Two

1843 Words
GWENETH "And you know what? That's the lamest ambush I have ever experienced." kanina pa niya inaasar na akala mo close friends kami. Nasa sasakyan niya kami sa likod at ang driver niya sobrang tahimik, hindi ko alam kung patay na ba. WALA SIYANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN KONG PUNO NG TAKOT AT KABA DAHIL KATABI KO SIYA! Siniksik ko ang sarili ko sa door side ko para makalayo sa kanya. Pinagkdikit ko 'yung dalawang kamay ko at nagdasal sa may kapal na hindi pa pala ako handa sa parusa niya. "Oy!" "Aw!" hinimas ko yung tuhod ko. Ang sakit! Sipain ba naman ako sa tuhod, walang galang sa babae saksakin ko- teka speaking of saksakin nasaan yung kutsilyo ni papa? Nanlaki yung mga mata ko at kinapkap ko yung katawan ko. "Hala." bulong ko. "Naiwan ko ata." napabusangot naman ako. Baka mamaya kunin lang ng kung sino yun. "Oy!" aba kupal 'to sinipa na naman ako. "Ano ba!" bulyaw ko sa kanya. Tumingin siya sa space namin sa gitna at bumalik sa mukha ko. Medyo nainis siya. "Why are you so far?" At tinaasan ako ng kilay. "Ayaw ko lumapit sa inyo, nakakatakot kayo!" napasinghap ako, hala nasabi ko pala ng malakas. Lalong tumaas yung kilay niya. "The last time I checked you're the one who threatened and kidnapped me..." Tumigil siya at may smirk na namunga sa labi nito. "... In the lamest way." "Ser pakawalan niyo na ho ako." Nagmakaawa ako sa kanya dahil gusto ko ng umalis. Torture ang narinig ko kanina lumaki ng 5 mm yung tenga ko, seryoso. "Your name is Gweneth right?" Hindi ako sumagot at binigyan siya ng nagmamakaawang mukha. Napadekwatro siya at napahawak sa baba, pinatong niya 'yung braso niya sa taas ng sandalan ng upuan, medyo lumayo pa nga yung ulo ko kasi katabi na ng ulo ko yung kamay niya. Ang haba ng braso. "You actually don't know me right? So rude of me, I didn't even introduce myself" Medyo kinikilabutan na ako sa tono ng boses niya na parang may hindi ako magandang maririnig sa lalabas sa bibig niya. "I'm Flint Ventura Harris, Kick Pepe." Katahimikan. Hindi ako nagsalita dahil pinakinggan ko ng mabuti ang sinabi niya. Imbis na matakot ako hindi ko napigilan ang lumabas sa bibig ko. Bigla akong napahalakhak ng malakas tapos pinapalo palo ko pa hita ko at nakahawak sa tyan, nararamdaman ko naluluha ako. Pangalan niya kasi eh, Kick Pepe... Anong klaseng pangalan ba iyan. Hahaha wait baka artista siya at may screen name komdeyante siguro ito. Ambaho ng pangalan niya, ansarap hugasan ng pH care. Unting unti nang humupa yung tawa ko dahil ang awkward naman na ako lang ang tumatawa at seryoso yung mukha niya. Wait.... Seryoso ba siya sa pangalan niya? "Ahm.. Bakit may screen name ka?" nagtilt yung ulo ko at tinanong siya kasi nacucurious ako. "Boss of Dark Ring, one of the most powerful mafia family by the way." At pinakita niya yung wrist niya. May tattoo siya, black na ring at may mata sa gitna. Nalaglag ang panga ko, yung tawa ko kanina bigla kong nalunok dahil sa sinabi niya at sa nakita ko. Isa siyang Mafia, mamamatay tao at sakim. Pangalawa, yung tattoo niya.... "May ganyan ang papa ko." Bulong ko. Tumaas mga mata ko para tignan ang mukha niya. Napalunok ako at hinila ko ang mukha niya, nagulat siya sa ginawa ko. "A-anong ginagawa mo?" bulong niya, malapit ang mukha niya sa mukha ko. Tinignan ko yung likuran ng tenga niya, meron ding tattoo doon. Tinanggal ko 'yung mga butones niya, nakataas ang dalawang kamay niya at hindi gumagalaw. "Miss anong ginagawa mo!?" Tinaas ko yung shirt niya at