Chapter 23

1126 Words

SEN’s POV Nahirapan akong matulog kagabi kaya kung kailan malapit na ang oras ng aming alis saka ako inantok. Ayaw ko sanang galawin ang iPhone na bigay sa akin ni Ninong, pero hindi umalis sa tabi ko si Simon hangga’t hindi ko binubuksan. Siya ang nag-akyat dahil naiwan ko sa ibaba sa pagmamadali ko para makalayo sa taong may bigay ng phone. “Ate, ibigay mo na lang po sa akin ang phone mong isa, please. Gamitin mo na lang po iyan.” Napakalambing ng kapatid ko kaya ang hirap pahindian. Noong hindi pa siya umaakyat, iniisip ko na ang puwede kong gawin sa phone. Dadalhin ko siya sa Manila at ibebenta. Saka ko sasabihin na nawala. Ayaw ko lang gamitin dahil bigay siya ng Ninong ko – ng lalaking ayaw ko na makita sana. Pero paano? Kung pagbabawalan ko siyang pumasok dito sa tahanan namin,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD