One
GWENETH
Paano nga ba ako humantong sa paggawa ng isang malaking kasalanan. Bago ang lahat, ito ang nangyari...
~~~~~~~~~~~•~~~~~~~
"Mama!" Napupuyos kong binuksan ang pintuan at agad na pumasok kung saan naka-confine si mama.
Ang daming nakadikit sa kanyang mga aparatos. Makita lang siyang nakaganyan bigla akong nanlumo. Nakahiga siya at walang malay, nandoon din ang doctor na may kasamang nurse. Si ate at kuya Jao, asawa ng kapatid ko. Nandito na sila kanina pa.
"Ate anong nangyari kay mama?" lumapit ako sa kanya, umiiyak si Ate Genn habang yakap siya ng asawa niya, si Kuya Jao. Nakaupo sila sa tabi ng kama ni mama.
"Ano po bang nangyari doc?" tanong ko sa doctor.
"The cause of your mother's faint ay her heart blocked out." nagulat ako sa sinabi ni doc.
"Paano po nangyari yun? May kuryente sa puso ni mama? Bakit hindi na lang sa Meralco nag punta?" gulat na gulat na sabi ko.
"Tange... basta hindi mo maiintindihan boba ka. May nangyaring masama sa puso ni Mama." Napasinghap ko. bakit naman kasi sa dinami dami ng organs puso pa ang kailangan maapektuhan.
Magkaharap kami ng babaeng doctor, si Ate patuloy parin sa pag-iyak. Dahil bukod dito sa nangyari may iba pa kaming pino-problema. Una sa lahat pera, sa lahat lahat ng nangyayari ngayon saan kami kukuha ng pera pambayad dito sa ospital.
Pangalawa kakapanganak lang ni ate kaya butas ang bulsa namin, ni hindi pa niya nabayaran ng buo yung ospital pero pinagbigyan siya na hulugan. Ngayon yung anak niya pinapaalaga namin sa kapitbahay.
"Your mother has Congestive Heart Failure or simple heart failure." seryosong sabi ni doktora. Nawindang ako, napapikit ako ng mariin. Hindi ko kasi alam yun ni mabigkas hindi ko kaya pucha.
"Bago siya magkaroon nito, she had a rheumatic heart disease that leads in congestive heart disease. I will explain further and tell what happened to your mother and listen carefully." tumango ako.
"Much better kung doon tayo sa room ko mag-usap iwan muna natin sila dito."
Lumabas kami at tahimik ko siyang sinusundan. Lumingon ako hindi sasama si Ate? Ako talaga? Seryoso ba? E hindi kami magkakaintindihan ni doctora bobita ako! Sige panindigan natin.
Sobrang kaba ko at takot ko hindi biro ang magkasakit sa puso, bakit sa lahat lahat pa ng pwedeng ibigay ng diyos na sakit sa ina ko ay sa puso pa.
Bakit po nangyayari sa amin 'to?
Hindi ko maiwasang tanungin ang maykapal. Nawalan ng trabaho ang asawa ng ate ko, natanggal ako kanina sa trabaho dahil nag-rush ako dito pinapili ako ng wala kong pusong amo trabaho ko daw ba o yung lakwatsa ko. Akala niya nagsinungaling ako, hayup yung manager na yun pagkalat ko kaya yung s*x video niya?
Pumasok kami sa loob, sinarado ko yung pintuan at sumunod sa kanya. "Have a seat." umupo siya sa swivel chair niya, umupo ako sa patient's chair.
Magkahawak ang aking kamay habang lumalakas ang pagtibok ng puso ko.
May kinuha siyang chart. May dalawang puso ang nakadrawing.
"This is what a heart looks like kapag healthy or normal." turo niya sa isa.
"At ito ang puso ngayon ng mother mo." tinuro niya sa isang illustration ng puso. Pinag-compare ko hindi ko makita yung pagkakaiba pero tumango ako.
"What happened to your mother was nalagutan siya ng hininga sumabay pa yung joint pains niya at hindi rin maganda yung pagbagsak niya but don't worry walang fractured bones or internal injuries. And I discover that your mother have asthma." hindi namin alam na may hika siya.
"And also she had rheumatic heart disease when she was young which lead to congestive heart failure to what your mother currently suffering. Our body depends on our heart's pumping action to deliver oxygen and nutrient rich blood to the cells. When the cells are properly nourished, our body will function normally. I do believe that nag-trigger ito dahil sa init at sa pagbebenta niya ng turon."
Wala akong naiintindihan sa dinami dami ng sinabi niya. Basta may dalawang sakit si mama na hindi namin alam hika at sakit sa puso. Maiiyak na ako ng dugo dahil tulog ata ako nito nung pinag-aralan namin yung science o di kaya nadala sa clinic room dumugo yung ilong ko dahil sa hindi makatarungang mga salita.
"Gagaling pa po ba siya?" puno ng pag aalala ang boses ko syempre kinakabahan ako para sa kanya.
"This disease has no cure." diretso niyang sabi. Napaiyak ako. "But don't worry miss we can treat her pero katumbas ng hindi biro na pagpapagamot ay ang hindi birong presyo..."
"I will explain further dahil hija this disease is hereditary, we don't know if you already have this but let's not jump into conclusion and let's have you checked as soon as possible"
E yung pera nga wala! Gamot nga na maibigay kay mama malamang maglalaslas muna kami bago makabili nun. Pagkatapos umalis na ako sa hospital.
Bahala na ang diyos.
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada, wala lang naglalakad lang pero wala sa dinadaanan ang utak ko. Hanggang sa makita ko na lang sarili ko sa tapat ng lumang bahay namin.
Hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ng mga paa ko. Puno ng buhay 'to pero nawala na rin ng umalis kami. Dahil mismong kami ay nawalan na rin ng buhay ng mawala sa amin ang aming ama, lumuhod ako at hinukay yung kutsilyo ni papa.
Pinakamahalagang kagamitan niya ito dahil ito ang nag-protekta sa kanya... At ang pumatay din sa kanya.
"Papa, namimiss na kita." tumulo ang luha sa aking mga mata. Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. Nakasuot ako ng palda at blouse, naka-ponytail lang din yung buhok ko.
Naka-amoy ako ng sigarilyo at biglang akong napasinghap. "Nesfruta andito si Papa? Sh*t nagloloko lang ako hindi ko talaga siya namimiss." pumikit ako ng mariin at sinundan yung amoy. Nasa likuran ng bahay eh.
Pagdating ko doon ay bigla akong nagtago ng merong isang lalaki na maayos ang pustura mukhang mayaman naka-suit eh, tapos naninigarilyo.
Napatingin ako sa hawak kong kutsilyo at inalala ang mga kamalasang nararanasan ko ngayon at bumalik ang tingin ko sa lalaki at napalunok.
Handa na po ako sa parusa.
Dahan dahan ako lumapit sa kanya, nanginginig yung mga tuhod at kamay ko lalo na yung kamay ko na hawak ang kutsilyo.
Pumunta ako sa harapan niya halatang nagulat siya sa paglitaw ko sa harapan niya. Lumunok ako. Am fogi ehe enyebeh.
"Ako nga pala si Gweneth." nilahad ko yung kamay ko at bigla akong nagdalawang isip, hindi nya tinanggap yung kamay ko. Nakatingin lang siya sa kutsilyong hawak ko.
"What's that?" nginuso niya yung hawak ko. Bulag ba siya pencil yung hawak ko. Hay nako.
Lumunok ako at pinagpawisan, oras na para tapusin 'to. Tinutok ko yung kamay ko. "T-taas mo yun kamay mo." nauutal kong sabi dahil kinakabahan ako.
"Itaas mo sabi!" nakakunot siya pero tinaas niya na lang yung kamay niya.
"Akin na wallet mo." pinilit kong huwag mautal pero nabigo ako. Inikutan niya ako ng mata aba mataray.
"Paano ko kukunin kung nakataas yung kamay ko?" naiinis niyang sabi. Napaisip rin ako doon eh.
"Ahh ang kati! Woo!" napapadyak ako at napakamot sa paa. Pinapapak na pala ako ng mga langgam. Diyos ito na ba ang parusa? "Pumasok nga tayo sa loob aww!"
Hinawakan ko yung dulo ng damit niya at dinala siya sa loob hindi ko na tinutok yung kutsilyo, baka matakot kasi siya nakakaturn off yun.
"Upo ka please." nakita ko yung mukha niya na puno ng pagtataka pero hindi siya nagsasalita. Pumunit ako ng tela sa palda ko at tinali yun sa kamay niya na nilagay ko likod niya at inupo siya.
Nakatingin siya sa akin na parang nagdududa. Pasensya na pogi kailangan ko lang eh.
Alam niyo hindi lang siya ang nagtataka ako rin. Kasi hindi man lang siya lumalaban sa akin, bahala na.
"Ahm... Nasaan yung wallet mo pati cellphone mo?" nahihiya kong tanong.
"Nasa brief ko." nanlaki yung mga mata ko at tumingin sa ... Kaya siguro malaki. Nakakailang naman, malamang may amoy na wallet niya.
"Hindi diyan sa parteng yan edi sana nakabakat na tungaw."
Naoffend naman ako. "Wow hindi ko yan tinitignan siguro maliit. Yung totoo asan na yung phone at wallet mo?"
"Wala nga miss, kunin mo na sa brief ko nakaipit sa garter." Boring na sabi niya bumuntong hininga pa siya.
"Ah..." napatango ako at tumingin sa parteng yun. Paano kung hindi ako makapag pigil at iba ang dukutin-- napapikit kaagad ako.
"Wait lang magdarasal lang ako. Ang dumi masyadong madumi."
Lumayo ako sa kanya at lumuhod. Nagsimula na akong magdasal.
Sana kahit kunin ko yung pera at cellphone niya ay maging magkaibigan kami, ang pogi niya kasi kahit magkaroon lang ako ng hot na kaibigan . Erm pwede na ring boyfriend ehe enyebeh~
Panginoon ko patawad sa aking gagawin, Diyos ko handa na po akong mamatay at mahulog sa impyerno basta pagkatapos nito. Kailangan na kailangan ko na po ito.
Tumayo ako at nagdadalawang isip kung mag sasign of the cross ba ako, pero minabuti kong huwag na dahil hindi na ako karapat dapat. Tumalikod na ako at bumalik sa taong nakaupo at nakatali sa upuan.
Nasa lumang bahay kami, at dito ko dinala ang hostage ko. Tinignan ko yung mukha niya ni-wala man lang bahid ng takot at mukha pa siyang bagot na bagot. Napakamot ako ng ulo, paano kung sayawan ko muna siya? Hindi niya kasi ako kinakausap eh.
Tumikhim ako.
" Ahm.." humarap ako sa kanya at napatingala siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumalikod sa kanya.
Kumanta ako "My Anaconda Don't, My anaconda don't want unless you've got bunnies hun." nagtwerk ako sa harapan niya para hindi siya mabagot. Nakasuot ako ng mahabang palda at longsleeve, nakapony tail pa.
Ng lumingon ako at nakita kong puno ng pandidiri ang mukha niya "Ang laswa mo miss." biglang namilog yung mga mata ko.
"Hoy! Nageffort ako ah! Bakit ba ayaw mo kasing kunin yung cellphone mo?" nagdadabog na ako kasi kanina ko pa siya sinasabihan na kunin yung phone niya. Nasa pantalon daw niya at abot naman ng kamay niya yung bulsa.
"Nasa brief ko nga puta naman miss." naiinis niyang sabi. Hala minura niya ako eh hindi ko naman siya minumura ah!
Nagcross arms ako at sinamaan siya ng tingin. "Hindi naman kita minura bakit mo ako minumura?! At hindi parin ako naniniwala." nagbelat ako sa kanya. Inikutan niya ako ng mata.
"Eh kung try mo kayang kapkapin yung bulsa ko?"
"Ay oo nga!" yumuko ako para kapkapan siya, oo nga wala. Tumingin ako sa mukha niya. "Wala nga." malungkot na sabi ko.
"Kasi nga nasa brief ko." sabi niya sa akin. Pinagpawisan naman ako, tumayo ako ng tuwid at nginatngat yung kuko ko. Ayaw ko pang makahawak ng ano yung ano niya... Anong gagawin ko?
"Aish, kuya aalisin ko yung tali sa kamay mo pero promise mo na hindi mo ako tatakasan?" natawa siya at umiling.
"Miss seryoso ka bang kidnapper ka? Oo sige promise." binigyang diin niya yung promise na salita at ngumiti, woah ang pogi niya pag nakangiti-- ehem.
"Pinky swear." lumuhod ako at kinuha yung pinky finger niya at tinapon ko. Joke.
"What are you doing?" naguguluhang bulong niya at ngumiti ako sa kanya.
"Pinky swear sign na hindi mo lalabagin yung promise." binitawan ko na yung pinky finger niya at pumuntang likuran niya. Inalis ko yung tali sa kamay niya.
"Okay kunin mo na---" nagulat ako ng mabilis siyang tumayo at kinuha yung isa kong kamay at nilagay sa likuran ko. "Aaah!" ang sakit naman.
Nagulat na lang ako dahil ako na ang nakatali. nanlaki yung mga mata ko sa gulat at tumingin sa kanya.
"Ang sabi mo hindi mo ako tataksan?!" pagmamaktol ko sa kanya. Ngumisi siya at tumingin sa akin. Nasaan na ho yung panty ko paki balik.
"Yes, that's why you're coming with me." napatili ako ng binuhat niya ako na parang sako.
"Ibaba mo ako!" nasa labas na kami. Patuloy akong nagpupumiglas.
"Boss anong gagawin natin dyan?" yan kaagad ang narinig ko paglabas namin sa luma naming bahay. Teka... Paanong?
Dumilat ako at nakita na ang buong lumang bahay namin ay pinapalibutan ng mga nakablack na damit at maraming armas silang hawak, iba't ibang klase. Napalunok ako teka hindi ko sila kasama. Tsaka wala naman akong kasama ah?
"Aray!" pinalo niya kasi yung pwet ko. Oh my gosh pinalo niya puwit ko?hala!
"Pag iisipan ko pa pagdating sa base natin. Ang lakas ng loob ng babaeng 'tong kidnapin ako eh, tuturuan ko lang ng leksyon. I will torture her." puno ng kagalakan ang boses niya.
Nung narinig ko yun nanlumo ako, teka hindi ko alam kung sino siya o sino sila pero ang alam ko lang, ang katapusan ng buhay ko nasa kamay nila.
May lumabas... nilikha na tunog sa puwitan ko.
"Umutot ka ba miss?" nandidiing tanong ng hinostage ko. Umiiyak akong tumango, ganito talaga ako kapag natatakot. Takot na takot na kasi ako eh.
"f**k" binaba niya ako.
"Ah!"