GWENETH Tinanggal ko yung kamay ni Benedict na nasa likuran ko at pinauna siya sa paglalakad. Hindi siya tumingin ulit sa akin, hindi siya lumingon, hindi niya ako binalikan dahil alam niyang hindi ako komportable sa kanya. Hinintay ko lang si Flint na tumabi sa akin. "We have something to talk about later." bulong niya sa akin at nilagpasan niya ako. Nakatayo lang ako doon at hindi makagalaw, pinagmasdan ko ang lahat na nakaupo sa isang mahabang mesa. Kulay puti iyon, may mga ibang tables rin sa loob pero pabilog. May kamay na nakapatong sa likuran ko. "Miss, kumain na po tayo." ngumiti sa akin si Hansel. Tumango ako at sumunod sa kanya. Hinila niya yung isang upuan para sa akin. "Thank you." bulong ko, tumango naman siya. Katabi ko si Hansel at si Flint. Si Flint ang nasa dulo sa kab

