Kabanata 01
Mira's P.O.V.
Alak. Sigarilyo. Droga.
Iyan ang tatlong bagay na nakagisnan ko simula no’ng magtrabaho ako bilang isang bayaran sa strip club.
Mahigit limang taon na rin no’ng pasukin ko ang Mundo ng kahalayan. Ilang beses na rin akong sumubok ng ibang trabaho pero parati pa rin akong bumabalik sa nakagawian.
Hindi kasi kagaya ng iba ay mabilis ang pera rito. Maghubad ka lang. Kaunting sayaw. Pera na agad. Bonus pa kung maganda ka.
Mabuti na lang ay nakuha ko ang lahi ng British kong Tatay. Ang totoo n’yan, hindi ko na s’ya nakilala. Bata pa lang kasi ako no’ng iwan n’ya kami. Matagal naman na iyon. Sigurado rin naman akong ikahihiya n’ya lang ako oras na malaman n’ya ang kinahitnan ng bastardo n’yang anak sa Pilipinas.
“Mira?” rinig kong tawag ni Mamsh sa labas ng kwarto. Agad ko namang tinigil ang paglalagay ng kolorete sa mukha ko at hinarap s’ya.
“Bakit po?”
“May Amerikano sa labas. Gusto ng English speaking eh. Ikaw lang naman marunong mag-English dito.”
Naiiling akong napangisi. Hindi lang ako puro ganda, ‘no? Beauty and brains yata ‘to!
Kung pinalad nga lang sana akong makasungkit ng scholarship ay baka tapos na ako ng Tourism Management course. Pangarap ko kasi maging flight attendant.
“Sige po. Ako nang bahala, Mamsh.”
“Bilisan mo. Jackpot ka rito. Mukhang mayaman eh,” nakangising wika ng matandang babae.
S’ya si Mamsh Pinky, ang may-ari ng strip club na pinagta-trabahuhan ko. Hawak n’ya kaming lahat dito. Kalhati ng kita ko ay sa kanya napupunta. Hindi ka kasi makakasayaw rito kung hindi mo s’ya bibigyan ng cut.
“Mayaman? Oh? Eh bakit hindi na lang ako, Mamsh? Marunong din naman ako mag-English, ah? Tsk! Favorite mo talaga iyang hilaw na iyan eh.”
Pumadyak pa ito sa sahig na parang bata. Napairap na lang ako sa inis. Bwisit talaga itong babaeng ‘to. Gusto pa ako agawan ng customer.
“Hoy! Tumigil ka nga riyan, Darlene! Huling English mo iyong Amerikano ang nag-nosebleed!” banat ni Mamsh Pinky na ikinatawa naming lahat.
“Pft!”
“HAHAHAHA!”
Tawanan ng iba naming kasamahan sa loob. Nang-aasar ko namang nginitian ang inggiterang si Darlene. Nakabusangot na ang mukha nito kaya lalo s’yang nagmukhang bulldog sa paningin ko.
Magsasalita na sana ako nang unahan ako ng kaibigan kong si Kolette.
“Aral-aral din kasi. Huwag puro kapokpokan.”
Nanlaki naman ang butas ng ilong ng babae. Halatang gusto pa nitong sumabat pero nang makita ang nandidilat na mata ni Mamsh ay pinili na lang na manahimik.
Isang matamis na ngiti naman ang binigay ko sa matalik kong kaibigan.
“Salamat, ‘te.”
“Naku! Wala iyon. Ang mabuti pa ay puntahan mo na iyong customer mo bago pa masulot iyon ni Darlene.”
Oo nga pala.
Mabilis kong sinulyapan ang sarili sa salamin. Nakalugay ang kulot at hanggang baywang kong buhok na napapalamutian ng gold na hair tinsel. Hapit na hapit naman ang suot kong red corset at maliit na skirt na lalong nagpapakurba sa balingkinitan kong katawan. Tinernuhan ko pa ito ng black leather high boots na hanggang legs ko ang taas kaya mas lalo ako nagmukhang sexy.
Payat akong babae pero pinagpala ako sa dibdib at balakang. Average lang din ang height ko pero long-legged kaya mukha akong fashion model.
Maingat kong sinuklay ng daliri ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. Agad sumalubong sa akin ang malakas na musika ng club. Maraming tao ang nagsasayawan sa dance floor. Ang dami ring naghahalikan at nagkakapaan sa mga table. Ipinokus ko ang sarili sa paghanap sa customer na tinutukoy ni Mamsh Pinky. At doon, sa may lounge area ay isang mestizong lalaki ang pumukaw ng pansin ko.
“In fairness, gwapito,” bulong ko sa sarili.
No’ng binanggit kasi ni Mamsh na Amerikano ang customer ay isang matandang hukluban ang pumasok sa utak ko. Hindi naman pala. Mukha ngang mas bata pa ito sa’kin ng ilang taon.
Agad akong rumampa palapit sa lounge area. Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang malakas na boses n’ya.
“Hey everyone! Drinks are ON ME! Nobody's going home sober tonight!”
Saktong pagtaas nila ng kanilang mga baso sa ere ay ang pagkandong ko sa hita n’ya. Hindi naman ito nagulat at mukhang natuwa pa nang makita ako.
“Hi, party boy,” nang-aakit na bati ko.
Nakangisi ako nitong pinagmasdan. Mas gwapo pala s’ya sa malapitan. Mukhang mabangong baby pero tequila ang tinitira imbes na gatas.
“You are?” nakangising tanong n’ya.
“I’m Mira.”
Binaba n’ya ang hawak na baso at inabot ang kamay sa akin.
“I'm Rich.”
Pati pangalan n’ya ay tunog mayaman. Mukhang tama nga si Mamsh Pinky. Jackpot ako sa kanya!
“Are you celebrating?” May kalakasang tanong ko habang nililibot ang tingin sa mga kasamahan n’ya na mukhang dito n’ya lang din nakilala sa club. “Do you want to go into a private room?”
Hindi kami magkakarinigan dito dahil sa malakas na music. Chance ko na rin itong masolo at maperahan s’ya.
Malandi kong hinaplos ang dibdib n’ya. Tameme naman itong tumango. Hindi na ako nag-aksya ng oras at hinila na s’ya paakyat ng second floor kung saan ko balak butasin ang bulsa n’ya. Pinili ko talaga ang pinakamahal na kwarto dahil sigurado naman akong afford naman n’ya. Pole room.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay agad ko s’yang tinulak sa malambot na upuan para sayawan. Sinabayan ko ang malaswang tugtog sa loob habang dahan-dahang hinuhubad ang suot kong corset.
Bawat kembot at kagat ng labi ko habang sumasayaw sa pole ay napapahiyaw si Rich. Mukhang enjoy na enjoy ang lalaki sa five-star performance ko.
“Yeah! Give me more, Mira! You're so f*****g sexy!”
Nakalabas na ang malulusog kong dibdib nang muli akong kumandong sa kanya para gumiling sa ibabaw n’ya.
“s**t, Mira!”
Bahagya akong napasinghap nang tumusok sa akin ang malaking alaga n’ya. May suot pa s’yang pantalon pero ramdam na ramdam ko na ang galit na p*********i n’ya.
Mukhang gifted ang isang ‘to.
Ang tagal ko ring sumayaw sa ibabaw n’ya habang walang tigil din naman ang pag-ipit n’ya ng paper bills sa panty ko.
Naghalo na ang peso sa dolyar. Hindi ko na rin mabilang ang perang nasa panty ko ngayon na nagmistula na itong skirt sa dami.
“You like that, hmm?” malanding tanong ko habang gumigiling sa ibabaw n’ya. Mukhang natahimik naman ang lalaki at nilalasap na ang init ng katawan kong kumikiskis sa ibabaw n’ya.
“f**k. I’m horny.”
Mabilis pa sa alas kwatro kong nilayo ang sarili sa kanya.
Stripper ako pero hindi ako nagbebenta ng laman. Nagsasayaw lang ako nang nakahubad pero ni minsan ay hindi ko sinubukang magpatira sa mga customer ko.
Oo, stripper ako. But I’m still a virgin.
“Do you offer special services?” mapungay ang matang tanong ni Rich. Matamis akong ngumiti at muling bumalik sa pagsasayaw sa pole.
Maraming customer na ang nag-alok sa akin ng malaking halaga para matikman ang special service ko pero ni isa sa kanila ay hindi ko pinatulan. At wala akong balak bumigay ngayon.
Kahit alukin n’ya pa ako ng libo-libong dolyar n’ya.
“Come on. Name your price.”
Nagpupumilit pa rin ang binata kahit na pinapahalata ko nang hindi ako interesado sa gusto n’ya.
Hindi ko naman itatanggi na ilan sa mga kapwa strippers ko dito sa club ay nagbibigay ng special services sa customers kagaya ni Darlene. Mas pinili ko lang talagang huwag magbigay ng gano’ng serbisyo.
It's the least thing I could do to save whatever's left of my dignity.
Gusto kong ibigay ang virginity ko sa lalaking mahal ko. Hindi sa kung sinong ponsyo pilatong customer na babayaran ng barya ang puri ko.
Napatigil ako sa pagsayaw nang biglang patayin ni Rich ang tugtog sa pole room. Nakangiti ko s’yang hinarap kahit na halata namang hindi s’ya nasiyahan sa pagtanggi ko sa gusto n’ya. Medyo kinabahan ako kasi baka bawiin n’ya iyong mga perang binigay n’ya sa’kin. May mga kupal kasi na gano’n kapag ‘di napagbibigyan.
“If you want I can call the other girls who offer special services—” alok ko pero agad n’ya akong pinutol.
“No, it’s fine. I just want you, Mira. I like you.”
Ilang segundo kong pinagmasdan ang binatang seryosong nakatayo sa harapan ko ngayon. Ano’ng sinabi n’ya? He likes me? Lahat naman yata ng lalaki ay magugustuhan ang kahit na sinong babae basta walang saplot.
Pero sige…
Sasakyan ko ang trip n’ya.
Nakangisi kong hinaplos ang matigas n’yang biceps. Sinadya ko talagang isanggi ang dibdib ko sa kanya para mas malibugan pa s’ya. Iyon lang ang kaya kong i-offer bilang isang stripper. Problema n’ya na kung paano paparausin ang sarili n’ya.
“How much do you like me, Rich?” nang-aakit na bulong ko sa tainga n’ya.
Ramdam ko pa ang panginginig ng mga katawan n’ya habang malandi kong hinahaplos ang dibdib n’ya pababa sa nagtatagong ahas sa loob ng pantalon n’ya.
“A lot…”
Lalong lumawak ang ngisi ko.
“I said, how much?”
Mukhang nakuha naman n’ya ang gusto kong sabihin. Wala akong pakialam sa feelings n’ya. At mas lalong hindi pagmamahal ang dahilan kaya nandito ako ngayon.
Pera.
Iyon ang gusto ko.
Nawala ang ngisi sa labi ko nang kuhanin n’ya ang kamay kong malanding nakapatong sa bukol sa pantalon n’ya at maingat na hinalikan.
"A diamond ring. Will that be enough?"