Kabanata 02

1572 Words
Mira’s POV “Bakla ka ng taon!!!” malakas na kantyaw ni Kolette matapos kong iyabang sa kanya ang ibinigay sa aking diamond ring ng customer ko kagabi. Oo, binigyan n’ya talaga ako ng mamahaling singsing. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala kaya tinanggap ko na lang. At alam n’yo ba? Isa lang ang hiniling n’ya sa ‘kin at iyon ay ang contact number ko. Gusto n’ya pa raw kasi ako makasama ulit pero sa labas na ng strip club. Aayain yata akong kumain sa labas o manood ng sine. Siguro iniisip n’ya na isusuko ko ang perlas ko sa mga gano’ng padali n’ya. “Legit ba iyan?” namimilog ang mga matang tanong ng kaibigan ko. Nakangisi ko namang sinulyapan ang malaking dyamante sa daliri ko. “Siguro?” natatawang sagot ko. Actually, hindi ko talaga alam. Ngayon lang naman kasi ako nakasuot ng dyamante. Ang totoo nga n’yan ay wala naman akong alam sa mga alahas. Ilang beses na akong nakakita ng ganito sa mga customer ko pero hindi ko alam ang pinagkaiba ng tunay sa pekeng dyamante. “Ibenta mo kaya? Gagi. Ang laki siguro ng halaga n’yan, ano?” namamanghang dagdag pa ni Kolette. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit ang inggitera naming kasamahan. “Tagal n’yo nang nagtatrabaho sa club pero naniniwala pa rin kayong totoong mga alahas iyang binibigay sa inyo? Mga uto-uto talaga kayo.” Agad nag-init ang tainga ko sa sinabi ni Darlene. Nakasimangot pa ako nitong inirapan na lalong kinapangit n’ya. Ako? Uto-uto? Palibhasa’y walang nagreregalo sa kanya ng mga mamahaling gamit kaya hanggang pagiging bitter na lang ang kaya n’yang gawin sa buhay. “Ang hirap talagang maging masaya sa tagumpay ng iba, ano? Mas madali kasing maging pangit at inggetera,” nang-aasar na sagot ko. Lalong lumawak ang ngisi ko nang lumaki na naman ang butas ng ilong n’ya sa inis. “Oh, bakit? Tinamaan ka? Hindi ka nakailag?” Malakas n’yang hinampas ang kamay sa vanity table at galit akong dinuro. “Nakatsamba ka lang ng Amerikano kagabi feeling mo matapang ka na? Eh kung kalbuhin kaya kitang babae ka!” pagbabanta n’ya. Agad akong tumayo nang magsimula s’yang magmartsa papalapit sa gawi ko. Hindi pa s’ya lubusang nakakalapit nang itutok ko sa kanya ang mainit na hair curler. “Sige! Subukan mo. Tingnan natin kung hanggang saan ang aabutin ng kasamaan ng ugali mo kapag sinasaksak ko ito sa lalamunan mo!” Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang tapang ko para sagutin ang bully na si Darlene. Siguro ay napuno na talaga ako sa ilang taon n’yang pambubulas sa akin. Wala naman akong natatandaang ginawa kong masama sa kanya para pag-initan n’ya ako. Pinalagpas ko ang mga panunuya at paninira n’ya sa’kin pero ibang usapan na kapag nagbanta na s’yang saktan ako ng pisikal. Makikita n’ya talaga ang hinahanap n’ya! “Teka! Teka! Awat na!” malakas na sigaw ni Mamsh Pinky at hinarang pa ang sarili sa gitna naming dalawa ni Darlene. Masama n’yang tiningnan ang babae. “Hoy! P’wede ba, Darlene? Kung hindi mo kayang pigilan iyang inggit mo sa katawan ay malaya kang lumayas dito sa club ko!” Parang tupa namang napalitan ng pagpapaawa ang mukha n’ya. “S’ya naman ang nagsimula, Mamsh. Tinawag ba naman akong bitter na pangit. Akala mo kung sinong nanalo sa lotto.” “Manahimik ka na!” Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko bago binitawan ang hawak kong hair curler. Nag-aalala naman akong kinumusta ni Kolette na mukhang nagulat rin sa pagiging palaban ko kanina. Madalas kasi ay hinahayaan ko lang si Darlene sa kasamaan ng ugali n’ya sa’kin. Ito ang unang beses na lumaban ako. Sana pala ay matagal ko nang ginawa. Kaya ko naman pala. “Ate, okay lang?” Tipid akong ngumiti. “Oo naman. Ako pa ba?” Marami pa akong mas mabigat na pinagdaanan kaysa dito. Kaya’t hindi na rin nakapagtataka na tumagal ako sa ganitong klaseng trabaho. Beep! Beep! Kinuha ko ang selpon kong nakapatong sa vanity table para tingnan ang natanggap na mensahe. From: Rich Are you coming? I will send you the address. Naku! Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan ang pinangako ko sa kanyang dinner date kagabi. Actually, hindi na talaga dapat ako papasok sa club ngayon dahil bayad na n’ya ang buong araw ko pero akala ko kasi ay makakalimutan n’ya rin lahat nang ganap kagabi. Lasing nga kasi s’ya, ‘di ba? To: Rich Yes, I’m coming. See you! Agad kong kinuha ang maliit na bag at mabilis na bineso si Mamsh at Kolette bago nagmamadaling umalis. Hindi nga nagtagal ay muli akong nakatanggap ng message kay Rich. From: Rich Someone will pick you up. Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi n’ya. Nasa labas na kasi ako at kasulukuyang nag-aabang ng taxi. May pinadala s’yang sundo ko? “Miss Mira?” Gulat akong napatunghay sa lalaking biglang sumulpot sa harapan ko. “P… Po?” Isang lalaking nasa mid-40s at nakasuot ng black suit ang seryosong nakatayo sa harapan ko ngayon. “Please, come with me. Young master is waiting for you.” Bagaman at nalilito ay nakita ko na lang ang sarili kong sinusundan s’ya sa isang mamahalin na itim at mahabang sasakyan. Limousine yata ang tawag sa ganito. Jusko! Gaano ba kayaman si Rich? Bakit may mga ganito s’ya? Para naman akong artistang sinusundo. “Thank you,” mahinang sabi ko matapos akong ipagbukas ng pinto ng lalaki. Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala nakuha ang pangalan n’ya. Hayst! Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bigla na lang ako sumasama kahit ‘di ko naman kilala. Nilibot ko ang tingin sa loob ng sasakyan. Ang lawak dito sa loob. Kasya yata hanggang sampung tao. P’wedeng p’wede ka pa magtwerk sa gitna. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na rin ang pag-andar ng sasakyan. Buong byahe kong pinaglalaruan ang mga kamay dahil sa pinaghalong excitement at kaba. Hindi naman na bago sa akin ang ganitong mga exclusive services pero sino ba namang hindi kakabahan kung ubod ng yaman ang customer mo? Napapaisip tuloy ako kung si Rich ba ay anak ng presidente o isang illegal dealer. Bahala na. Isang araw lang naman. Tumagal ang byahe namin ng halos kalahating oras bago tuluyang tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang napakataas na gate. Mangha kong pinagmasdan ang awtomatiko nitong pagbukas at ang napakalaking bahay sa loob nito. Hindi na nga yata simpleng bahay na matatawag ‘to dahil sa napakalaki at napakagarbong disenyo nito. Mukha ‘tong palasyo na may malawak pang swimming pool sa harapan. Malapit na magdilim kaya’t bukas na rin ang mga mamahalin nilang chandelier na dinaig pa ang mga pailaw sa barangay namin. Tipid akong napangiti nang muli akong pagbuksan ng lalaki. “Maaari na kayong pumasok sa loob, Miss Mira,” wika n’ya. Excited akong lumabas ng sasakyan at diretsong naglakad papasok sa napakalaki nilang pinto. Pagpasok ko pa lang sa loob ay sumalubong na agad sa akin ang expensive interior ng receiving area nila. Napakataas ng kisame. Nakakalula ang malaking chandelier sa itaas. Nakakasilaw ang marmol na sahig. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang shopping mall. Dumapo ang tingin ko sa malaking sopa kung saan ko natagpuang nakaupo ang halatang may hangover pa na si Rich. Hinihilot pa nito ang sentido habang nakataas ang paa sa coffee table. “Rich!” masayang tawag ko sa kanya. Agad itong napabalikwas nang marinig ang boses ko. Isang malaking ngiti ang isinukli n’ya sa akin. Mabilis naman akong naglakad papalapit sa kanya upang halikan s’ya sa labi. Kahit wala pa s’yang ginagawa ay sobrang turn on na ako sa laki ng bahay n’ya. Mukhang nagulat naman ang binata dahil bahagyang namilog ang mata n’ya. “Woah! We’re kissing now?” nakakalokong sabi n’ya. Malandi akong tumawa habang nakakandong sa hita n’ya. Inikot ko pa ang mga braso ko sa leeg n’ya para mas maglapit pa ang katawan naming dalawa. “I think I can make an exception. You gave me a diamond ring, right?” nakangisi kong sabi. Pinatong ko ang kamay n’ya sa makinis kong legs. “So? What do you want to do? Because I have a lot of things in mind.” Halos mapunit na ang labi n’ya sa lawak ng ngiti n’ya. Sa tagal kong nagtatrabaho ay alam na alam ko na ang gusto ng mga lalaki. Kabisado ko na kung paano sila paikutin at manipulahin. Mas gusto nila ang mga babaeng agresibo. Ayaw nila sa babaeng pakipot. Gusto nila sa babaeng gusto ng lahat pero sa kanila lang malandi. Iyon naman kasi ang nature ng mga lalaki. Ang tingin nila sa mga babae ay trophy na p’wedeng iyabang sa ibang mga lalaki. Alam na alam ko na iyan. “Should we watch a movie? Or do you want to see some new dance moves I learned last night?” maharot kong tanong. Nakangiting inayos naman ni Rich ang buhok ko habang nakatingin sa akin na parang ako ang pinakamagandang babaeng nakita n’ya sa buong buhay n’ya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na napakadali n’yang mauto dahil pagiging hopeless romantic n’ya. Sino’ng matinong lalaki ang nagbibigay ng diamond ring sa isang stripper? Hibang na yata talaga s’ya— “Let's meet your family.” Agad nabura ang ngiti sa laki ko sa sinabi n’ya. “W… What?” Matamis s’yang ngumiti. “I want to meet your family, Mira.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD