GWENETH Guys nabalitaan niyo ba na ang ganda ko at yummy? Hehehe pucha "And we're back!" Sigaw ng MC. Wala ng entablado, nasa floor na mismo kami dahil yung stage ay may limang tao na nakaupo na doon. May table at upuan kung saan sila nakapwesto. Feeling ko judges. Lakas ng organization na 'to may keme keme na nalalaman, malayo ito sa ineexpect ko. Andaming kaartehan may Queen Queen pa na nalalaman edi sana doon sila sa England di uso Queen dito hoy! Democratic country ito ano kayo hmp. Ayan ako pa napeperwisyo mga hayup kayo. Kasalanan ng nagpakulo ng tubig 'to eh. Nakatayo lang kami at nakapaikot sa lugar ng tanghalan. Nasa likuran ko ang Dark Ring at katabi ko si Flint. Nga pala yung Papa niya pala ay isa sa mga judges, hindi kaya sila magduda niyan? Syempre yung tatay ng kalaban ni

