SEN’s POV Umahon kami sa dagat papadilim na. Wala talagang kumilos sa amin para tumulong kina Mommy at Daddy. “Ang sarap naman ng ulam natin. Inihaw at ang pogi pa ng taga-ihaw,” malakas na sabi ni Danica. Napatingin ako sa sinabihan niya, si Ninong pala. Nagtama ang aming mga paningin. Hindi ko alam kung namalikmata ako, kumindat siya. Napalingon ako sa paligid ko, baka mamaya may ibang nakakita. Mabuti at wala naman. “Anak, napagod ka ba? Mukhang malungkot ka.” Si Mommy ang nagsalita. “Medyo po, Mom,” sagot ko. “Dapat kumain ka mamaya nang marami para lumakas ang katawan mo,” alam ko ang ibig sabihin ni Ninong. Totoo talaga ang sinabi niya. Pasimple pa niyang ipinaalala sa akin. Tototohanin naman siguro niya ang sinabi niya. Gusto ko na rin matapos ang ganitong kalagayan ko.