napasinghap dahil bukod sa matipuno siya, may tattoo din siya sa kaliwang dibdib niya. Napatakip ako ng bibig, hindi maaari.... Ang ibig sabihin. Kasapi sa Mafia ang papa ko? "Miss?" Tumingin ako sa kanya at nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. "Will you move away?" Iritable at taas kilay niya na sabi. Tinignan ko yung posisyon naming dalawa, nakahawak ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at nasa pagitan ako ng mga hita niya. Bigla akong napalunok at namula ang mukha. Agad akong bumalik sa pagkakaupo at umayos. Medyo uminit yung paligid, napaiwas ako ng tingin. Sa labas na lang ako ng bintana tumingin at inisip yung mga tattoo niya. Parehas na parehas sila ng tattoo ni papa, parehas pa ng mga parte ng katawan kung saan ito nakalagay. Pumapatay si Papa? "Anong ginagawa mo doon?" Nabaling sa kanya ang atensyon ko. Napalunok ako at kinakabahan akong nagtanong sa kanya "I-ikaw... Anong ginagawa mo sa lumang bahay namin?" pinagpapawisan ako. Walang emosyon ang mukha niya seryoso lang ito. "Dahil bahay iyon ng kanang kamay kong tauhan." napapigil hininga ako. Walang emosyon yung mukha niya at seryosong seryoso ang tingin "Dahil bahay yun ng kanang kamay kong tauhan" "Diyos ko." napahilamos ako ng mukha dahil nadismaya ako sa narinig ko. Alam ko wala akong karapatan na magreact ng ganito dahil kanina lang nagbanta ako sa lalaking katabi ko ngayon. Tinutukan ko siya ng kutsilyo pero wala akong balak na patayin o saktan siya. Ang tatay ko kasapi sa isang organisasyon ng mga mamamatay tao at boss pa niya ang tinutukan ko kanina ng kutsilyo, parang katapusan ko na ito. "Why?" Mababang tonong tanong niya. Binasa ko yung labi ko at tumingin sa kanya habang humihikbi ako. "Yung kanang kamay mo, ta—" pumiyok ako. "tatay ko ba siya?" Nang masabi ko hindi nagbago ang mukha niya. Wala pa rin reaksyon. "That's why you have the knife, that kind of knife is exclusively for our people in my organization so I guess your father is Uno or should I say Bernard Gonzales?" Napapikit ako at tumango. Tama nga ako wala ng kahit anong pangundangan na iisang tao lang ang tinutukoy namin. "Hindi ko akalaing sa gaanong senaryo pa tayo magkakakilala at bakit mo ginawa yun? Halata namang wala sa ugali mo yun. Kitang kita na hindi mo gawain at hindi ka marunong humawak ng kutsilyo" ganun pa rin yung tono ng boses niya, masyadong seryoso. "Kasi—" Bigla kaming tumalbog, parehas pa kaming nauntog ni Kick... Pfft Pepe. Kick Pepe hahaha. "Aray!" Nakahawak ako sa ulo ko. "What was that?" sigaw ni Kick Pepe sa driver niya. "Boss may aso iniwas ko lang hindi ko alam may humps Boss Kick Pepe." Pfft please ayaw ko talagang tumawa kasi seryoso na nangyayari dito. Please Gweneth huwag kang panira. "You're afraid to kill a dog but you're not afraid to kill a man. Ang dami dami mo ng pinatay, aso lang hindi mo pa masagasaan" naiinis na sabi niya. Kinilabutan ako. Kita niyo! Mamamatay tao nga sila! "Sorry boss." at umandar na ulit yung kotse. Bumalik ang tingin niya sa akin, nakita niya yung takot sa mukha ko. "What?" tumaas yung kilay niya. Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko at pumikit ng mariin "Sir please po huwag niyo akong patayin, nagawa ko lang yun dahil kailangan ko ng pera. Patong patong na po ang mga bayarin namin, parang awa niyo na huwag niyo ho akong patayin!" Humagulgol ako at nagmamakaawa sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya, lumuhod ako sa upuan sa tabi niya at pinatong yung noo ko sa kamay niya. Syempre arte lang, takot ako pero parang hindi, hindi ko na ba alam. Matapos ko marinig 'yung Kick Pepe, hindi ko na talaga ma-seryoso mga pangyayari. "Parang awa niyo na po may sakit ang mama ko." suminghot ako. "Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera dahil wala na rin akong trabaho, hindi ko.... Hindi ko kayang maghirap ang mama ko sa dalawa niyang sakit. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong ipambabayad" Nilabas ko lahat ng saloobin ko sa kanya. "Umayos ka" Malamig niyang sabi at natakot naman ako kaya sinunod ko yung sinabi niya. Inangat ko yung ulo ko pero nakaluhod pa rin ako sa tabi niya. Nakatingin ako sa mga mata niya. "I'll offer two deals of course there is a condition." Napalunok ako at tumango "You have to be a member of Dark Ring and I won't kill you." Bumagsak ang dalawang balikat ko at nanlumo. Ayaw kong pumatay. "And I will help your family and pay all of the expenses you needed for your mom and support your family financially." Nanlaki yung mga mata ko. Nanggaling na sa bibig niya ang solusyon ng aking mga problema. Pero may kapalit din ito. "Ano po ang mga kondisyon?" bulong ko. "Replace your father's position as my right hand man but at the same time be my wife." Nanlumo ako lalo, ang hirap naman ng mga kondisyon niya. Buwis buhay na, kapag hindi ko naman tinanggap lalong buwis buhay dahil burado na kaagad ako sa mundong ito. Hindi ako nakasagot kaagad syempre nag iisip pa ako. Iniisip ko pa yung epekto sa akin kapag pumayag ako o hindi. "Paano kung tumanggi ako." bulong ko. Sandaling natuon ang atensyon ko sa maganda niyang mga mata, hazel brown at mahahabang pilik mata sana akin na lang yan. "It's about choosing yourself or choosing your family miss Gweneth." sabi niya. Ang maging sunud-sunuran ng isang mafia ay hindi biro at mas hindi biro ang maikasal pa sa mamamatay tao. "Ayaw ko pong ikasal at mas lalong ayaw ko pong pumatay ng tao." pag-aamin ko. Ngumiti siya at tumango. "Don't worry I will never let you kill someone, let's remove that, hindi mo naman kayang bumaril paano ka magiging kanang kamay ko, that's so stupid of me." medyo tumawa siya, ahm.. Nasaan dun ang nakakatawa? "Hindi mo narin kailangan maging asawa ko." sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag at hinawakan ko yung braso niya. "Maraming salamat po! Thank you po." sobra ang kagalakan ko na inurong niya yun, pwede na akong umutot sa labas ng kotse. "Boss." napatingin kami ni Kick Pepe s***h Flint sa driver. Si kuya driver may ngisi sa labi. Diretsong nakatingin si driver kay boss doon sa rear view mirror. Tumingin sa side ko si Flint at ngumisi. "Just want to let you know that there's a car chasing us the whole time and because you have a thick skull na naglakas loob na kidnapin ako at nakita ka nila. Let's just say they want us to die, you, me and my driver." "Puta..." namilog ang mga mata ko at halos maiihi na ako sa nireveal niya at lumingon ako sa likod. "Ay may baril si kuya!" nakatutok sa amin yung baril ng isang lalaki sa likuran namin. Bakit parang wala lang sa kanila? Mukha pa silang nag eenjoy na may humahabol sa amin? Bakit ganun? "If you marry me I will ensure your safety pero mukhang gusto mong maagang mamatay, okay fine ibaba ka na na—" "I DO! I DO from the muscles of my heart and under my eyebags I do!" Tumingin naman siya sa akin at gulat na gulat. "I'm actually joking hindi ako nagkakagusto sa 60 years old." napanganga ako. Pero 25 palang ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD