Tahimik ang lahat, nakatitig lang saakin at hindi makapaniwala sa nakita nilang PT. Pero si Doktora, nakangiti siya, maya't maya natuwa na siya. At nung napansin niya ang katahimikan, siya na ang pumutol nito. Pumalakpak siya ng isang beses at masaya akong binati. "Oh my gosh, Congrats hija. Yung actingan mo naging totoong buhay. I'm happy for you." mabait si doktora kahit na alam niyang nagsinungaling ako pero... Mas gusto ko na lang na isiwalat niya na acting lang ang lahat pati yung positive na resulta sa PT ko. Lumamlam ang mukha ni Ate at Kuya parang nawalan sila ng dugo habang karga ni kuya si utoy. Si Flint ang pinapakakinakatakutan kong ekpresyon sa mukha dahil... Blanko. Hindi masaya, hindi malungkot, hindi disappointed as in wala talaga. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ekp

