Chapter 1
SIENNA’s POV
Third year college student ako, taking up BS Nursing. Nandito ako sa Manila para mag-aral. Habang ang parents ko at maliliit kong kapatid ay nasa probinsiya sa Batangas.
Nasa isang dormitory lang ako noong una, hanggang makilala ko si Suzee na classmate ko. Niyaya niya ako na mag-apartment na lang. Sagot niya ang sobra dahil mayaman naman siya.
Tama naman. Mas maganda sa apartment—mas malaya, walang bantay, walang curfew.
Ang kagandahan sa apartment namin kahit maliit ay may privacy kaming dalawa. Magkahiwalay ang room namin.
Marami akong kaibigan dahil friendly akong tao. Kaya nga sa pagiging extrovert ko, ang daming nagsasabi na medyo malandi ako.
Marami ang nahuhumaling sa aking kagandahan. Hindi naman ako isnabera. I entertain suitors. Pero binabasted ko naman agad kapag feel kong hindi kami magma-match ng personality.
Hindi ako ganito sa probinsiya. Mahigpit sina Daddy at Mommy.
Kaya nang makarating ako rito sa Maynila, hindi ko sinayang ang pagkakataon para ma-explore ko ang kagandahan ng lugar na ito lalo na sa pagsapit ng gabi.
We’re here at the bar, celebrating the birthday of our friend Suzee. She’s turning 21 today. Katulad ko, malayo rin ang family niya. Taga-North naman siya.
Sa ganitong lugar, dapat bumabagay ang suot mo. Kahit birthday ni Suzee, hindi rin naman ako papatalbog. Nagpa-ayos pa kaming dalawa. Tinipid ko pa ang allowance ko para sa aking looks and for my outfit for this special occasion.
Malamang marami na naman ang mahuhumaling sa akin ngayon. I had my long, straight hair curled for a change, and I’m wearing a red spaghetti-strap dress that clings to every curve of my body.
“Sen, you look fabulous! Parang ikaw ang celebrant.” Bati ni Suzee na pinahaba pa ang kaniyang nguso.
“You look fabulous, too! Ask your boyfriend para malaman mong nagsasabi ako ng totoo. Nasaan na pala sila?” hanap ko sa boyfriend niyang si Gerson.
Nag-grab lang kami on the way here sa bar. Marami nang tao at maingay na rin. Umiindak na ang katawan sa tunog na naririnig ko. Pakiramdam ko ang daming mata na ang nakamasid sa amin ni Suzee.
Pagpasok pa lang namin sa entrance, mayroon na akong narinig na mga sumisipol.
Hindi ako mag-a-aksaya ng oras para sawayin sila. Mas gusto ko nga iyon. Kaya naman mas lalo kong ginandahan ang aking paglalakad. Walk like a model. I even flipped my hair for effect. Parang akin ang buong daanan patungo sa reserved table para sa amin.
“On the way na raw sila. Sumama ang makulit mong admirer kaya sila natagalan. Naligo pa yata ng pabango at nagbihis ng dress to kill,” sabi ni Suzee at nagtawanan kaming dalawa.
“Poor, Brian. How many times do I need to tell him that he will never be my type kahit maubos na ang mga lalaki. I would rather grow old alone kaysa makasama siya.” Hindi na sumagot si Suzee. Gasgas na ang linya kong ito. Over my dead body, hindi ko siya type.
Ano nga ba ang gusto ko sa isang lalaki?
Well, simple lang. Iyong tipong halik pa lang ay dadalhin na ako sa ibang dimensyon. ‘Yung mawawala ang ulirat ko.
At ‘yung hawak pa lang sa akin… manghihina na ang mga tuhod ko.
Hanggang kiss lang ako—kahit ganito ako.
Dahil sa kiss ko malalaman kung compatible kami at siya nga ang Mr. Right para sa akin.
Dumating na ang mga hinihintay namin. May bitbit silang regalo para sa aking bff.
“Hi, Sen,” sa dinami-dami ng babati sa akin, ito pang si Brian. Mukhang plano pang tumabi sa akin.
Hindi ako sumagot at tumayo ako para lumipat ng puwesto. “Excuse me,” sabi ko sa kaniya sabay irap.
Ayaw ko talaga kay Brian. Iba na lang, huwag lang siya.
“Ano bang ayaw mo sa kaibigan namin? Para naman mapayuhan namin.”
“Siya. Ayaw ko sa kaniya,” tinungga ko ang alak pagkatapos kong kausapin itong si Gerson. Dapat pala pinasabi ko iyon kay Suzee.
Naglalampungan na naman itong dalawa.
I let my gaze drift sa kabilang table, sandaling nagtagal ang tingin ko roon. May grupo doon na abala sa pag-iinuman—may mahihinang tawa, tunog ng nagkikiskisang baso, at amoy ng alak na humahalo sa hangin sa paligid namin.
Pero sa dami ng tao rito… iisa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang lalaking kahilera ko kaya side view lang ang nakikita ko.
Naka–long-sleeve black polo siya, and wavy ang malinis pero medyo mahaba niyang buhok. Mapupula ang labi niya, na minsan binabasa niya ng dila pagkatapos magsalita. May dimples siyang lumalabas kahit nagsasalita lang, at sa kilos pa lang niya—lalaking-lalaki.
“Ubos na ang alak mo, Sen,” puna ni Josh. Handa na rin siya para salinan ang wine glass ko.
“Sino ba ang tinitingnan mo?” tanong pa nito.
Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood siya, hindi ko maalis ang tingin ko sa paraan kung paano niya dahan-dahang binabasa ang labi niya gamit ang dila—parang sinasadya niya. Biglang uminit ang pakiramdam ko… dahil pakiramdam ko, para sa akin niya iyon ginagawa. At hindi ko alam kung bakit… parang hindi ako dapat makaramdam ng ganito para sa isang estranghero.
Hindi ko sinagot si Josh. Narinig ko na lang na kausap na siya ni Gerson.
May ngiting naglalaro sa aking mga labi.
Parang may gusto akong matikman ngayong gabi.