang basa kong kamay. Napabuntong-hininga na lang ako habang tinitingnan siya sa ginagawa. "Lady Celestia, naman! Hayaan mo na lang ang hardinero ang mag-asikaso niyan! Mapapagalitan tayo ng mama mo niyan eh! Ang dumi-dumi mo na!" sermon niya pa sa'kin. Tumango ako, tama nga naman siya. Kapag nalaman ni Mama na nangingialam na naman ako sa hardin ay hindi lang ako ang mapapagalitan niya kung hindi pati si Amara at 'yon ang hindi ko papayagan. "Respect me, Amara. Baka makita ka ni Mama," saway ko sa kaniya dahil hindi angkop ang uri ng pananalita niya sa taong pinagsisilbihan niya. "Nirerespeto kita, kaya halika na, magbihis ka. Ang dumi na ng dress mo!" aniya pa. Napangiti na lang ako dahil alam kong hindi pa rin niya babaguhin ang buka ng bibig, hindi siya 'yong tipo na tumitiklop kaagad sa'kin, tulad nang ginagawa ng iba. Hinigit niya na 'ko hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Pumasok muna siya ng banyo para ihanda ang pampaligo ko. Umupo ako sa kama, bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang canvas na hindi ko pa natatapos kaya tumayo ako para lapitan iyon. Ito ang unang beses na ipipinta ko ang sariling mukha, kaya medyo kinakabahan ako. Hinawakan ko ang canvas stand at inilipat sa azotea para masikatan ng araw, bumalik ako sa loob para kunin na rin ang upuan at ang mga gamit sa pagpinta. Nang masiguradong maayos na ang lahat ay umupo ako sa harap ng canvas para simulan na itong tapusin. Hahawakan ko na sana ang paint brush ng tawagin ako ni Amara. "Lady Celestia, bilis na! Handa na ang pampaligo mo!" Nanlumo ako at bigong sumunod sa kaniya, nang makarating sa loob ay hinubad ko lahat ng saplot ko at lumusong sa bath tub. Pumuwesto naman si Amara sa likuran ko upang tulungan akong magsabon. "Anong gusto mong flower fragrance na ilagay sa bath tub?" tanong niya. "Lavender." "Sige, diyan ka lang. Ihahanda ko muna," aniya at tumayo. Sinundan ko siya nang tingin, she's Amara, my personal maid, 34 na siya, noong ipinanganak ako nang magsimula siyang manilbihan sa pamilya namin. Siya na ang nag-alaga sa'kin simula noon dahil busy sa kaniya-kaniyang negosyo ang mga magulang ko. I'm not a princess but I raised being one. 'Yong sa bawat ginagawa mo ay hindi ka dapat magkamali at dapat magaling ka sa lahat ng bagay, pati 'yong mga bagay na hindi ka naman interesado ay kailangan mo pag-aralan. At the age of 14, pakiramdam ko ay pinwersa akong umakto at mag-isip na parang matanda. I'm home schooled, that's why I only have few friends na nakilala ko sa mga elite party na dinaluhan ko. Nasa akin na nga ang lahat pero pakiramdam ko ay marami pa akong dapat makita at matutunan, 'yong mga bagay na mararanasan ko lang kapag pinili kong tumaliwas ng daan, daan na matagal nang ginawa para lakaran ko. "That's excellent, Celestia!" puri sa'kin ni Professor Wang. "No, it's not," sambit ko. Nagulat siya sa narinig. Binitiwan ko ang brush na hawak at tinitigan ang canvas na ipininta ko. Kung ordinaryong tao lang ang makakakita sa painting na 'to ay sigurado nga na mamamangha sila. At dahil ako ang nagpinta, nakikita ko ang lahat ng mali at kulang dito. Sometimes what we envisioned can't happen in reality, we tend to set goals but don't have any concrete plan, so we often failed. Sa kaso ko ay hinayaan ko lang na gumalaw ang kamay ko nang hindi masyado malinaw ang larawan na nilikha ko sa isipan, kaya hindi umayon ang resulta sa dapat ay ipininta ko. "Huh? Perpekto nga ang obra mo, Celestia," aniya pa. Huminga ako ng malalim, "Yong ekspresyon ng babae," tumingin ako sa kaniya, "Walang buhay, Professor Wang." Mas lumapit siya sa painting at tinitigan ito ng mabuti. Sandali siyang natigilan at napasapo ng noo. "Sige, ipaliwanag mo sa'kin kung ano ba talaga ang mali dahil hindi ko talaga makita ang tinutukoy mo, Celestia," malumanay na tanong niya. Ang larawan na ipininta ko ay tungkol sa babae na kung saan ay unang beses niya naramdaman ang kalayaan. It's a medieval era where it's legal to trade slaves. She's wearing torned clothes, have frizzy hair, thin body, and have scars all over her body, nakatayo siya habang nakapikit ang mga mata at sinasalubong ang mainit na hangin na nagmumula sa kanluran. She's in the flower fields sorrounded by flowers. Gusto ko ipakita sa mga tao na makakakita sa painting na 'to na hindi lang materyal na bagay ang makakapagpasaya sa'tin, kung hindi ang kalayaan na magagawa mo kung ano man ang iyong nanaisin. Maikli lang ang buhay, kaya kong malalaman ko na ito na ang huling araw ko sa mundo, ay gagawin ko ang ginawa ng babae kung saan hinahayaan niya na tangayin ng hangin ang sarili at maglakbay ang isipan sa mundong imposible nang marating. At alam ko na iyon din ang nakikita ni Professor Wang, pero ang 'di sakop nang kaniyang tanaw ay ang kaakibat ng kalayaan, na kung saan ay haharapin mo ang mundo na puno ng mapanghusga at kasakiman ng mga tao. Tumingin ako sa kaniya at tinuro ang mukha ng babae sa painting. "She's smiling but not because of happiness, kun'di dahil sinakop na siya ng mundo nang imahinasyon," napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri, "Kaya natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mga taong may kapansanan sa pag-iisip sa lansangan dahil sila ang tunay na malaya." "Celestia." "Ang sarap nilang pagmasdan habang sumasayaw sila sa ulan na para bang nasa paraiso sila." napangiti ako sa sinabi. "Hindi man naging maganda ang buhay nila, naging masama man ang mundo at mga tao sa mga kagaya nila, ay nagagawa pa rin nilang ngumiti kapag nakatanggap sila ng kahit isang pirasong tinapay man lang, dahil para sa kanila maiibsan na no'n ang gutom na ilang araw nilang tiniis," dugtong ko pa. Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Professor Wang sa'kin. Ramdam ko ang awa mula sa kaniya. "Pumili ka ng landas na hindi sakop ng iyong tanaw kung gusto mo maramdaman ang tunay na kalayaan, hija," bulong niya. Tumango ako ng paulit-ulit at hindi na alintana ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kalungkot, kung gaano ako kasabik maranasan ang mundo sa labas ng mansyon. Tama nga siya, kailangan ko lang lakasan ang loob ko at hanapin ang bagay na gusto ko. Kinabukasan ay inimbita kami ni Mama sa kaarawan ng asawa ni Governor Alfaro na si Tita Hillary, sanay na ako dumalo sa mga pagdiriwang na may kinalaman sa politika at negosyo para mas mapatibay ang impluwensiya ng pamilya namin sa bansa. "Suotin mo kaya itong kulay pink na satin dress, Lady Celestia," suhestiyon ni Amara. Umiling ako, "I only wear red and white dresses, Amara. You know that already." Nakita ko ang pag ngiwi niya at napa-buntong hiningang pumasok ulit sa walk-in-closet ko. Ilang minuto lang ay lumabas siya mula roon dala ang limang dress na naka cover pa ng plastic at may mga price tag. "Hala! Lady Celestia! Ang mamahal nito! Ito pala ang dinala ng secretary ng mama mo no'ng isang linggo, narinig ko galing pa raw 'to sa Paris! Sikat na fashion designer ang nag disenyo nito!" palatak niya. "Ba't ba kulay pula na lang lagi ang sinusuot mong bata ka! Kung hindi pula, puti naman! Maganda naman fashion sense mo pero sumubok ka naman ng ibang kulay!" aniya pa. Napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang isang puting dress. "Ito ang susuotin ko, maghanda na tayo," utos ko. Ilang minuto lang ay tapos na 'ko sa pag-aayos. Tanging ang buhok ko lang ang ginalaw dahil ang bata ko pa para mag make-up. White sleeveless lacy dress ang sinuot ko at 2 inches silver sandal, naka-braid ang itim at mahabang buhok ko. "You look pretty, Lady Celestia," Lishen complimented me with his usual poker face. He opened the car door for me and then bowed down his head. He's our new family butler, his father was our former butler that retired last year. He's only 23, smart, capable, handsome, and talented. "You'll come with us?" I asked him. He shook his head, "No, Milady. I'm going to fetch your father in the airport later." My eyes widen. Papa will come home later? Hindi ko mapigilang kumawala ang malaking ngiti, I miss him so much! It's been months na hindi ko siya nakita. "Come inside, Maria," tawag sa'kin ni Mama mula sa loob ng sasakyan. Masaya ang kalooban na pumasok ako sa loob at tumabi sa kaniya. "You looked happy, so you already know that your papa will finally come home?" Mama asked me. I nodded at her, "I'm excited, Mama." She patted my head and smiled at me. "Then we will tell your father all of your accomplishments, he will be proud of you, because I am, Maria," she said genuinely. "Thank you, Mama," I said at her politely. "No, I'm the one who should thank you. I'm blessed to have you as my daughter," she said and then kissed me in my forehead. Napangiti ako, kapag ganito ang ipinapakitang tiwala at pagmamahal ni Mama sa'kin ay nababalewala na ang pangarap ko na talikuran ang ganitong buhay, dahil alam ko na kahit kailan ay hindi ko pangangarapin na iwan at mawala sa'kin ang pamilyang kinagisnan ko. "Celestina!" lumapit si Tita Hillary kay Mama at nakipag-beso sa kaniya. "You look fabulous, Hilary. Parang hindi lang nadadagdagan ang edad mo," my mother complimented her. "But you're incomparable, Celestina! Boys in our time openly admiring you!" Tita Hilary giggled. A ghost of smile escaped my lips, Hindi pa rin maintindihan kung bakit kailangan purihin nang dalawang tao ang isa't-isa kahit hindi naman kailangan, siguro gano'n talaga sa mundo ng negosyo at politika, kailangan mong gumawa ng magandang impresyon para maiwasang makahanap ng kaaway. "Hey, Celest," Tita Hillary's son called me. I looked at him with cold expression, his name is Sexus, tiningnan ko ang kabuoan niya para may maipintas ngunit nabigo ako. He gave me his boyish smirk when he realized that I'm checking on him. "Don't smirk like a dog, Alfaro," I said disgusted. Nawala ang ngisi sa mukha niya at sinamaan ako ng tingin. "You are---" "Look pretty? I know, Alfaro," I cutted him off. "Don't call me Alfaro!" "Your name is too inappropriate to utter," I said abruptly. "You devil lady---" "Sexus, stop it!" saway ng mommy niya sa kaniya. Tumingin si Tita Hillary sa'kin at ngumiti, "Sorry for my son's behaviour, Celest." Umiling ako. "We're both acted childish just now, Tita. The difference is... Sexus is 5 years older than me, he's too old para patulan ang mas nakababata sa kaniya," I spoke out. I saw how Sexus clenched his jaw, his eyes darted at me like a dagger, pinaparating na gagawa siya ng paraan para makabawi. I looked away from him and gave Tita Hillary my usual smile. "And by the way, Tita. Happy Birthday and nice meeting you again. I like your dress it suited the best with your tanned skin, you look fabulous like what my mother said," papuri ko. "Thank you, hija. You're so sweet" "Tsk! Sweet talker kamo," pagpaparinig ni Sexus. Binalingan ko siya ng tingin. "And you too, Alfaro. You look handsome as always," I gave him a sweet smile. He froze for a moment and then looked away in an instant, napaubo pa siya kaya kumunot ang noo ko. He's too shy to hear a compliment from me, I guess. "Come here, anak. I'll introduce you to some people," Mama called me. "Nice meeting you again, Hillary. Let's chat again later," paalam niya rito. I talked to many people, mostly from politics and business world. There was also an agent from a famous agency that wanted to scout me as their model or actress but I refused. I'm busy praparing to be an excellent business tycoon in the future, I wanted to show everyone that even I'm a woman I can be better than man in that certain field. As the heiress of our chain of companies, everyone expecting so much from me, monitoring my every move... they praised me when I achieved something and waiting for me to make mistake so they can cancel me. The biggest challenge in life is being yourself… In a world trying to make you like everyone else. My mother always reminded that I should not trust no one in this world full of ambitions. Hangga't may nakakaangat na isa ay magsisibol ang inggit at kasinungalingan. In life we all have an unspeakable secret, an irreversible regret, an unreachable dream and an unforgettable love. "Mannequin ka ba? Hindi ka na gumagalaw diyan." Sexus seated beside me. I'm here at the garden, my favorate place in their mansion, staring at the full moon with an empty thoughts. He suddenly pop-up and started staring at me just a minute ago, kaya medyo naiilang ako. "Marunong ka ba mag chinese?" he asked out of nowhere. "Yeah," sagot ko, hindi pa rin siya nililingon. "Chinese ka pala 'no?" he sounded sarcastic. "Yeah," I muttered. Mas inilapit niya pa ang sarili sa'kin kaya hindi na ako nakatiis at nilingon siya, nagtama ang dulo ng ilong namin, kaya bigla akong napaatras. Naaninag ko ang kislap ng mga mata nya sa kabila ng kadiliman ng gabi, kung saan ang buwan lang ang nagbibigay ilaw. Kumabog ng husto ang puso ko sa hindi mailarawang kaba. Wala na akong maisip pang iba kung hindi ang lumayo sa kaniya dahil alam kong tila may umu-usbong na paghanga akong nararamdaman para sa lalaking ito. "Ang ganda ng mga mata mo," bigkas niya. Napaawang ang labi ko, hindi makahagilap ng salita, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili, nang matauhan ay lumayo ako sa kaniya at tinitigan ulit ang buwan. "Ganiyan ba ang mga salita mo para makakuha ng babae, Alfaro?" tanong ko. Natawa siya sa narinig, "Bakit? umepekto ba?" "Hindi," agad na tanggi ko. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko siyang umungol. The obscene sound he made, gave me shiver down my spine. Pakiramdam ko ay nagkasala ako, gayong hindi ko naman sinasadyang marinig iyon. "What did you do?!" I exclaimed. Nagtatakang tumingin siya sa'kin. Tila ngayon niya lang ako narinig sa ganoong tono. "What did I do?" balik na tanong niya. I looked at him in disbelief, sigurado akong narinig ko siyang umungol, he's right beside me! I can't be wrong! "You moaned," I accused. "What the hell?! I groaned out of frustration... what are you thinking, my lady?" he said annoyed. "W-what? But you sounded too s-s****l," I initiated. "Then, It's your fault! You heard it wrong, okay? Hell, you're too innocent for this..." he uttered, defeated. My brows furrowed, hindi alam kung makikipag debate pa sa kaniya, I over reacted, I know that, baka isipan niya madumi akong mag-isip. Minasahe ko ang noo at tinitigan siya. "Why are you here with me, then?" I asked straight away. He scoffed, "It's my house... If you're asking why I'm here beside you, because I wanted to annoy you, but instead you accused me like I'm some kind of maniac... hindi ako papatol sa'yo, you're a minor and we are 5 years apart." I almost rolled my eyes on his responsed. What a reason. I'm better than him at almost everything even he is older, but I admired how he can live his life freely. He go to school, making friends, and can play his favorate sport. Kaya wala akong magawa kung hindi ikumpara ang sarili ko sa kaniya. Hindi ko na siya ulit pinansin pa at pinaglaruan na lang ang mga daliri ko, pero sa kaniya pa rin nakatuon ang isip ko, bawat malalalim na paghinga niya ay naririnig ko at ang bawat galaw niya ay tumitigil ang paghinga ko. "Can I ask you something?" aniya. Huminga ako nang malalim at tumingin ulit sa kaniya, "What is it?" Kita ko ang pag-aalangan sa mukha niya at ang pasimpleng pagkamot ng kilay. "Tapos na ba 'yong self portrait mo? Puwede akin na lang?" Nagtaka ako kung ano ang ibig niyang sabihin, nang mapagtanto ang tinutukoy niya ay nanlaki ang mga mata ko. "Pumasok ka ng kwarto ko?" kalmadong tanong ko kahit gusto ko na siyang sakalin. Napapikit siya nang mariin, na realize siguro ang sinabi. Kailan nga ba huling nakapunta ang lalaking 'to sa'min? Sandali... matagal na 'yon ha? Hindi ko pa nasisimulan ipinta 'yong sarili ko. "You're mom asked me to call you, but you weren't there, and I accidentally saw your painting, that's it!" he explained. "When that happened?" I