SEB’s POV
I was invited by my college friends. Kakauwi lang namin from the US, and I’m planning to stay here for good, lalo na ngayon na tumatanda na ang parents ko. I’m here with my wife, Valerie, but for tonight, magkaiba kami ng lakad. She went out with her friends, and I’m out with the boys. I just needed a night for myself.
We have different views ng wife ko. She’s here for a vacation, while I want to stay here for good. Kaya ang mangyayari, babalik siya sa US, at ako mananatili rito. May business kami sa US, at iyon ang dahilan ni Valerie. Ako naman, nandito para asikasuhin ang negosyo ng pamilya namin. I’m the eldest, so malaki ang responsibilidad ko, at ako ang susunod na magiging president ng company.
We’re here at a bar. There are so many people, young and old. I can see plenty of beautiful girls, but at my age, I don’t think they’d be into me, especially since I’m married. Hindi ko lang sure kung uso pa bang tumingin sa mga kamay kung may engagement or wedding ring.
“Parang walang nagbago sa’yo, Seb. Bebenta ka pa rin sa mga girls. Siguro marami kang nakana na ibang lahi doon,” asar ng kaibigan kong si Dan. Napailing na lang ako sa kanya.
“Ang heartthrob noong college, si Sebastian Vergara. Biruin mo, nagamit kaming lahat para maging tulay ng mga girls makalapit lang sa’yo. Pati mga type namin, ikaw ang gusto.” Mas lalo kaming nagtawanan.
I’m with Dan, Bert, and Jan. Matitinik pa rin ang mga ito pagdating sa chicks.
“Siguro ganyan talaga kapag walang iniisip. Hindi tumatanda.”
“You never changed, guys. Ang lalakas n’yo pa rin mang-asar. Parang ang perfect ng buhay ko, naming mag-asawa. Girls? It depends on my mood, and kung may papatol.” Mahinang sagot ko sa kanila. Lumibot naman ang mga mata ko. My eyes scanned the room.
I saw a woman walking with so much confidence. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya, pero ang kurba ng katawan niya, parang nang-aakit. Ang sarap niyang tingnan, lalo na ang galaw ng balakang niya. Sana maganda, kasi kung oo, baka matikman ko siya, gaya ng sinasabi ni Dan.
I followed her as she walked toward their table. Akala ko dalawa lang sila, pero after a few minutes, may mga lalaking dumating at sumama sa kanila. May katabi siyang lalaki, pero hindi ko alam kung iyon ang kasama niya o hindi.
She’s lovely. I like her face, and I want to feel her body. Hindi ako nagpapahalata na tinitingnan ko siya. Pasimple akong lumilingon, at kapag nakatingin siya sa kaharap niya, doon ko siya tinititigan. Mala-anghel ang ganda niya. Pero mahihirapan akong makalapit dahil marami silang kasamang lalaki. Dalawa lang silang babae at puro boys na.
I think one of the guys at their table is her boyfriend.
Nagpaalam ako sa mga kasama ko para mag-restroom. Sa dami ng nainom ko, kailangan kong umihi at kahit papaano mabawasan ang tama. Wala pang nakakapagpatumba sa akin sa inuman, kahit isa sa mga kaharap ko ngayon.
Dumarami ang sumasayaw sa dance floor, kaya lalo pang sumisikip ang daan papunta sa restroom. Kailangan mong dumaan sa makipot na daanan.
Ilang sandali akong umihi. Medyo natagalan dahil sa dami ng nainom ko, and I felt a little dizzy.
On my way back sa table namin, halos hindi na ako makaraan. Until I accidentally bumped into a woman from behind. The way she moved was so sensual. Baka lasing na siya, kaya ganoon siya gumalaw.
Nag-init ang pakiramdam ko. I liked the way her body brushed against mine. Hindi ko maikakaila na naapektuhan ako, dahil ramdam na ramdam ko iyon.
And I’m lucky, because the woman in front of me is the lady in red. Siya rin ang babaeng kanina ko pa pinapanood. Totoo nga, panalo ang katawan niya. Ang sarap niyang damhin.
Hindi ko siya itinulak, at hindi rin ako kumilos. I stayed right there, enjoying the way she moved, lalo na kapag sumasagi siya sa akin.
Hanggang sa umikot siya at hinarap ako.
Our eyes met. Mas lalo siyang gumanda sa malapitan. Her eyes were captivating, her nose perfectly shaped, and her lips… ang sarap halikan.
Hindi ko hinayaan na bumitaw siya sa titigan namin. I wrapped my arms around her waist, pulling her closer until her body pressed against mine as we continued to move with the music.
Gusto kong mapapikit sa paraan ng paghawak niya sa akin, paakyat at pababa, parang alam niya kung paano ako masa-satisfy.
Ang galing niya. She seems like she knows exactly what she’s doing to my body.
Until our lips met. She kissed me. At first, it was soft, but as the music grew more seductive, our kiss deepened.
This is it. I told her it would be better somewhere else, and she agreed.
I grabbed her hand and led her out of the bar.
I’ll give her what she wants tonight.
Parang wala siyang mga kasama. Ang bilis niya ring sumama sa akin.
I like the taste of her lips. Ang sarap niyang halikan. Hindi pa siya ganoon kagaling humalik, at iyon ang mas nagustuhan ko.
This night won’t end na hindi siya gagaling humalik. That’s my expertise.
I gave her the option to go back inside the bar, but she was determined to leave with me. I already have a place in mind where I can take her, and we can enjoy the rest of the night.
I’m free tonight. Valerie is with her friends, enjoying the beauty of Boracay. She invited me to come with her, but I refused. Gusto ko muna na magkaroon kami ng konting freedom, kahit ilang araw lang.
Kaya gumawa rin ako ng sarili kong lakad, at una na rito ang meet-up ko with my college friends and classmates. Tomorrow, another set of friends, but tonight, I’m going to enjoy my time with the lady in red.
My body is in the mood for this, and I know I can make her happy and satisfied. Hindi niya ako makakalimutan, at baka maikumpara pa niya ako sa iba niyang nakasama. Ipapalasap ko sa kanya ang trademark ng isang Sebastian Vergara.