GWENETH Hindi ako makatulog kaiisip ng pinag-usapan namin kanina ni Flint. Ang sabi niya, kung maari sana huwag ko ng alalahanin yung sinabi niya 'mahal kita' kasi natatakot siyang baka magustuhan ko siya dahil lang sa sinabi niya yun. May mga ganun kasi diba? Ginusto mo lang yung lalaki kasi nga gusto ka niya. Tapos gusto niya may effort daw siyang gawin, ayaw niyang makuha ang isang bagay na hindi niya pinaghihirapan atsaka may gusto siyang patunayan saakin. Lalo na kay Benedict na ginagamit ko para matemp siya, nakakakonsensya. Nakakakonsesya kasi wala siyang kamuwang muwang na ginagamit ko siya. Nakakakonsensya na kung kailan ko na nalaman yung saloobin niya tyaka ako nagbago. Pero malay natin, hindi ko na kasi siya lubusang kilala maaring may magbago. Hindi katulad ni Flint, walang

