GWENETH "P-pinatay mo si Papa?" kinakabahang tanong ko. Binitawan na niya ako, napahilamos siya ng mukha. Hindi ko inalis ang aking kamay sa kaniyang baliat bagkus mahigpit ko pa itong hinawakan. "I'm so sorry, it was my fault why he died. If only I listened to him he might be alive." puno ng dismaya ang kaniyang boses at kalungkutan. "Hindi ko maintindihan. Pwede bang ipaintindi mo saakin." bulong. Umiling siya saakin, hinawakan niya ako sa bewang at tumingala saakin. Unang beses kong makita ang mata ni Flint nagtutubig. "You will leave me aren't you? You'll hate me I know that. I know, I know you'll hate me the way he hates me right now here ever he is." naawa ako sa itsura ni Flint. Humihigpit din ang hawak niya sa bewang ko. Lumunok ako at hindi sumagot, depende sa sasabihin niya.

