GWENETH Ang weird, parang ang gaan ng pakiramdam ko pag gising ko. Fresh parin yung sakit pero ewan parang kaya ko ng gumalaw ayon sa mismong ako. Yung mukhang hindi nasasaktan at nagdadrama, naiyak ko na ata lahat. Kahit papaano nagagawa ko ng kumilos kilos. At sabi nga ni ate, lumabas naman daw ako at aliwin ang sarili. Sinunod ko siya, kasalukuyan akong nag susukat ng damit. Pang 6 na shop na 'to at nagsusukat ako. Syempre hindi ako bumili wala akong pera, sinusukat ko lang. Nilalagyan ko lang ng amoy ko yung mga damit nila, para mablessan. "May kukunin ba kayo Miss?" tanong saakin nung sales lady. Lumingon ako sa kani habang hawak ko yung simpleng t-shirt. "Meron pero kukunin ko ha? Di ko na babayaran." deretsahang sagot ko sa kaniya. Tumawa naman siya, marahan niyang pinalo ang br