asked. Hindi pa rin ako napapanatag, he invaded my personal space for pete sake! He should be thankful that I need to watch my manners, dahil baka nakahandusay na siya sa lupa. "No'ng isang araw," halos hindi makatingin na sagot niya. "I visited my girlfriend," dugtong niya pa. I chuckled, "I'm not your girlfriend." "Not you, it's Rhea." Umawang ang labi ko, my heartbeat stopped for a moment and tightened a bit, inaalala kung sino ang tinutukoy niya. Rhea? I heard that name before but I can't figure it out, baka isa sa anak ng katulong o hardinero namin. Winaksi ko na lang sa isipan ang kirot na naramdaman, dahil hindi ko dapat maramdaman iyon. "Okay, but... why do you want my painting?" tanong ko ulit. Hindi matukoy kung bakit sa lahat ng painting ko ay 'yong mismong self portrait ko pa ang hihingin niya. "For aesthetic," nakangising sagot niya. Muntik ko na siyang masampal dahil sa sagot niya. Kung ganiyan ang dahilan niya ay hindi ko talaga ibibigay sa kaniya 'yon! For aesthetic? Then he should go in some art exhibit and find a painting that suitable for aesthetic! Basta hindi lang iyong may mukha ko! "Hindi ko ibibigay," binigyan ko siya nang masamang tingin. Natawa siya at nagkibit-balikat, "Sabi mo eh." "Hindi talaga," sapaw ko. "Oo nga hindi na! Paulit-ulit," he hissed. Napairap na lang ako sa inasta niya, isip bata pa rin. Tumayo ako at pinagpagan ang pang-upo, tumingin ako sa kaniya at nakitang nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ko kaya bigla akong hindi naging komportable. "Hmm, I need to go back inside," paalam ko. 'Di ko na siya hinintay pa na sumagot at saka siya tinalikuran. Dahil sa palagay ko ay mawawalan ako nang hininga kapag nagtagal pa ako kasama siya... at baka hinahanap na rin ako ni Mama dahil medyo nagtagal ako rito sa labas. Nang nasa mismong venue na ako ay hindi ko mahanap si Mama. "Excuse me, Mr. Sy, did you know where my mother is?" I asked him. Siya kasi ang kinakausap ni Mama bago ako umalis. "Yes, young lady. She's in Ma'am Hillary's collection room with my wife, may ipapakita lang sa kanila," he answered. "Thank you, Mr. Sy." Sa pagkakaalam ko ay nasa third floor ang collection room ni Tita Hillary. Nang makita ang hagdan na aakyatan ay halos manlumo ako, bigla akong napagod. Kanina pa kasi ako palakad-lakad. When I'm already at the second floor, I wandered my eyes around the internal design, amazed by the spanish inspired architecture. Pinaglaruan ko ang singsing sa daliri ko habang inililibot ang paningin sa paligid, napatalon ako nang kaunti nang mahulog ang singsing at gumulong ito papunta sa isang pinto ng kuwarto. Nagrereklamo sa isipan na nilapitan ko ito at pupulutin na sana nang makarinig ako nang ingay sa loob ng kuwarto, dahil medyo nakaawang ang pinto. "S-sir, 'wag po!" "Shut up! 'Wag ka na manlaban dahil ito na nga lang ang silbi mo!" "M-maawa k-ka... may asawa a-ako." Nanlaki ang mata ko sa narinig, agad kong tinakpan ng kamay ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Hindi ko na naisip na pulutin ang singsing at nanginginig ang kamay na hinawakan ang doorknob. Hindi ko mapigilang sumilip sa maliit na awang ng pinto at naiyak sa nakita. I saw a woman struggling to fight against the rapist, naked and wounded. The demon above her, using his power and influence to raped someone of low status. Ang bata ko pa para makita ang eksenang 'to. Yes, I'm mature but I'm only 14 years old! Witnessing the inhuman deed of someone I almost admire because of his great vision as a politician made me realized that sometimes the person you thought can't even kill a mice is a wolf in a sheep's clothing. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at nagmadali nang bumaba, hahanapin ko si Inspector Juarez, a police officer that I saw attending this party kanina. Siya lang ang nasisiguro kong hindi matatakot na kalabanin si Governor Alfaro. He used to guard our family in the past when my father received death threats. Nahirapan pa ako na mahanap siya dahil sa dami ng bisita. Nakahinga ako nang maluwag nang makita siya sa harap ng buffet table. Binilisan ko ang takbo papunta sa kaniya at hindi na alintana ang tawag pansin sa'kin ng iba. Hinihingal ako ng mahawakan ko ang coat niya. Nagtatakang napatingin siya sa'kin at napangiti nang mapagtanto kung sino ako. "Milady---" "I need your help right now!" naiiyak na wika ko. Sumeryoso ang mukha niya, "May problema ba?" Tumango ako ng paulit-ulit. Hindi ko na siya hinintay mapakapagsalita pa at hinigit kung nasaan ko nakita ang kahayupang nasaksihan kanina. Agad kong binuksan ang pinto at nagtaka sa nabungaran. Hindi ko na makita ang babae, tanging si Governor Alfaro lang na may pinipirmahan sa desk niya. Sumibol sa'kin ang galit, galit sa sarili ko dahil nahuli ako... at takot, takot na baka ano na ang nangyari sa babae. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa doorknob at tinitingnan ang matalim na tingin sa'kin ni Governor Alfaro. "Milady, anong ginagawa natin dito? Study room 'to ni Governor," bulong sa'kin ni Inspector Juarez. Hindi ko kaagad nasagot ang tanong niya dahil napako ang paningin ko sa masamang tingin ni Governor Alfaro, para akong nakatitig sa taong anumang oras ay may gagawing masama sa'kin. Nakakapanibago na ang dati mong tinitingala ay bigla mo na lang kinatatakutan. Inangat ko ang kamay ko at tinuro siya, "H-he r-raped someone." Hindi ko napigilang huwag mautal dahil sa kaba. Isang mataas na opisyal ng gobyerno lang naman ang binabangga ko, hindi ako makapag-isip nang tama dahil sa takot at pag-aalala. "Ganiyan ka na ba ka-bored at pagbibintangan mo ng kung anu-ano ang daddy ko, Celest?" Dumapo ang paningin ko sa nagsalita, nasa likod namin siya at natatawang nakatingin sa'kin. Na para bang nakarinig siya ng nakakatawang biro. Lumukot ang mukha ko dahil sa reaksyon niya. "I'm telling the truth," diretso kong sabi. Biglang sumeryoso ang mukha niya, lumapit siya sa'kin at tinitigan ako nang mabuti. Naaamoy ko ang mamahaling pabango niya. "Then, prove it," mahinang sabi niya at nakangiting ginulo ang buhok ko. Tinampal ko ang kamay niya at sinamaan siya nang tingin. Lumayo ako nang kaunti sa kaniya at tiningnan ulit si Governor Alfaro na seryosong nakatingin sa'min, kalaunan ay nagtama ang mga paningin namin, may lihim na ipinapahiwatig ang sa kaniya... na itikom ko ang bibig ko at ibaon sa lupa ang katotohanan. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at bumuntong hininga. Napatingin ako kay Inspector Juarez na lihim na inoobserbahan ang buong silid, hinigit ko na siya dahil ayaw ko na madamay siya sa galit ni Governor Alfaro. "Sandali!" Napatigil kami dahil sa tawag ni Sexus. Humarap ako sa kaniya, nakatingin siya sa kamay ko na nakahawak kay Inspector Juarez at kalaunan ay inilipat din sa'kin. May ibinulong siya na hindi namin kaya marinig. "Kung bored ka, magpinta ka na lang, hindi 'yong gumagawa ka ng kuwento---" "Gago ka," putol ko sa kaniya. Umawang ang labi niya sa narinig, ngayon lang kasi ako narinig na nagmura. Sa buong buhay ko ay siya lang naman ang minura ko. "Alam mo? Because of what happened today? You gave me the reason to hate you more," he spilled out. As if I didn't know that, limang taon pa lang ako no'ng nagkakilala kami at simula noon ay tila may lihim na galit na sa'kin ang isang 'to. I can't even look at him directy because of what I've witnessed about his father crime. Nakikita ko sa kaniya ang mukha ng ama niya, nakakadiri at nakakatakot. I raised my left eyebrow, pinipigilang huwag maiyak, even we're not getting along together well, he's still my first friend, the one who lend me a hand when I stumbled and cried because I was afraid that my mother will scold me for getting hurt... that was in the past at iba na ngayon, at sigurado akong ito na rin ang simula nang pagkasira ng pagkakaibigan namin. I gave him an empty gaze, "You hate me? The feelings are mutual." ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD