SEN’s POV “Pinag-alala mo kami ni Gerson,” ito agad ang bungad sa akin ni Suzee. Nakapamewang pa siya habang sinasabihan ako. Kapapasok ko pa lang ng aming apartment. Para itong nanay sa akin. “Nasaan si Gerson?” tanong ko sa kaniya. Nakasuot pa siya ng seksing damit. Kita ang kaniyang magadang katawan. Talagang mag-bff kami dahil halos pareho kaming dalawa. “Kakaalis lang. Mainit nga ang ulo at tinawagan ng Mommy niya. Hindi pa kami nakakatapos panay na ang ring ng phone. Hindi naman ma-deadma at baka sumugod dito.” “Kaya pala.” Mukhang mainit din ang ulo niya, nabitin. “Kumain ka na?” pag-iiba ko. “Hindi pa. Nausog ngani.” Natawa ako sa sagot niya. Iba naman ang tinutukoy niya. “Sandali, inihatid ka ba nung kasama mo kagabi?” hinawakan niya ako sa aking balikat at pinagmasdan

